Chapter 34

1.1K 20 32
                                    

CHAPTER 34

Bumalik si Niqi kasama si Sab na hawak ang tyan nya. Whoa, nagsusuka na sya? Nagtanong ako nung nakaraan kay Ckai kung paano yun symptoms ng mga buntis, kasi buntis daw yung tita nya at sya yung pinagbantay. Ayun, sabi nga nya na sa first and second month, delayed na period pa lang. Yung pagduduwal at paglilihi daw eh sa third month pa.

Nagduduwal na si Sabrina... ibig sabihin, three months na syang buntis?

Nahihiya akong magtanong sa kanya ng details, dahil baka magalit sya sa pagiging nosy ko, pero kelangang maging matapang, para malaman ko na ang totoo.

"Oh, anong problem Sab?" Tanong ni Dale. Sa totoo lang, friends naman silang lahat talaga eh, kaso nga lang, nag-iba nga si Sab kaya parang nalayo na rin yung loob nila. Pero nagkausap na rin naman sila.

"W-wala." Sabi nito habang tinatakpan nya ang bibig nya.

"Eh wala naman pala. Tara pasok na tayo, tutal tapos na din itong si Kaylie kumain eh." Sabi ni Dale. 

At pumasok na kami sa school pero dinaan muna namin si Sab sa clinic, kasi nahalata ata nila na parang namumutla na sya. Hindi na rin umangal si Sab, halata rin sa mukha nyang nahihirapan sya eh.

Hindi naman ganun kainteresting yung klase kasi hindi naman kami interesado sa topic.

Sinundo kami ni Tito Dave, kasi nagtext ata sa kanya si Sab na sunduin na lang kami. 

Pagdating sa bahay, ang kulit lang nung kambal, takbo dito, takbo doon. Si Kuya Xav pa ang tagapag-bantay nilang dalawa. Si mama, nanonood lang sa kanila.

Pagkauwi, nagmano lang ako at umakyat na sa kwarto. Nagbihis na ako at bumaba, manonood ata kasi kami ng Harry Potter and the Deathly Hallows 2 sa bagong 3D TV na binili ni Tito. Eh hindi ko pa rin napapanood yun kaya gora na. Si Sab pababa na rin kaya nagsabay na kami, nagkwentuhan pa kami on the way kasi excited na ako makanood ng 3D kahit sa bahay lang.

Nang makababa na kami sa last step, bigla syang humawak sa tyan nya tapos sa ulo nya at biglang natumba sya.

"SAB!" napasigaw ako kaya napatingin sa amin silang lahat. Napatayo sila at napatakbo papunta sa amin. Mabuti at hindi nagpanic si Mama at Tito Dave. Inakyat ni Tito si Sab sa kwarto nya at si Mama naman eh tumawag sa telepono. Kami naman ng kambal at ni kuya Xav eh sumunod kay Tito paakyat ng hagdan.

Nilapag ni Tito si Sab sa kama nya. Tapos nun umakyat na din si Mama.

"Tinawagan ko si Dr. Ortiz, papunta na daw sya." Si Dr. Ortiz ata yung family doctor nina Mama. Malapit lang din yung clinic nun kaya mabilis lang syang nakarating. Pina-akyat sya ni Manang Luring sa kwarto at chineck na si Sab. Lumabas na kaming lahat, maliban syempre sa doctor.

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon