Chapter 18

1.3K 24 15
                                    

CHAPTER 18

Good morning sa inyooooo~ Sweet and mild ang--

"INGAY."

Nampotek, sino ba kasi yang nagpauso ng commercial na yan? Panira ng umaga.

(A/N: Nescafe, please don't sue me. THis is for humor purposes only. Wala akong pera pambayad sa inyo!)

Tinakpan ko ng unan yung tenga ko. Badtrip, ang aga-aga, ang bitter, este ingay.

May kumatok sa pintuan kaya napabalikwas ako sa kama. Tumayo ako at alanganing binuksan yung pinto.

"Apo, gumising ka na, maaga pa ang pasok mo diba?" Sabi ni Lola sa akin. Tumango lang ako. Wala ako sa mood mag-salita. Nakakatamad. Naiistress ako.

Umalis si Lola kaya sinarado ko ulit yung pinto.

Nakapikit akong bumalik sa kama. Hinayaan ko lang yung sarili ko na matumba. Tinatamad ako.

Tulog muna ako ha.. 5 minutes lang. 5 minutes lang...

zzz

"Kaylie? Kaylie!"

*tok tok tok tok tok tok tok*

"Kaylie! May pasok ka ba? Lunes ngayon ah." Namulat ako at biglang tumalon patayo sa kama.

"LATE NA AKO?!" Tumingin ako sa wall clock. "5 minutes to 8?!"

Sabi ko 5 minutes lang ako matutulog eh. Hindi yung 5 minutes to 8 ako gigising. Anebenemenyen.

Dali-dali na akong naligo, nagbihis at nagtoothbrush. Hindi na ako kumain, sa school na lang.

"AALIS NA PO AKO!" Sabi ko at tumakbo na palabas para mag-abang ng trike. Mabilis naman akong nakasakay ang in 4 minutes, nasa school gate na ako.

Shet.

Ang haba ng pila sa gate! Anong meron? Male-late ako nito eh! Terror forever pa naman yung teacher ko sa Math! Jujuju.

"Kuya manong guard! Papasukin niyo na ako! Male-late na po ako!" Pagmamakaawa ko mula sa dulo ng pila.

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon