Pandalawampu't Pitong Buntot

1.8K 38 9
                                    

Buntot  27: Hear my heart out...

▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲

Carla's POV

Nagluto na lang ako ng hapunan namin at napagdesisyunan ko na lang na magluto ng Baby Back Ribs with Mashed Potato. At kung ayaw nila iyon kainin, edi Fettucini na lang ang kainin nila.

Now, all we need is the Ingredients...

Agad na pumunta ako sa Sala para hanapin si PL at nakita ko naman siyang nakatulala lang habang nakatitig sa may kisame ng bahay.

Nangiti na lang ako dahil sa mukha niya. Mukha siyang isda na naghihintay ng fish food eh. Nanlalaki ang mga mata at nakanganga :P

Agad na pumunta ako sa may harap niya at inilahad ko ang kamay ko...

"Akin na ang wand mo." sabi ko sa kanya at nakita ko siyang nabigla. Problema nito?

"O-oh..." sabi niya sabay bulong ng spell dito at inabot niya sa akin ang wand. Nang kukunin ko na sana ay nagkadampi ang mga balat namin at dali-dali siyang napabalikwas papalayo sa akin...

May nagawa ba akong mali?

Hindi ko na lang pinansin iyon at nagdire-diretso na ako sa kusina upang magluto...

Nga pala, kung pipilosopohin niyo ako kung bakit may wand ako pero nagluluto pa rin ako, pwes, the answer is Love. Kasi gusto ko, ang lahat ng mga bagay na ibinibigay ko sa taong mahahalaga sa akin ay pinaghihirapan ko, kahit konting effort man lang ang i-exert ko. ^___^

----->

Nang makaluto na ako ay inihanda ko na ang lahat ng mga niluto ko at walang pakundangan namang nilantakan iyon ni Dexter at Xeria

As usual, pinuri na naman nila ako at talagang naflatter ako... Pero hindi pa ako nakakatanggap ng kahit na anong komento mula kay PL. Tahimik lang siyang nakain doon at parang umay na umay na agad siya kahit kakasimula pa lamang niya...

Biglang bumigat ang dibdib ko at nakaramdam ako ng pamamasa sa mga mata ko... Agad ko naman iyong pinahiran at agad na pinilit kong ngumiti at inubos ko na ang pagkain ko...

Natapos ang hapunan namin na sina Xeria at Dexter lang ang nagkukulitan. Minsan kinakausap nila kami ni PL. Ako naman, sinasagot ko sila ng matino pero pag si PL na ang kausap nila, hindi siya nalingon at tango, kibit balikat, iling, lang ang mga gestures niya...

Tumayo na ako upang iligpit ang mga pinagkainan namin nang biglang magsalita si PL...

A Fairy's Tail (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon