Chapter 8

1.4K 23 8
                                    

Chapter 8

"Ano bang gagawin natin Kaylie?" Tanong sa akin ni Dale habang sine-set up yung camera. Nakatingin sya doon.

"Iinterviewhin ka lang namin."

"HA? Wag! Ma-eexpose ang kagwapuhan ko!" Tapos tinakpan nya ang mukha nya. Ang kapal talaga.

*TOINK!!*

"Aray ko!" Napahawak sya sa batok nya. "Bat mo naman ako binatukan?"

"Eh yun nga ang purpose namin eh, ang maexpose ang kagwapuhan mo." Kaso marami na akong magiging kaagaw sayo. Pero isa lang naman ang laman ng puso mo eh.

"Baka madiscover ako nito ah."

"Kapal talaga."

"Guys, start na tayo." Sabi ni Bianca. Lumapit si Cheche at inabot yung script sa akin.

Ganito ang naging takbo ng interiew:

Cheche: Hi Dale.

Dale: Hehe, hi!

C: Kumusta naman?

D: Umm, ayos lang?

Kaylie: Ah, mayroon kaming konting katanungan para sa iyo.

D: Bring it on.

K: Anong feeling na maging popular? Na maraming nakakakilala sa iyo?

D: Sa totoo lang, hindi naman talaga ako popular eh, friendly lang. *ngiti*

C: Halata nga eh. So, kamusta naman ang pakikitungo sa iyo ng mga kaklase mo?

D: Ganun pa rin, tulad ng dati.

K: Eh sa ibang tao? May mga nagbago ba ng pakikitungo? May naging mga kagalit ka ba?

D: Naku, wala. Ayoko ng may kagalit. Pag may nainis lang nga sa akin, nilalapitan ko kaagad eh.

C: Ang bait mo naman.

D: Thank you!

K: Sa tingin mo, paano ka sumikat ng ganito?

D: Er, siguro nga dahil sa friendly ako, marami akong nakikilalang tao. 

C: Sige, last question. Anong maipapayo mo sa mga estudyanteng gusto ring maging popular tulad mo.

D: Umm, siguro, be yourself. Wag mong piliting sumikat kung hindi mo naman kaya? Pwede ba yun? Pero kasi diba, maraming nagreresort to bad things para lang sumikat. I advise you guys not to do that. Be friendly lang. Tapos keep your friends close and your enemies closer. *smiles*

K: Thank you Dale! Ang ganda ng message mo. Napakameaningful.

D: Wala yun.

C: Salamat sa pagpapaunlak mo sa aming interview.

D: Welcome, sa uulitin.

At ayun nga ang naging takbo ng interview namin kay Dale. Nagpasalamat kami kay Dale at kinuha na ni Bianca yung video at nilipat sa laptop nya. Sya na raw ang mag-eedit. Baka bukas daw eh mapanood na namin yung video.

Bumalik kami sa room, nagbabakasakaling nandoon pa si Sabrina. Diba nga isisingit namin sya? Kasi mukha syang singit. HAHAHA!

"Sabrina! Pwede ka ba naming interviewhin?" Tanong ni Bianca.

"Sure, about what?" Sabay flip ng hair. Pweh. Ang arti.

"Sa popularity. Uh, start na tayo?"

"Okay." Umirap sya. Sana infinity times na lang ang pag-irap ni Sabrina para di na sya makatingin ng diretso kasi ikot ng ikot yung mata na. WAHAHAHA!

Bumulong ako kay Bianca na si Cheche na lang mag-interview. Masakit kuno kasi ang tyan ko.

Cheche: Hi Sabrina.

Sabrina: Hi! And hi to all my fans.

Echos. Ikaw may fans?

C: So, nalaman namin na ikaw ang representative ng fourth years para sa Ms. Beautiful. Anong pakiramdam mo na sa dinami-rami ng magagandang babaeng fourth years eh ikaw ang napili?

S: Well, *flips hair* masaya syempre, dahil of all the girls, ang kagandahan ko ang napansin nila. I mean, I know maraming magaganda pero ako naman ang pinakamaganda. *laughs*

C: Wow. You seem so confident.

S: Yes, confident is my middle name.

Ay! Gumaganon si ate.

C: *smiles* Um, so alam naman ng lahat na ikaw ang most popular girl sa school according to surveys. What did you do to reach this rank?

S: Thanks. Sa totoo lang, wala naman akong ginawa eh. Natural na talaga sa akin ang pagiging popular. Ganito ba naman kaganda ang mukha ko, ewan na lang kung di pa ako magiging sikat. *laughs*

ANG KAPAL!

C: Hmm, so anong message mo sa mga taong umiidolo sa yo?

S: Keep supporting me guys. I love you all! *flying kiss sa camera*

C: And your message to those who aspire to be popular like you?

S: Um, kung kelangang gawin ang lahat para mapansin kayo, do it. Your efforts will soon pay off.

C: Er, wow. What an enlightening message. Thank you Sabrina for your time.

S: Sure.

Ayun, kinuha na ni Sabrina ang bag nya at lumayas na. Tumayo ako sa kinauupuan ko at tinulungan sa pag-aayos si Luke.

"Kay, bakit di mo tinulungan si Cheche sa pag-interview kanina?" Tanong ni Luke.

"Ayoko kasi interviewhin si Sabrina. Alam mo naman na medyo hindi ako masayang kasama yun eh."

"Ah, gets. Edi ikaw na lang pala mag-interview ka Jared bukas! Ayos. Makakapahinga nun si Cheche."

"ANO?! Bakit hindi niyo sinabi sa akin?"

"Eh nagtanong ka ba? Saka hindi fair yun sa part ni Cheche kung sya kasama pa rin sya mag-interview kay Jared. Ikaw na ha?" Tapos tinapik nya ang balikat ko.

_______________________

Quick update.

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon