Pandalawampu't Tatlong Buntot

2.1K 39 5
                                    

Buntot 23: Some things, Never Change...

▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲

Carla's POV

"According to Dexter's Researches. Ang tiyahin mo at ang anak niya ay naninirahan sa isang Bahay malapit sa may Barrio ng San Isidro..." sabi ni PL sa akin kaya tumango-tango na lang ako at nakita ko siyang nagmagic ng isang kotse at doon na kami sumakay para makapunta na kami sa San Isidro...

Walang maririnig sa kotse kundi ang pagvibrate ng makina kaya binuhay ko ang radyo at napamental slap ako nang matanong ko sa isip ko kung Bakit ko pa kaya binuhay ang radyo?

Paano ba naman kasi, eto yung tumunog...

"Can you tell me
How can one miss what she's never had
How could I reminisce when there is no past
How could I have memories of being happy with you boy
Could someone tell me how can this be
How could my mind pull up incidents
Recall dates and times that never happened
How could we celebrate a love that's to late
And how could I really mean the words I'm bout to say"

Kaya napapindot tuloy ako sa Off button ng wala sa oras...

Sa Labas na lang ng Bintana ako tumingin at pinanood ko na lang ang pagiiba ng Direksiyon ng linyang nakaguhit sa kalsada...

"How can you even bear with those monster's attitudes? I mean... Paano mo natitiis ang Tiyahin mo at sino nga yun? G--- Gela? Gina? Ge--- Ge-- Gem? Tama! Gem!" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya at nginitian ko na lang siya sabay taas ng kilay... Wag niyo na itanong kung bakit ako nagtataray >3<

"Dami mong alam na pangalan ng babae ha? Infairness. Tsk. Bakit ko sila natitiis? Kasi una sa Lahat. Kamag-anak ko sila. Pangalawa, kamag-anak ko sila... Pangatlo, nasabi ko na ba na kamag-anak ko sila?" sabi ko na lang sa kanya sabay roll ng eyes at nakita ko siyang ngumiti


"Oh come on. Tell me something I don't know" sabi niya kaya nagcross arms ako...

"Eto bago... Dahil may kelangan ako sa kanila. Satisfied?" sabi ko at nakita ko lang siyang umiling-iling pero nakangiti siya... Problema nito? Eh kanina ko pa etong tinatarayan ah =___=

 

Natahimik kami ng ilang segundo. Hindi siya yung awkward na katahimikan. Basta natahimik lang kami kaso bigla siyang nagsalita at naasar agad ako sa pambungad niya sa akin...

"I didn't expect na hahalikan mo yung lalaking Maputla..." sabi niya kaya nilingon ko agad siya

"So, anong pinapalabas mo?" sabi ko sa kanya at nakita ko siyang nanlaki ang mga mata

"Hey! I didn't mean for you to misinterpret my ques---"

"Say no more. I understand the fact that, in this world where we live in... Even if you're doing nothing, you'll be judged with thing you can't even bare to do, no matter how innocent you are... I totally get it. I get the fact that strangers judge me as a Moron. Schoolmates judge me as a Flirt. And you, you whom I trust the most after my disastrous life, judged me as a B*tch I am... Then I'm a B*tch. Like I care, For Pete's sake!" napahiyaw na ako sa sobrang pagkairita... Paano ba naman kasi naalala ko yung gumising sa akin kaninang umaga...

A Fairy's Tail (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon