Snakes and Ladders

1.7M 20.6K 4.5K
                                    

[oh ayan, dahil malakas ka sakin para sayo to! Salamat sa pagdaan sa MB ko, oy yung ichichismis mo ahh! Hihintayin ko!]

Asha's POV

Three weeks na din kaming nandito sa Singapore, today is sunday. And it's raining here, walang meeting si Jd, or any meet up sa client nya kaya si Jd ayun! Natutulog! Ano pa nga ba? What did you expect? Aayain ko nga sanang mamasyal kaso baka magalit na naman kaya hayaan na lang natin sya.

Tanghali na pero tulog padin sya. Teka nga sisilipin ko muna,baka di nayun humihinga maging balo ako ng di oras.

Pagpasok ko ng kwarto ang hubad na katawan agad ni Jd ang nakita ko, half naked lang naman! Ganyan talaga yan! Lumapit ako sa kanya at tinapat ang hintuturo ko sa ilong nya. Bigla syang pimiksi at tinabig yung kamay ko.

"Ugghh! Ano ba yan! Ang baho!" inis na sabi nya at saka tumayo, pumunta sya ng cr at naghilamos.

Inamoy ko yung kamay ko, hihi! Amoy bawang! Oo nga pala! Napag tripan kong magbalat ng bawang kanina, wala kasi akong magawa eh, kaya nagbalat ako, hihi patay na naman ako nito!

Dahan dahan akong tumalikod, patiptoe na naglakad para makalabas at tumakas sa galit ni Jd. Hihi

"Asha.." dahan dahang tawag ni Jd sakin kaya dahan dahan din akong napalingon.

"Hi Babe!" sweet kunwari na sabi ko.

"You did that on purpose!" naiinis na sabi nya! Sunod sunod akong napa iling! Di ko naman talaga sinadya yun diba? Nalimutan kong nagbalat pala ako ng bawang eh.

"Then bakit mo pinaamoy sakin yung daliri mong amoy bawang?" tinaasan nya ako ng kilay. Bakit ba kahit naiinis na sya ang cute pa din nya? Naka cross arms sya at nakasandal sa pinto ng cr.

"Explain." nagulat pa ko ng magsalita sya na drool na naman ako eh!

"Ahm tinapat ko lang naman yung finger ko kasi I just checked your breath if you stll breathing."

"Why you need to check it?"

"Cause it's going to twelve pm, and yet your still sleeping."

"Don't you think na nagbabawi ako ng tulog kagabi dahil napuyat ako."

Anla! Oo nga pala! Napuyat sya este kami pala sa ginawa namin hihi ! Ano ba yan ang daldal naman nya! Nalaman nyo tuloy!

Napailing na lang ako.

"And why your fingers smell garlic?"

"Eh kasi boring, nakita ko yung bawang kaya binalatan ko." napatungo ako sa sinabi ko. I know napakababaw nun!

"Pshh!" napatingin ako sa kanya na nagpipigil ng tawa. "Haha haha haha.." ayan.natuluyan na!

"Hmp!" tumalikod na ako sa kanya at lumabas. Kainis! Ako na nga ang concern eh! Kung makatawa wagas! Di ko sya pakainin jan eh! Dapat pala hinayaan ko na lsng syang mabangungot sa pagtulog nya Kainis!

After we ate, ay umuulan pa din , dumiretso si Jd sa kwarto, hinabol ko sya agad dahil alam kong matutulog na naman yun. Baka mabored na naman ako at sibuyas naman ang balatan ko.

"Jd! Laro tayo!" dala ko yung snakes and ladders na papel at isang dice. Nakaupo na sya at anytime ay hihiga na. Hinawi ko yung comforter saka inayos yung snakes and ladders.

Hihi masaya to!

"Ano na naman ba yan?"

"Snakes and ladders nga!"

"Ayoko matutulog ako."

"Eeeee! Sige na kasi!"

"Mamaya na!"

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon