New Life

1.2M 15.8K 10.9K
                                    

Jd's POV

"John Dale Aragon do you take Natasha Fediengfield to be your lawfully wedded wife, to have and to hold-"

"Babe, antagal naman neto di ba pwedeng yes agad tapos kiss na. Para matapos na'to. Kating kati na ko dito sa suot ko." bulong ko kay Asha.

"Jd, wag magulo; makinig ka na lang." balik nya sakin na hindi man lang tumitingin.

"Eh kasi Babe eh .." maktol ko.

"Wag ka maarte Jd! Ikaw may gusto nito diba? Ginusto mo ng church wedding, so magtiis ka."

"Di ko naman alam na ganito pala kaha -aww!" napa aw ako sa pagsiko ni Asha sakin tapos pinandilatan nya pa ako ng mata.

"Ehem .. Mr Aragon?" tanong ni Father sakin.

"Po?" takang tanong ko kay Father.

"Ok. I will repeat the question Listen. John Dale Ara-"

"Yes father, I take Natasha Feddiengfield to be my lawfully wedded wife to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part. " ulit ko sa tanong ni Father. Sa tagal ba naman naming napractice 'to ewan ko lang kung di ko pa mamemorize.

Kasunod nun ay ang palakpakan ng mga tao at tawanan nila.

"Woo! Bespren ko yan! Labyu boss! Your the best!" sigaw ni Ivan sa crowd.

"Ok you may now kiss the bride."

Humarap agad ako kay Asha, at ngumiti sa kanya.

"Jd make it fast and don't be too silly." paalala ni Asha sakin.

"I will."

Dahan dahan kong nilapit ang mukha ko kay Asha, but i stop for a moment then smile, I kiss her forehead, her eyes, her cheeks, and i caress her lips by my thumb ..

"Kiss sa lips!"

Sigaw nila, I smile mischevously at them and hold her nape. I kiss her fully, hungrily, passionately on her lips.

"Mabuhay ang bagong kasal!" saboy nila ng bulaklak samin ni Asha.

And yes, this is our second anniversary, two years old na din sila Iko at Elo. At sa kasamaang palad maayos na ang katinuan ng baliw na kapatid ni Asha.

Pwede na nga kaming tawaging happy family eh. Kaso nadagdagan ang kalaban ko sa pamilya ni Asha, ewan ko ba pero ang init talaga ng dugo ko kay Ella, tapos ang init din ng dugo sakin ng tatay nila. Kainis!

"Sir! Araw ng kasal nakasimangot ka?!" tabi ni Ivan sakin.

"Kainis kasi yung Ate ni Asha!" sabay nguso ko sa family ni Asha nasa reception na kami.

"Sir kalaban!" bulong ni Ivan sakin na nakatingin kay Ella na palapit sakin.

"Congrats Jd.."

"Ugh! Sabi na ngang wag mo kong tatawaging Jd eh! Si Asha lang tatawag sakin nyan!" inis na sabi ko.

"Fine. John Dale."

"Naman! Ge Jd na lang." she roll her eyes as I say that.

"Ewan ko sayo.  By the way, i just want to say na sana mapatawad mo na ako sa lahat ng nagawa ko sa inyo ni Asha, im sincere, I know you can't trust me now, pero sana sooner will be in a good condition, I love your kids as I love Asha, i wanna act as their second Mom, lalo na ngayon na aalis kayo, sana ipagkatiwala mo sila sa akin. I will not let anything happen to them." sincere na sabi nya.

Nagkatinginan kami ni Ivan. "Ikaw na din ang nagsabi na hindi kita agad mapagkakatiwalaan. But still, i wanna give it a try, i'll give you a chance. But sa bahay pa din kayo titira kasama ng parents ko." sabi ko.

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon