Ending

1.1M 15.7K 5.3K
                                    


Life is a trial and error, kapag nagkamali  ka, try to correct it in the second time around.

It's another word for; try and try until you succed.

"Oh kumain na kayo  .." isa isa kong nilapag ang mga pinggan.nilang may pancake.

"Tay maple syrup!"

"Tay butter for me!"

Request nila Iko at Elo, well it's been a week since, nawala si Mayu, and little by little we kinda used to it.

"Ako inuutusan nyo?" tanong ni Jd sa kanila.

"Ay hindi si Nanay siguro .. sabi na Tatay eh .." unti unting humina ang boses ni Iko ng pandilatan sya ni Jd. 

"Tay maple syrup pleasse .." mababa ang tono na sabi ni Iko.

"Ako din Tay .. Butter. Please." gaya din ni Elo.

"Oh .." abot ni Jd sa kanila ng mga request nila. "Pagkatapos nyan maligo na kayo, aalis pa tayo."

"Where are we going?" takang tanong nila.

"Babawi si Tatay, magsha shopping tayo!" masayang sabi ni Jd na karga si Miyu, kumakain din ng pancake na may strawberry syrup.

"Yehey!" sigaw ng dalawa.

"Kahit ano Tay pwede?"

"Pwede."

"Anything big? or expensive?"

"It depends. Bilisan nyo na at mag ayos kayo."

Natatawang tiningnan ko sila Iko na kumakain, pabulong silang nag uusap ni Elo ng mga plano nilsng bilhin. Tumabi ako kay Jd at sinimulan subuan si Miyu.

She looks like Mayu, may pagka.naughty look nga lang si Miyu, kung si Mayu sweet ang smile, si Miyu naman laging naughty.

"Eat na Baby .." sinubo ko sa kanya ang pancake.

Sa mga nagdaang problema namin, nagsilbi itong aral, aral na kailangan naming tandaan at wag kalimutan, that life cannot be perfect without problems, problems are the test that we should pass, and if we passed, it doesn't mean it is the end, marami pang pagdadaan, at sa pagdadaan pa namin ni Jd, ay magigibg tanglaw namin si Mayu, gagabay para makaya ang anumang problemang haharapin namin.

'Coz Mayu is our angel.

Bago namin sinundo sila Miyu, inayos pa namin yung gamit ni Mayu, it is much better kung itatago na namin yung mga bagay na nagpapaalala sa kanya.

I remember that day, when we packed all her things specially her clothes and toys, Jd and I are both crying, yung mga damit nila ni Mayu na magkapareho, everytime na bibili kami ay nilalagyan namin ng pangalan, masakit itago at itabi pero alam namin na kailangan. Lalo na yung mga pictures nya. Kahit na anong tago at tabi namin ni Jd, makita lang namin si Miyu, naalala na namin si Mayu.

"Tay  finish na!" sabay na sabi nila Iko at Elo.

"Oh lagay nyo sa lababo, wala tayong katulong ngayon, matuto kayo." sabay na naglakad sila Iko at Elo papunta sa lababo at sinimulang hugasan ang pinagkainan nila.

Pero sa totoo lang, naglalaro lang sila ng tubig kaya tumayo na ako at pinigilan sila.

"Maupo na nga kayo doon, maglalaro lang kayo." at ako na ang naghugas.

Sila naman ang nagpakain kay Miyu.

"Elo, ikaw magpakain kay Miyu, inaaway ako nyan eh .." turo ni Iko kay Miyu.

Si Iko kasi ay maikli ang pasensya habang si Elo ay matyaga, kahit na lagi silang inaaway ni Miyu ay di pa din nila ito pinapatulan, kapag nang aaasar si Miyu ay lalayo na lang si Iko, si Elo naman ang magtyatyagang mag amo kay Miyu, pero si Iko naman ay masyadong malambot at mapagbigay kay Miyu, kung anong gusto ni Miyu, binibigay na lang nya, habang si Elo ay pinapangaralan nya pa.

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon