2 become 1

1.3M 17.6K 2.7K
                                    


Jd's POV

"Sir eto na yung listahan ng mga ninong at ninang, lahat yan confirmed ng pupunta. Twenty four lahat yan." binigay ni Ivan sakin yung papel na listahan ng mga Ninang at Ninong.

"Sobrang dami naman nito Jd." sabi ni Asha na na nakaupo sa swivel chair ko. Nandito kami sa office at inaayos namin ang binyag ng kambal.

"Tama lang yan Babe. The more the merrier." sagot ko. "Teka teka! Bakit wala yung pangalan mo dito?" tanong ko kay Ivan.

"Sir naman. nagtitipid ako!" angal agad ni Ivan sakin.

"Hindi pwede! Ilagay mo jan yung pangalan mo!" pilit ko. "Ako, ninong ng tatlong anak mo, tapos ikaw tatakas sakin?"

"Sir wala akong budget."

"Ok lang yun Ivan. Basta ninong ka. Ang laki kaya ng naitulong mo samin." convince pa ni Asha.

"Sige, kahit 10k na lang ang worth of gifts mo ok na yun."

"Taena Sir! Nakakaloko naman kayo! 10k?! isang buwan na budget ko na yun! Ayoko!"

"Grabe ah? Ang dami ngang nagmamakaawang maging Ninong at Ninang sa kambal eh, tapos ikaw? Nag iinarte pa?"

"Sir naman kasi." angal nya.

"Don't worry Ivan. Wag mo pansinin si Jd, ok lang kahit wala kang gifts." nakangiting sabi ni Asha.

"Ge utang na lang " pang aasar ko.

"Tsss. Pag dumagdag ako sa listahan walang kapartner  wag na nga lang!"

"Si Ate Ella na lang." parehas kaming napatingin kay Asha.

"Ma'am seryoso? Paano aattend yun?"

"Babe."

"Just put her name." nakangiting sabi ni Asha.

Wala na kaming nagawa kung hindi ang ilagay ang pangalan ni Ella.

"Naman. Dagdag gastos na naman 'to! Inuunahan ko na kayo! Pass muna ko ngayong pasko. Wala akong pera!" daldal ni Ivan habang nagsusulat.

"Tsss .. ang daldal mo." saway ko sa kanya.

"Kasi naman! Alam nyo namang buntis si Kulengleng dadagdag pa kayo!" irap pa nya.

"Kamusta naman ang pagbubuntis ni Dea?" tanong ni Asha.

"Wala pa na namang kakaibang hinihingi si Kulengleng. At sana wag syang  maging pihikan."

Natatandaan nyo nung nanganak si Asha? That day na nagkita kita kami sa Garden, nag pa check up din pala si Andrea at dun nila nalaman na buntis sya  ng six weeks.

"Intindihin mo na lang." sabi ni Asha.

"Yung inipon ko ngang pambili ng sariling bahay namin Kulengleng ay di ko na ginalaw. Saka na lang kami bibili ng bahay, gagamutin muna namin sa panganganak ni Kulengleng."

Nagkatinginan kami ni Asha pagsabi nun ni Ivan. Parang naawa naman si Asha kay Ivan. I guess this is the best time para ibigay ko yung bonus ni Ivan sakin.

"Oh christmas bonus mo." nilapag ko ang isang folder sa harap nya.

Kinuha nya yun at binasa. "Sir di nga? " di makapaniwalang tanong nya.

"Ayaw mo?!"

"Syempre gusto Sir! Pero ito talaga bonus ko?"

"Oo nga."

"Maraming salamat talaga Sir!" masayang sabi ni Ivan.

"Diba eto yung bahay sa harap ng bahay nila Art katabi ng malaking bahay na ginagawa?" tanong ni Asha samin habang hawak nya yung titulo ng bahay at lupa, nakalagay dun yung address kaya nya nalaman.

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon