22 STAY

10 0 0
                                    

Maagang gumising si Elle sa araw nito dahil marami siyang trabahong dapat tapusin sa Emily Lofts at dahil sanay mag-isa, hindi na niya ginising pa ang papa niya para magpahanda ng pagkain at ng iba pang kakailanganin niya. Habang inaayos niya ang lunch niya ay siya namang baba ni Sasa mula sa kwarto, agad nitong nilapitan ang anak.

Sasa: Good morning!

-malambing nitong bati sa dalaga.

Elle: Hi ma! Good morning (smiles)

Sasa: you also bring your lunch to work? ha? (smiling)

Elle: (nods)

Sasa: I can really see in you my daughter Elle.

Mabilis na nawala nanaman ang ngiti sa mukha ni Elle at napalitan ng awa.

Elle: talaga po? (pinilit ngumiti)

Sasa: what's your name nga, pretty?

Elle: Ga... Gab... (pinipigil ang luha)

Sasa: Ga? (smiles) shortcut ba iyan ng ganda, Ga? (chuckles)

Elle: opo (literally iyak-tawa)
gusto niyo po bang dito na lang ako? Kunyari ako si Elle.

Sasa: no, no. Sabi nung kuya ko, si Greg, abala ka raw sa trabaho eh. We're okay here.

Elle: kuya po? pero ma, asawa mo si Dadi Greg!

Sasa: (smiles) have a nice day ahead!

Sobrang billis magpatakbo ng sasakyan ni Elle ng umagang iyon. Para bang iritable o kung ano man ang nasa isip niya non, walang makapagsabi kung ano nga talaga.

Staff: good morning, direk!

Elle: paki cancel lahat ng appointments ko today. No but's, no if's. I want it cancelled.

Pagpasok ni Elle sa office room ay ipinaskil nito ang Do Not Disturb sa kanyang pinto. Umiyak siya na parang ilog na umaagos patungo sa magpakailanman. Walang tigil, malakas- gaya ng bugso ng damdamin, at malalim.

Marahil ay hindi lamang ang kalagayan ni Sasa ang dahilan nito kundi pati na rin ang lahat ng iba pang sama ng loob na kinimkim niya sa napakahabang panahon. Abala kasi siya sa trabaho kaya physically hindered siya to release all the emotions she has.

Mapait, masakit, malungkot - lahat na yata ng emosyon ay iniluha niya sa umaga ding iyon. Hanggang sa nakatulog na ito sa pagod. Sa buong araw ay ni minsan hindi ito lumabas ng kwarto, bagkus ay doon lamang siya.

Nagtataka man ang mga katrabaho ay mas pinili na lamang nilang huwag muna itong gambalain nang sa gayon ay magawa rin ni Elle ang nais niya.

Alas singko y media na nang magising ito, halos 4 na oras ding nakatulog sa kanyang kinauupuan. Pagkamulat ng mata ay agad na tinignan ang phone at nakita ang mga mensahe ni Ian. Hindi niya binasa ang mga tao, instead she called him right away.

Elle: nasan ka, CEO?

Ian: uhm, nasa office pa. Bakit?

Elle: pupuntahan kita ngayon, dyan ka lang. Okay?

Agresibo nitong pahayag.

Ian: no, no. Let me go to your place. Be there in 15 minutes, ha? Okay ka lang?

Elle: pagdating mo huwag ka nang kumatok, pumasok ka na agad.

At ganun nga ang ginawa ni Ian. Noong una ay walang imik si Elle, hanggang sa nakababa sa parking at nakasakay na sa kotse- ni hindi man lang ito kumibo.

Tatanungin sana siya ni Ian kung saan niya gustong pumunta nang mabatid nito na nagbabadyang pumatak ang mga luha mula sa mga matang nawalan ng ningning. Kaya minabuti niya na bilisan ang pagmamaneho at dumiretso sila sa isang park na kung saan ay halos walang tao kaya't napakatahimik. Kung kailan malapit na sila ay saka naman natraffic ng husto, si Ian ay mas napadalas ang pagtingin kay Elle.

Ian: Elle?
-tawag nito. Pero hindi siya pinansin.

Tila napakagulo na ng lahat, ang isang kamay niya ay nasa upuan habang ang isa naman ay nasa ilalim ng kanyang baba. Mula kanina ay ganito na ang ayos ni Elle- hindi natitinag.

Si Ian, minabuting hawakan ang isang kamay ni Elle dahil nakahinto pa naman sila. Pinagmamasdan niya ang dalaga at sa mga oras na yon, pati siya ay naguluhan na.

Ian: you can tell me anything. I won't judge you, I will only listen.

- - -
Nakaupo si Ian sa tela na nakapatong sa damuhan, samantalang si Elle naman ay nakahiga nang patagilid -nakatalikod kay Ian. At ang buong oras ay katahimikan.

Ian: anong comfort food mo? Ice cream?

Paglalambing ni Ian habang hinihimas ang buhok ni Elle. Subalit biglang inalis ni Elle ang kamay ni Ian.

Elle: don't do that again.

Ian: i'm sorry... Ano yon?

Elle: (umupo nang maayos) Ian, don't touch my ears again, please. Or I will hate you.

Ian: (sincerely nods) sorry. Sorry. I didn't know it irritates you.

Elle: bakit nandito tayo?

Ian: because you won't talk to me and tell where you wanted to go. This place is nice so I thought of bringing you here. Ako naman, why are we here? (Binabasa sng reaksyon ni Elle)

Elle: kasi... Naiinis ako sa kanilang lahat. Everyone's leaving...me. All the good people had left me. I know that, I'm used to it, I'm expecting it. Minsan lang talaga, hindi ko ineexpect na it will be so soon.

Ian: (worried) who are they?

Elle: from my dad, to my mom, to my home girls, best friends... All of them! (Chuckles) ikaw, kailan mo ko lalayasan? (Eye to eye) wag mo na patagalin, sayang oras.

Ian: I will stay as long as you want me to.

Natawa na lamang sa sarili si Elle, sa isip niya, aalis din si Ian once na malaman nitong bingi siya. Gaya nang ginawa ng iba kay Elle.

Natapos ang araw, hindi pa rin nasabi ni Elle ang ponagdadaanan sa lalaki. Naninigurado lamang siya, baka kasi pag malaman ito agad ni Ian ay lumayo ito dahil nasa lowest point of her life si Elle.

Konting panahon pa siguro bago siya makumbinsi na pagkatiwalaan si Ian.

Sana Maulit Muli (script)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin