Pangalawang Buntot

3.1K 48 9
                                    

Buntot 2: Even Miracles take time, but not for this Guy...

▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲

“Napunta na daw ang Rabis sa Utak ni Mama... Kelangan daw ng 3.5 Million para sa gagawing operasyon... Ah eh... Ano pa nga ba yun? Ahm... Kelangan daw linisin ang buong katawan ni mama kaya.. ganun kamahal..”sabi ni Gem na halatang hindi sigurado sa iniisip niya

Napaluha na lang ako kasi...

 

3.5 Million?

 

Saan ako kukuha ng ganun?

 

T-teka... Y-y-yung pamana kaya?

 

“Hoy babae. Bayaran mo ang operasyon ng mama ko...”sabi ni Gem na parang walang nangyaring aksidente kaya napahawak ako sa bulsa ko...

Inilabas ko yung Card na pinaglagyan ko ng Pamana sa akin at bigla na lang yun hinablot ni Gem...

 

“Salamat Insan ha?” ngumiti siya ng napakatamis at tinanong ako kung ano ang code...

Sinagot ko naman kasi kelangan kong bayaran yung nagawa ko sa kanila...

 

Isa pa, Kahit gaano nila ako pinapahirapan, sila pa rin ang mga Kamag-anak ko

 

 

Kasalanan ko eh... Tsaka pera lang naman yun diba? Maibabalik ko din yun... Magsisipag na lang ako...

 

Ang Problema ko na lang ngayon ay si Tiya...

 

Tuwang-tuwa naman si Gem na pumunta sa Mama niya...

At ako? Uuwi na lang ako...

Pero kelangan ko munang bisitahin si Tiya...

Pumasok na ako at nakita kong tumatawa si Gem pero tulog naman si Tiya...

Sigurado ba yung Doctor na si Tiya ang narabisan ang utak at hindi si Gem?

Tumingin sa akin si Gem at kita ko ang Gulat niya...

Ngumiti na lang ako sa kanya at dumiretso kay Tiya...

 

“Pasensya na po talaga.”sabi ko at nagmano ako kay Tiya kahit tulog siya...

A Fairy's Tail (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon