Daniel

1.2M 15.7K 2.1K
                                    

[ Para sa'yo to. Enjoy reading. ]

Asha's POV

"Jd! Bilisan mo male late ka na!" sigaw ko kay Jd na nasa loob ng cr at naliligo. Tapos ko ng ayusin yung office suit nya, nahanda ko na din ang sapatos at tie nya.

"Sandali na lang Babe!" sagot nya sakin.

Naglakad ako papuntang cr at sinilip sya, nasa harap sya ng salamin at nagseshave na.

"Bilisan mo, baka malate ka sa welcome party sa office nyo." naghilamos na sya at lumapit sakin.

"Eh bakit ba mas excited ka pa sakin?" tanong nya.

"Proud lang ako sa asawako no. Chief Executive ka yata ng Aragon Company." sabi ko ng may ngiti sa labi.

"Pero pag nasa bahay, isa akong sexy na asawa." sabi nya ng may pagmamalaki.

"Oo na, magbihis ka na." tinulak ko sya sa tabi ng kama at tinulungan magbihis.

"Eh kung sumama ka na kaya sakin para naman maipakilala na din kita?" suggest nya.

"Mas maganda siguro kung ayusin muna natin yung problema sa pamilya ko before natin gawin yun?" binigyan ko sya ng pilit na ngiti.

"Ok. Di na kita pipilitin, basta sabay tayo sa lunch."

"Sure." natapos syang magbihis at nag ayos na. Hinatid ko sya sa pintuan at hinalikan nya ko bago sya umalis.

Jd's POV

"Goodmorning Sir. Welcome back."

Iningusan ko lang si Ivan na over kung maka welcome back sakin.

"Sir, sir yung bonus ko?" See mukang bonus talaga!

"Pinadala ko na sa bahay nyo ah? Wala pa ba?"

"Ay talaga sir? Ano bang bonus ko?"

"Sila Sarah sabi ko dun na dumitetso sa bahay mo eh."

"Anak ng teteng naman Sir oh! Wala naman ganyanan!"

Tatawa tawa ko syang iniwanan at tinalikuran. Susunduin ko pa sa condo si Asha at magla lunch pa kaming dalawa. Actually humahanap lang din ako ng tiyempo para sabihin sa kanya ang kalagayan ng Ate nya. I found out na nag a-undergo nga ito sa isang treatment for mental sickness. Emotional stress ang nangyari sa Ate nya. Hindi daw ito makamove on sa pagkawala ng anak nya. Sa isip nito ay buhay pa rin ang anak nito pero ang tendency ay nawawala na sya sa matinong pag iisip, hindi na mabasa ng mga Doktor nito kung anong iniisip nya, minsan ay umiiyak at hinahanap ang asawa or anak, minsan naman ay makakita lang ng sanggol ay aariin nya ng sa kanya. Pero dumadating ang oras na nasa matino itong pag iisip ay nababanggit nya nga si asha at ang galit nya dito.

"Jd!" bati agad ni Asha sakin ng makita nya ako sa lobby ng condo namin.

"Hi Babe .." hinalikan ko sya sa noo at giniya syang maglakad palabas.

"Kamusta ang welcome back?" tanong nya ng nasa loob kami ng sasakyan.

"Hmm .. ok naman. Saan mo pala gusto kumain?"

"Kahit saan."

Sa isang restaurant malapit sa condo namin, dun ko napiling dalhin sya.

"Uhm Babe, I decided na bukas na natin bisitahin ang Ate mo." panimula ko.

"Really?" excited na tanong nya.

"Yes, pero hindi tayo pwedeng magpakita sa parents mo, wala silang alam na nandito na tayo, kahit sa Ate mo. " bahagyang lumungkot ang mata nya kaya naman hinawakan ko ang kamay nya at pinisil yun.

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon