Chapter 3

1.8K 31 15
                                    

CHAPTER 3

“Lola? Si Papa po bayan?” Tumingin si Lola sa direksyon ko at tumango. Lumapit ako para makausap ko rin si Papa.

“Hello? Papa?”

“Kaylie anak! Kamusta ka na?”

“Okay lang po ako Papa! Kayo po? Kamusta po kayo dyan? Kumakain po ba kayo ng maayos? British na po ba ang English nyo? HAHAHA!”

“Ang anak ko talaga. Oo, kumakain naman ako ng maayos. Pagbutihin mo ang pag-aaral mo ha? Dalawang taon na lang. Dito na kita pag-aaralin ng college. Gusto mo ba yun?” Tanong ni Papa. Gusto ko nga ba? O napipilitan lang ba akong sumama dahil kay Lola?

“Eh, opo?” Parang narinig kong ngumiti si Papa sa kabilang linya. Diba, ganun yun? Malalaman mo kung yung taong kausap mo eh nakangiti o hindi.

“Sige anak, ibigay mo na muna kay Lola, may sasabihin lang ako.” Inabot ko kay Lola yung telepono at nagpaalam na aakyat na ako sa kwarto. Maaga pa ang pasok naming bukas at di ako dapat na ma-late.

“Bruhang best friend ko!!” Sigaw ni Niqi habang tumatakbo papalapit sa akin. Sa mga oras na yun, gusto ko nang lamunin ako ng lupa. Pwede ba yun? Sige na, once lang. Nung malapit na sya sa akin, binatukan ko ang loka.

“Gaga ka talaga. Ipagsigawan daw bang bruha ang best friend?”

“Joke lang naman yun best! Tara, pasok na tayo sa room. May morning announcement si Ma’am, narinig ko.”

Nagmadali na kami papunta sa room kasi baka pagalitan pa kami ni Ma’am. Strict pa naman yun tungkol sa punctuality. Mahirap na.

Nilapag ko na ang bag ko sa upuan ko. Katabi ko si Niqi eh.

“Good morning class. Please hand in your assignments.” Sabin g teacher naming. Nilabas naman ni Niqi yung encoded na assignment naming. Sya na kasi ang nagtype at nagprint. Sorry na, wala kaming computer eh.

Blah, blah, blah. Discuss lang si Ma’am ng chorvachenes na Chemistry. Promise, kahit na anong gawin ko, hindi ko talaga magets yung Chem. Tapos ang tagal pa naman ng discussion naming pag science subjects. Pero di nagtagal, natapos na rin sa wakas ang klase sa Chem kaya ibang subject na naman.

English… Filipino… SA WAKAS! Recess na! Yun naman talaga ang pinakahihintay ko sa lahat eh. Inaya ko si Niqi na pumunta na kami sa cafeteria, bibili kasi ako ng paborito kong bola-bola siopao. Mwehehe. Hinigit ko ang kamay nya, sobrang dami ng tao sa caf, baka magkaubusan pa ng siopao my love.

“Niqi! Dalian mo naman, baka maubusan ako ng siopaaaao!” Sigaw ko habang tumatakbo papunta sa dulo ng pagkahaba-habang pila at sinusubukang paandarin ang pila kahit papano sa pamamagitan ng panunulak. Mwehehe. Ang bad ko ba, nararamdaman ko.

Ayan na, sobrang lapit ko na sa tagumpay. Abot kamay ko na ang mahiwagang siopao. Konti na lang, konting bilis lang ng pila. Ayan na… ilang centimeters na lang. Konti na lang, malapit na ko. Ayan na. Ayan n—

“I got it.” A-ang siopao ko…

“Miss, yung kamay mo sa siopao ko, pakialis. Ako nauna.” Napatingin ako sa kamay na nakapatong sa kamay kong nakapatong sa siopao. Napalunok ako.

Hindi ko maipaliwanag pero first time, nagwapuhan ako sa schoolmate ko maliban kay Dale. HIYEEEE! Ang gwapo talaga, papable. Yung mata nya, ang ganda, singkit. Parang nakakatunaw yung tingin nya. Tapos, yung ilong nya, hindi ganun katangos at hindi naman ganun ka-pango. Tamang tama lang para sa mukha nya. Plus points din yata na mukha syang angel. Ang puti at ang kinis ng balat nya, pwede nang endorser ni Belo.

“Miss?” Bigla nyang nilapit ang kamay nya sa mukha ko. Napasinghap ako at hinintay ang susunod na mangyayari. Hinawakan nya ang baba ko at inangat yun, para sumara ang bibig ko.

SHEEEET! Kanina pa pala bukas ang bibgi ko, nakakahiya!

Ngumiti sya ng nakakaloko, pero gwapo pa rin! Pero nakakahiya talaga! Bigla nyang tinusok ng marahan ang pisngi ko gamit yung daliri nya. “Namumula ka na Miss. Sige, kukunin ko na itong siopao ha.” At kinindatan nya ako.

“Si-sige, iyo na lang tong siopao.” At iniabot ko sa kanya ang siopao.

Yun ang scene na nagplay sa utak ko pero iba ang reaksyon ko sa totoong buhay.

“AYOKO NGA! AKIN YAN! AKO NAUNA!” Masyado atang napalakas ang pagkakasabi ko. Nagtinginan ang mga tao sa direksyon namin. Hinawakan ako ni Niqi sa free arm ko. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa siopao pero maluwang para hindi mapirat yun. Nakapatong pa rin yung kamay nung lalaking pogi sa kamay ko. Yihii! Chansing ka kuya ha! Tactics mo!

“HINDI KO TO BIBITAWAN! AKIN TO!” Sigaw nya.

“EH MAS LALO NAMAN AKO! AKO KAYA NAUNA. NAKIKITA MO BA ITONG KAMAY KO? NASA ILALIM DIBA?” Humigpit ang pagkakahawak ng kamay nung lalaking pogi sa kamay ko at iniangat yun, kasama ng siopao. Kinuha nya yung siopao gamit yung isang kamay nya.

“HINDEEE!!!” Sigaw ko habang naglalakad na sya palayo, tangay ang siopao ko. Napaluhod ako sa kinatatayuan ko at napahawak sa sahig.

“Best, okay lang yan.” Sabi sa akin ni Niqi habang tinatapik ang likod ko. Uwian na namin at nakatambay lang kami sa gitna ng oval.

“Best, hindi okay yun! Last siopao for the week yun!” Protesta ko.

“I get it best. Di bale, bukas, ililibre kita sa ChaoQing. Magsiopao ever tayo.” Naglight up bigla yung mukha ko.

“Talaga Best?!”

“Oo! Basa para sa yo.” Niyakap ko sya.

“Salamat Best! Halabyu talaga.” Ngumiti ako.

“Ah, oo nga pala. May sasabihin ako sa iyo.”

-------------

Iieeeh. Cliffhanger! :D Sa mga readers ko, kahit konti lang kayo, mahal ko kayo. Kung gusto niyo ako maging friend, pwedeng pwede! :D Pati, wala pa rin pala akong naaayos na schedule ng paguupdate. :| Baka next week na or this week. :D

Ayun, as always, VOTE, COMMENT, BE A FAN. <3

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon