I love you

1.7M 21.8K 5.1K
                                    

[ Para sa'yo to kasi inabot ka ng 2:25 am para lang matapos basahin hanggang sa last update. Salamat! ]

 

Asha's POV

"Twinkle, twinkle little star how I wonder what you are up above the world so high, like a diamond in the sky .."

 

Napapafacepalm na lang ako sa paulit ulit na pagkanta ni Jd, kanina pa yan ganyan, three days na din ng makauwi kami from hospital. At sobra na akong na bobored dito. Paano si Jd, ayaw akong pagawain, pag umaalis nga yan for meeting laging may naiiwan dito na kasama ko, iba ibang staff galing sa Hotel, he'll make sure na wala akong gagawin, nakakainis na nga eh! Sa totoo lang, ayaw ko nun at di rin ako sanay, eh paano ba naman, nagtititigan lang kami maghapon, tapos pag tatayo ako at may gagawin talagang mangunguna pa yun para sya ang gumawa, well I can't blame them, binabayaran sila to do the chores at bantay ko na din. Ganyan lang naman ka-OA si Jd.

Tapos ngayon nagluluto sya habang kumakanta, wag nyo na akong sabihan na sawayin sya dahil ilang beses ko na yang sinaway, alam nyo kung anong sagot nya?

"Makakabuti kay Baby ang music para paglabas nya, genious na sya!"

Oh diba? Anong connect nun?!

"Matagal pa ba yan?" tanong ko sa kanya. Paraan ko lang yun para matigil na sya sa pagkanta.

"Konti pa Babe .." see? Edi natigil din sya. Hindi naman sa ayaw ko sa boses nya, or pangit yun, it's just that .. it's so annoying!

"Water melon, water melon, papaya, papaya, .." at bago nya pa matapos ang pagkanta ay tumayo na ako saka nagpaalam sa kanya.

"Sa kwarto muna ako!" sabay pasok sa kwarto at humiga ako sa kama.

Bigla naman akong nalungkot when I remember na since na umuwi kami dito, wala ng nangyari samin. Yes as in wala. Hanggang hug and kisses lang. Naisip ko nga siguro, Jd thinks that he's through on our deal. Na hindi na nya kelangan gawin yun because I'm already pregnant. Sa totoo lang nalulungkot ako, kasi pag ginagawa namin ni Jd yun parang we're not having a sex, iba yung ginagawa namin; it's beyond from that. Nahiga ako sa kama and hold the pillow, where Jd used last night; i smell his masculine fragrant, napabuntung hininga ako sa nararamdaman ko, sa ginagawa ni Jd hindi ko maiwasan na hindi mag assume.

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon