Pangsampung Buntot

2.5K 46 10
                                    

Buntot 10: What I do if I reach my Limit...

▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲

Carla's POV

 

Matapos ang pagkain ay nagsitulugan na kami... Wala naman masyadong espesyal na nangyari...

 

 

Nagising ako matapos kong marinig ang nakakairitang paghiyaw ni PL na niyuyugyog ako sa tabi...

"Mortal, I'm hungry. Bilisan mo na din kasi malelate na tayo sa klase natin... " sabi niya na ikinabangon ko naman

"Huh? Bakit? Anong oras ba ng pasok natin? Naku! First day ko pa lang bilang isang college student late na agad ako!!!" Mangiyak-ngiyak kong sabi at napabangon na agad ako...

Dali-dali akong naligo... Lumabas ako ng banyo at dumiretso na ako sa kama ko...

Nagitla ako nang makita ko si PL na naka-upo sa may kama ko at namumula... Tiningnan ko ng maayos ang katawan ko at napatili agad ako sa sobrang kahihiyan at pagkabigla...

"KIYAAAAAAAAH!!!! MANIYAK!!!! UMALIS KA DITO WALANJOOOOO!!! HUBAD PA AKO!!!" hiyaw ko ng bonggang-bongga. Yung parang lalawit ang lungs ko.

Bigla namang napahampas ang pinto kaya napatingin ako doon at nakita ko si Dexter at Xeria na pumasok sa kwarto...

"ANO? HUBAD SI CARLA? ASAN?! PATINGIN!!!" sabi ni Dexter at nakita ko na lang na binatukan na siya ni Xeria

"Tsk. Manyak ka talaga... Hays..." sabi ni Xeria habang umiiling-iling pa at hinarap niya ako

"Ate Carla... Hindi hubad ang tawag diyan sa itsura mo ngayon... Hindi masisira ang iyong 'PURITY' ng dahil lang diyan, ok? So kalma ka lang, ate... Oh and by the way, You aren't late for school. In fact, you're still 5 hours early... Sorry for Master PL's interruption. Sa mundo kasi namin, hindi importante ang oras. Pwede namin iyong paglaruan at balik-balikan. Pero syempre, lahat ng bagay ay may kapalit... Oh well, nevermind me na lang, Ate " sabi ni Xeria kaya napasalampak ako sa sahig at napaface palm...

"Tsk. Master PL, nasa mundo tayo ng mga mortal. Mabagal ang pagtakbo ng oras dito kaya ok lang malate... Besides, you're the owner of the academy..." sabi ni Dexter kaya napatingin ako kay PL

"May school kang iyo?!" gulat kong sabi at kita ko lang siyang tumango

"Yep. I bought it for you--- I mean, for Us... Yet, Dexter will be the one to manage the school's records and events. Xeria, in exchange of living in with us, can you please help Dexter out?" sabi ni PL na sinangayunan naman ni Xeria

"Pero teka, teka!" pagpigil ko kaya napatingin siya sa akin... "Saan ka nakakuha ng pera? Like, haler! Kakarating mo lang sa mundong eto! Saan ka nakakuha ng pera? May trabaho ka ba dito? Isign-up mo naman ako oh!" sabi ko sa kanya na ikinangisi lang niya

A Fairy's Tail (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon