Panglabing-isang Buntot

2.5K 48 4
                                    

Buntot 11: Deceit is Inevitable...

▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲▲


Carla's POV

 

Hila-hila ko sa kamay si PL pero napatigil kami nang kumulo ang tiyan ko...

 

"Tsk. Arrogant Mortal, Bakit ka ba nangangaladkad? Hindi ka na tuloy--- Este hindi na tuloy ako nakakain... Tsk." sabi ni PL na nagtataray na naman kaya napapout na lang ako...

"Tss... Balik na kasi tayo sa Earth! May alam akong makakainan dun TToTT" pagmamakaawa ko sa kanya na ikinailing lang niya pero nagpalabas din siya ng isang portal...

Nakarating kami sa Bahay at nakita namin si Dexter at Xeria na pinag-aagawan ang isang Lollipop...

"Master! Master! Inaagawan niya nga ako!!! Eh ako naman ang bumili nito eh! Bitaw na kasi!" paiyak na sabi ni Dexter kaya napangisi na lang ako at pumunta ako sa kwarto ko... May pera pa ata ako sa Maleta ko ah? P150.00 pa yun!

"Dexter! Alam mo ba kung nasaan ang mga gamit ko?" pagtatanong ko mula sa kwarto nang mapagtanto kong wala pala ang maletang pinaglagyan ko ng mga Gamit na inihahabilin sa akin ni Mama...

"Maleta? May nalinis akong maleta kanina! Nandun siya sa kwarto namin ni Master!" hiyaw niya pabalik sa akin kaya nagtungo ako sa kwarto para hanapin ang maleta ko...

Hinila ko ang maleta ko papunta sa kwarto ko at kumuha ako ng P50.00 mula sa bulsa ng maleta ko...

Pumunta na ako kina Dexter at inabot ko sa kanila ang perang 'yon...

"Xeria, ibigay mo na lang yan kay Dexter. Oh eto, Bumili ka na lang din ng mga lollipop dun sa may kanto. Hanapin mo na lang yung may Pangalan ni Aleng Martha." sabi ko na lang kay Xeria at tuwang-tuwa namang kinuha ni Xeria yun sabay bhelat kay Dexter...

"Mortal, Tara na. Nagugutom na ako!" hiyaw ni PL mula sa may pintuan ng bahay at kita kong hawak-hawak niya ang tiyan niya...

Napakamot na lang ako sa batok ko at paalis na sana ako nang hawakan ni Xeria ang kamay ko...

"Take this flower... It will help you to find real friends... Goodluck on your first day again..." sabi ni Xeria na ngiting-ngiti kaya kinuha ko na lang ang Mirror flower na iniaabot niya sa akin...

Tumango ako kay Xeria at namaalam na para makapunta kay PL na nagaalburuto na...

"Tsk... Yung totoo, Pagong ka ba? Ang bagal mong kumilos. Tsk..." sabi ni PL

A Fairy's Tail (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon