Chapter 9.2

1.5K 21 7
                                    

Chapter 9 (Part 2)

Tae, anong gagawin ko? Hinila ako ni Bianca palabas mula sa pinagtataguan ko at pinalapit si Jared. Napalunok ako at napayuko.

 Kapag minamalas ka nga naman talaga.

Syet. Bakit ba ang gwapo nya? Bakit ba ako naaapektuhan ng kagwapuhan nya?

Okay, hingang malalim-BUGA!

"So paano, start na tayo Kay? Jared, ayos na?" Ngumiti si Jared sa kanya. Kinompose ko naman yung sarili ko.

 Eto ang naging takbo ng interview namin:

Kaylie: Umm, hi?

Jared: Hi! *energetic*

K: Umm...

J: Ano ka ba, wag kang mahiya sa akin. Alam ko gwapo ako pero di ako masungit.

K: O-okay. May ilan kaming mga katanungan.

J: Fire!

K: Anong feeling na maging sikat?

J: Masaya syempre! Kaso nakakaasar lang minsan, ang daming lumalapit at feeling close. Pero ayos lang. Daming girls na lumalapit eh. *laughs*

K: *whispers* Ang kapal.

J: Ha? May sinasabi ka?

K: A-ah, wala. Next question. Paano mo narating ang tuktok ng kasikatan? Anong mga ginawa ko?

J: Huh? Wala, ewan ko. Nagising ako isang araw at BOOM! Sikat na ako. Siguro dahil sa kagwapuhan ko o anu man yan.

K: Umm, anong maipapayo mo sa mga mag-aaral na gusto ring maging sikat?

J: Um, wag masyadong magyabang ha?

K: *whispers* Nagsalita ang hindi.

J: Saka laging maging friendly. Tapos wag masama ang ugali. Saka be yourself!

K: Wow. Nice. Salamat sa time.

J: Welcome! Ikaw pa? Lakas mo sa akin eh.

K: *smiles*

"AYOKO NAAAAA~!"

"Apo, anong bang sinisigaw mo dyan? Kay ingay mo naman. Nagpapahinga ako eh."

Nasa bahay ako. Kakauwi ko lang. Wah. Naloka lang ako sa mga naganap kanina sa school. 

"Wala po Lola, may project lang po akong tinatapos." Sigaw ko. Pero ang totoo, wala naman kaming project. Echos lang yun.

Lumabas ako ng kwarto at naabutang nanonood si Lola ng TV.

"Lola, ano pong balak niyo sa perang pinadala ni Papa?"

"Ikaw apo, may mga kakailanganin ka ba sa school?"

"Wala naman po. Pero pwede po ba akong bumili ng cellphone? Sirang sira na po kasi yung akin ngayon eh."

"O sige apo. Basta sabihin mo sa Papa mo iyon ah."

"Nakapagpaalam na rin naman po ako. Okay naman po sa kanya."

"Mabuti, kelan mo ba balak bumili?"

"Hmm, bukas po kaya? Tutal, Sabado na rin naman po bukas eh."

"O sya sya, basta dalhan mo ako ng pasalubong ha, yung Starbucks ba yun?" Aba kay sosyal ni Lola.

"Haha! Lola talaga. Opo sige, kung may matira po sa pera."

"Sige, bukas ko na ibibigay yung pera." Napangiti ako at umakyat ulit sa kwarto.

Nahiga lang ako sa kama, nakatitig sa kisame. Nagulat ako nung tumunog yung cellphone ko.

Si Dale, nagGM na naman.

From: Dale
Message: Kamusta naman yung interview nina Kaylie at Cheche sa kin? Haha! Kahapon pa yun eh.
Jared- Ikaw rin ba Dude, ininterview nila?
Niqi- Wala lang, papansin lang ako. Labas naman daw kayo minsan nina Ckai, girl bonding.
Ckai- <3 u. :)

Ayyy. Kay sweet talaga ni Dale sa palalabs nya. Ako kaya, kelan magkakaroon ng palalabs?

Ang lande.

Pero ano nga kaya ang feeling? Si Niqi, may boyfriend, si Dale may girlfriend... Ako? Wala. Kawawa naman ako. NOT.

Di naman ako excited eh.

*tenenenet-tenenenet-tenenenetnet*--NOKIA TUNE.

"Hello?"

"Kaylieee~"

"What?"

"Wow, English men."

"Tss. Ano nga?"

"Wala lang. Ang saya ng interview kanina. Ang cute cute mo."

"Shattap."

"Yeeeh, kinikilig ka noh?"

"Hindi kaya!!"

"May sasabihin ako sa iyo."

"Ano?"

"Kasi ano... k---" *tootoootooot*

Argh, shet. Battery empty na ko. Asan na ba yung charger ko? Hinalungkat ko sa drawer ko pero wala dun.

Lumabas ako ng kwarto at hinanap sa sala, wala rin dun.

Paano na yan?

Hindi ko na maririnig yung sinabi sa akin ni Jared?

Eh ano namang pakialam ko sa sasabihin nya?

Eh baka importante yun eh.

Wala. Wala.

ARGH! Nababaliw na ako. Pati sarili ko kinakausap ko na.

Pumunta ako sa study table ko at umupo sa upuan. Binuksan ko yung radyo at nakinig sa mga kanta.

"Lonely~~~ I'm Mister Lonely~~~~"

*pzzzt* Pinihit ko yung tuner ng radyo. Eww, gabing-gabi, Mr. Lonely ang tugtog? Ang sagwa.

"ASFAGKLSDHLKDHF. Squeezing. KAJHFALKJ. Gripping my throat. AKHFLABJ"

Anong kanta to? Di ko nagets.

"tutugtugteeeeen-teeeeneeeneeeen. tenteneneeneneeeen. teneeen. teneeeeeen."

=*____*= Nakakaintriga naman tong kanta na to, ang ganda ng intro.

"Wesheewo shoroww of the children. And woshowey yousheyow. Of the mad man empolushe. porguda institution."

Ba, ayos ah.

"SLEEEEEEEEEEEEP. JUST SLEEEEEEEEEEEEP. The hardest paaart, is letting go of...

Your dreams."

Oo nga, matutulog na nga ako. Ayos tong pampatulog kahit rock.

Matutulog na ako.

-----------------------------------

Epekto ng drugs. Kung anu-ano tina-type ko.

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon