Pandalawampu't Walong Buntot

1.8K 43 4
                                    

Buntot 28: Let me be selfish...

▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲

Carla's POV

 

"S-sorry." sabi ko sa may Mic at nagtatakbo ako papaalis nang bigla akong salubungin ni Myronne...

"Please don't cry..." sabi niya kaya mas napahagulgol pa ako at hinayaan ko na lang na magbagsakan ang mga luha ko sa balikat niya

Nagtagal kami ng ilang minuto sa ganoong posisyon at siya na mismo ang humiwalay mula sa akin sabay hila sa akin papunta sa classroom...

Walang tao ngayon sa classroom kasi ang lahat ng mga estudyante ay nasa Auditorium...

Tahimik lang kami doon ni Myronne at patuloy pa rin ako sa pag-iyak...

Bakit ba ang sakit?

"M-myronne... A-ang sakit... Ang sakit sakit na talaga..." nasabi ko na lang sa kanya at nanghina na talaga ang mga tuhod ko. Napabagsak na ako sa may sahig ng silid at nakita ko siyang nagtatakbo papunta sa akin... Kung si PL ba ang kasama ko ngayon, mag-aalala din ba siya katulad ni Myronne?

"Love... It brings out the best out of people. And once it ends, it brings out their worst... Mahal ko siya eh. Mahal ko si PL. Mahal ko yung gagong iyon... Sa sobrang pagmamahal ko, handa akong itago lahat ng mga nararamdaman ko. Handa akong isugal ang buhay ko. Handa akong ipalit ang kasiyahan ko para sa mga kalungkutan niya. Gano'n ko siya kamahal... Mahal ko siya, Myronne eh. Sobra sobra---"

"Sa sobrang pagmamahal mo, nasasaktan ka. I get it... I can feel that too you know. " sabi ni Myronne sa akin sabay pat sa balikat ko

Napahagulgol na lang ako at napayakap pa ulit ako sa kanya.

"I love you, Carla..." sabi ni Myronne kaya mas napalakas pa ang pag-iyak ko.

I feel so selfish...

I'm gathering up the things I'm yearning from the one I love which is being offered to me by a guy who loves me but can never receive the same love he's giving me... Bakit ba kasi hindi pwedeng sa kanya na lang talaga nanggagaling yakap na eto?

Si Myronne ang kayakap ko ngayon, kasama ko at siya din ang kaisa-isang taong tumutulong sa akin para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Pero bakit siya pa rin ang tinatawag-tawag ng hayop na puso kong eto?

"Myronne, excuse us..." napatingin ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses ng lalaki at nilingon ko ang mukha niya. Matikas pa din ang tindig niya, nakatago ang mga kamay niya sa bulsa ng uniporme at may mababakas na lungkot sa itsura niya... Hindi mo mahahalata na siya yung isip bata kong kaibigan na lalaki dahil sa kalungkutang nasa mukha niya.

 

"V-vixel..." nasabi ko na lang at narinig ko ang pag-tss niya sabay hatak sa akin

A Fairy's Tail (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon