Chapter 36

1.1K 21 17
                                    

CHAPTER 36

"Hahaha! Ano? Sinuntok mo?" Natatawang tanong ni Jared.

"Oo! Aba, dapat lang sa kanya yun no. Bwisit na yun." Naiinis na sagot ko.

Magkausap kami ni Jared sa telepono. Kinuwento ko sa kanya yung nangyari kanina. Grabe, naaasar pa rin talaga ako dun sa lalaking yun. Subukan nya lang talagang lumapit kay Sabrina, ewan na lang kung ano na magawa namin ni Kuya sa kanya. Sensya, over-protective masyado eh.

"Easy lang Kaylie! Hahaha. Ikaw talaga, palaban kahit kelan." Pabirong sabi ni Jared.

"Haay naku! Grrr." Tumayo ako sa kama ko. Nakahiga kasi ako sa kama.

"Hahahaha! Ay, teka, tinatawag ako ni Kuya. Babay Angel ko! I love you po." Namula naman ako sa last words nya. Nakangiti tuloy ako mag-isa para na naman akong tanga neto.

"Hehe, babay din Demon ko. Ay... ay..." Fudz, hindi ko masabi. "Ay... ay, nagugutom na ako."

"HAHAHA! Kumain ka na din! Bye!" Tapos binaba na nya yung telepono.

Umupo ako sa kama ko at nagmasid. Echos, ang drama.

Lumapit ako sa computer ko at binuksan yon. Mag-iinternet na lang ako, para mawala ang stress ko.

Nag-open ako ng Tumblr at nagpost tungkol sa nangyari ngayon araw. Medyo gumaan din yung pakiramdam ko dahil dun. Inaantok na rin nga ako eh.

Yung sinabi kong nagugutom ako, hindi naman talaga ako nagugutom. Palusot ko lang yun. Hindi kasi ako expressive na tao, kaya hindi ko masabi kay Jared yung nararamdaman ko para sa kanya. Ugh. Ang hirap ng sitwaston ko. Nakakaasar.

Lumabas ako sa kwarto at pumunta sa kwarto ni Sab. Hindi sya pumasok eh. Sabi nya, hindi pa raw sya handang harapin ang mga tao sa school. Syempre, nandito naman kami para palakasin ang loob nya.

Bukas nga eh dadalaw dito yung barkada. Aba sushal, barkada.

*tok tok tok*

Kumatok ako sa pinto ni Sab.

"Pasok." Mahinang boses ang nagsalita mula sa kabila.

"Sab?" Tanong ko habang pumapasok. Nanonood si Sab ng TV.

"Kaylie... ikaw pala." Lumapit ako sa kama nya at umayos naman sya ng upo. Tinapik nya yung space sa tabi nya at pinaupo ako doon.

"Nagkita kami ni Malcolm..." Panimula ko. Nakita kong nangilid ang mga luha nya.

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon