Pandalawampu't Limang Buntot

2.1K 43 11
                                    

Buntot 25: Happy All Soul's Day...

▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲

Carla's POV

Matapos ang madugong pakikipagsabakan sa test ay nagsilabasan na kami sa room para makapagrecess na kami...

Naglalakad lang ako papuntang canteen nang may makabanggaan ako...

"Sorry..." sabi ko at pagkatingin ko sa nasa harapan ko...

"Hi, I'm Lareena..." sabi nung babaeng nakabanggaan ko at ngiting-ngiti pa siya. May iniabot siya bigla sa aking Peony na nagrerange ang kulay from Blue to white...

"By the way, I love your necklace..." sabi niya sa akin sabay alis na

Ok? That's weird... Again...

Napatingin ako sa Peony na ibinigay sa akin ni Lareena at nang hawakan ko eto. Bakit parang ang lamig naman ata nito masyado?

Napahawak ako sa kwintas na mula doon sa Mirror Flower at pagkatingin ko dito, may nakita na naman akong halimaw na papalayo...

Napalingon ako sa paligid para makita kung may halimaw ba talaga. Pero pagkatingin ko, wala naman...

Tiningnan ko ulit ang kwintas ko at nakita ko bigla na papalapit na pala sa akin si PL at si Myronne...

"Carla!" "Mortal!" sabi nila pareho kaya napalingon ako sa kanilang dalawa

Nakita ko silang nagtititigan sa isa't-isa ng masama... Problema ng mga ito? =___=

"Sabay na Tayo" sabi pa nilang dalawa ng sabay habang nakatingin sa akin sabay lingon sa isa't-isa at nagsiringan ulit...

Nakakatol ba ang mga 'to? =____=

Matapos yon ay napagdesisyunan na lang namin na magsabay tatlo at iniwan nila ako sa isang table...

Wala pang Sampung minuto ay bumalik na silang dalawa sa may tabihan ko at may tigdalawang tray sila ng pagkain... Punong-puno ng Desserts ang Tray ni Myronne habang puro Main Dishes naman ang kay PL...

Ibinagsak nila ang mga tray na hawak nila sabay tingin sa isa't-isa tapos sa akin at humiyaw silang dalawa...

"YUNG AKIN ANG KAKAININ MO! WAG KANG MAGTITIRA HA?!" sabi nila kaya nanlaki ang mata ko

Abnoy ba ang mga eto? Like, duh? Apat na Tray na Puno ng pagkain ang nasa Table namin at ngayon gusto nilang ubusin ko ang lahat ng eto?! Well, pwede naman akong mamili pero baka malungkot ang hindi ko pipiliin eh... Tsk. Pasalamat sila nagugutom ako ngayon ^u^

Nginitian ko na lang sila Pareho at naupo na ako sa table namin...

A Fairy's Tail (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon