Her Angels

903K 13.1K 2.7K
                                    

Asha's POV

"Ash magpahinga ka na .. kami naman ni Art ang magbabantay kay Jd .." nilingon ko sila Ate Dianne na kararating lang.

"I'm fine Ate .."

"Asha dalawang araw ka ng walang tulog, baka magalit na sayo nyan si Jd, pinapabayaan mo na yung sarili mo, magdamag kang nagbantay kay Mayu, tapos ngayon dito naman kay Jd.."

"Hayaan mo syang magalit Ate, mas gusto ko ngang pagalitan nya ako, kesa yung ganyan na tinutulugan nya lang ako .."

"Ash .. sige na. Umuwi ka muna. Ihahatid na kita. Matulog ka kahit ilang oras, saka hinahanap ka na din ng mga anak mo, Miyu is crying ng umalis kami .." sabi ni Art na ikinatingin ko.

"Alam nila?" tanong ko.

"Walang nagsasabi, mas mabuti na yun, ayaw din ipasabi ng parents mo, bata pa sila, hindi nila maiintindihan yun."

Tiningnan ko si Jd na tulog pa din. Ang dami ko ng napabayaan, sarili ko, pamilya ko at nga anak ko. Sobrang thankful talaga ako na anjan ang pamilya ko, pamilya ni Jd para tulungan kami.

"Asha magpakita ka muna sa mga anak mo .. kahit isa man lang sa inyo makita nila." napatango na lang ako sa sinabi ni Ate Dianne.

"Tawagan mo agad ako Ate kapag may development kay Jd ah?" bilin ko.

"Makakaasa ka .." si Art ang kasama kong lumabas.

Dinaanan ko muna si Mayu na naglalaro sa kwarto nya, sya namang dating ng Doctor nya.

"Doc pwede po bang iuwi ko muna si Mayu? Namimiss na kasi sya ng mga kapatid nya.."

"Right after her check up Misis tapos titingnan natin kung pwede na syang lumabas."

Napatango ako at sumabay pumasok sa loob. Agad akong sinalubong ng matamis na halik ni Mayu at ng mahigpit nyang yakap.

"Mommy! Miss you!" kinarga ko sya at dinala sa kama nya para macheck up na sya.

Habang chinechek up si Mayu ay bumalik ako sa kwarto ni Jd, magpapaalam muna ako sa kanya ..

"Jd .. aalis muna ako sa tabi mo, bibisitahin ko lang ang mga anak natin, I'm sure theyre really miss us, magtataka siguro sila kapag di ka nakita, pero magsisinungaling muna ako ah? Alam kong ayaw mong magsinungaling tayo sa kanila, but i need to. Sasabihin ko munang nagtatrabaho ka pero babalik ka din agad .. hihintayin ka namin. Bilisan mo .." hinalikan ko sya sa noo at pinagmasdan. I know, matatapos din ito. Pagsubok lang ito na kailangan namin harapin.

Nagpaalam din ako kay Ate Dianne at Art, sinabi kong wag na kami ihatid dahil may sasakyan naman si Ate Ella.

Paglabas ko ay nakita ko si Ivan, andun yung kakaibang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag, biglang nag init ang mata ko. At nag unahang bumagsak ang luha ko ..

Sya .. sya yung taong may kasalanan kaya nagkaganito si Jd.

"Ma'am-" isang sampal ang kusang binigay ko.

"Kasalanan mo kaya nangyari 'to kay Jd, kung hindi mo sinabi sa kanya ang tungkol sa Marijuana hindi sana mangyayari to. Sobra na ang problema namin tapos dinagdagan mo pa." galit na sabi ko. "Anong klaseng kaibigan ka Ivan?"

Napatungo sya sa sampal ko at ng tingnan nya ako sa mata ay nakita ko ang sakit doon.

"Asha, isa akong kaibigan hindi lang basta kaibigan dahil kapatid na ang turing ko kay Dale, hindi ko ginusto ang nangyari, gusto ko lang makatulong, nahihirapan akong makitang nahihirapan si Dale, kayo, at ng mga anak mo. Maniwala ka Asha hindi ko ginusto 'to, ang gusto ko lang ay makatulong, kung pwede ko lang bawasan ang mga problema nyo at angkinin ay ginawa ko na, dahil pati ako ay nahihirapan din .." dun ko nakitang tumulo yung luha ni Ivan.

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon