Pandalawampong Buntot

2.2K 43 4
                                    

Buntot 20: My Love for you is this strong...

▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲

Nakarating na ako sa Dimension nina PL. Specifically, sa Saga Forest, at ang una mong mapapansin sa buong kagubatan na eto, ay ang kadiliman at ang pagkakawatak-watak ng buong espasiyo ng lugar...

May nasusunog na mga halamanin at may mga paglindol ng lupa ka pang mararamdaman. May mga nagkalat na puno at may mga nagbagsakang parte-parte ng katawan ng kung ano-ano at may isang malaking hugis paa sa sahig, at walang duda, sa Dragon nga eto. Nakakasuka at nakakapanlumo ang bawat anggulo ng kagubatang eto...

Naglakad at naglibot ako sa kagubatan, nagbabaka-sakaling makikita ko lang si PL sa tabi-tabi. Ngunit wala pa ako sa apat na hakbang ay may natamaan ang paanan ko... Pagkatingin ko... Halos maduwal ako sa sobrang pandidiri... May nakakalat na ulo ng isang Babae na animo'y nadukot ang mata... Nakanganga pa eto na animo'y umiirit at nagkalat ang dugo nito simula sa buhok niya hanggang sa mga pisngi niya. Hinog na hinog pa rin ang hiwa sa kanyang leeg at makikita mo dito ang nakaluwak niyang buto... Nakakapandiri. Nakakasuya...

Pero nawala ang mga katakutan ko nang may maalala ako... Si PL... Ligtas pa naman siya, diba?

 

Walang anu-ano ay agad kong inilabas ang silver feather na nasa pouch bag ko sabay budbod dito ng golden dust...

Nakita ko namang lumutang eto sa hangin at lumapit eto ng paunti-unti sa isang lugar papasok ng Gubat.

Lalong dumami ang mga nagkalat na katawan na nakikita ko. At nakakadiri man pakinggan pero sinusuri ng mata ko ang bawat parte na nagkalat, hoping that they're not PL's...

Nasa kalagitnaan na ako ng pagsusuri ng mga bagay-bagay nang mahagip ng mata ko ang mabilis na paglipad ng Feather... Napatakbo tuloy ako at habang tumatagal, may naririnig akong mga hiyaw...

"Princess Blaire! Princess Blaire! SH*T! You're our only hope kaya please! GUMISING KA! PRINCESS BLAIRE!" kita kong may humihiyaw na lalaki at tinatapik-tapik pa niya ang nakahandusay na katawan ni Blaire

"Sh*t. The dragon's heat must have dehydrated and reduced her power. Bring her back to the Infirmary for her to be treated and please get some help here! We're only down to Five!"

"No. You're just down to Three! I'll bring her to the Saga Palace!" hiyaw ng boses ng isang lalaki at nang makita ko na ang mukha nito ay saka ko lang napagtanto na si Vixel pala iyon at nagpapalabas siya ng isang Force field na nakikita kong gawa sa Hangin

 "But, Prince Vixel! If you leave us then we won't have any hope left! FOR PETE's SAKE! We're Fire wizards and we're fighting a Fire Dragon! How the hell we'll we defeat this F*cking Dragon! P*TA! Ang sama naman ng timing ng malaking Butiki na eto oh!" sabi ng isang boses at nang mapatingin ako ay nabuhayan ako ng Loob. Si PL! BUHAY SI PL!

 

"I'm sorry, but she needs me." yan na lang ang nasabi ni Vixel habang akap-akap niya sa mga bisig niya ang walang malay na katawan ni Blaire at nagtatakbo sila papalabas ng kagubatan...

A Fairy's Tail (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon