3 Clair de Lune

19 0 0
                                    

Halos tatlong buwan na lamang bago ang benefit concert ng isang malaking shipping company pero hanngang ngayon ay wala pa itong malinaw na detalye. Pabago-bago kasi ng isip ang naunang direktor na nakuha nila.

Mabuti na lamang at nang tawagan nila si Elle ay agad itong pumayag na saluhin ang pag-aasikaso sa benefit concert for the kids with cancer.

Camil: oh my goodness Miss Emillano!

Bungad nito sa director ng concert na si Elle.

Camil: you have no idea what we've been through! Halos maubos ang buhok namin dun sa naunang direktor!

Elle: (laughs) so, shall we begin? Mukhang napakalayo ng hahabulin ko! Hahaha.

Camil: sobra (sighs). Have a sit please. You know what? If hindi ka nairefer nung HR namin, maglalaslas na siguro kami!

Elle: ano bang issue don sa nauna?

Camil: ganto kasi. Ang theme nung concert is Disney. Syempre alam mo naman, pambata. So nag bigay kami ng idea, concept, ganyan. Nung una ok. Tapos sabi niya, pwede bang iba pa? Hindi pumayag yung boss ko. Kasi ang gusto nung nauna, parang medyo old. Eh haler! 4-13 years old ang audience.

Elle: bakit ayaw niya? (Chuckles)

Camil: that's exactly the issue! Ayaw mo, eh director ka lang. Hindi ka producer diba? Anyway, the concert is in three months. (Laughs) kaya?

Elle: (laughs) kailangang kayanin!

Camil: nandito na sa folder lahat ng details pati yung contract natin. If may questions, ako na lang ang icontact mo, direk, oo. Ha?

Elle: question. Sino ang musical director?

Camil: aaah, iba pa ba yon sa main director? Hindi ba ikaw din yon?

Elle: well, I can. Pero I know someone who's better at musical arrangement etc. I can provide if you want?

Camil: yes, please. Ikaw na bahala sa lahat. For approval na lang kami ni boss.

Elle: ok!

Matapos ang meeting ni Elle sa Events manager ng shipping lines ay agad na itong umalis sa main office. Sakay ng kanyang kotse ay dumiretso ito sa isang coffee shop upang doon planuhin ang benefit concert.

Mac book + macchiato grade + strawberry cheesecake = perfect work mode.

Sobrang focused ni Elle sa kanyang ginagawa. Dahil para sa kanya, passion is life.

At the age of 23 ay nagtapos sa kursong conservatory of music si Elle. Naging voice and music teacher for 4 years, nagtayo ng sariling music institute, at sa kasalukuyan ay producer at director ng musicals.

Habang tutuk na tutok ito sa laptop, biglang nag dim lights ang cafe. 8 pm na kasi, ibig sabihin ay simula na ang live shows.

Hindi pa rin natinag si Elle sa pagtatrabaho. Subalit nang tugtugin ng pianista ang Clair de Lune ay dahan-dahan itong napahinto.

Elle: clair de lune? Sa coffee shop? Really.

Tumayo ito at pinakiusapan ang waiter na tignan ang gamit niya habang nasa washroom siya. Retouch, retouch. Pak ganoin.

Paglabas ni Elle, tinignan niya ang pianista ng cafe.

Elle: uy! Pamilyar to ah?
(To the crew) thank you ah. Uhm, miss?

Crew: yes mam?

Elle: dito lang ba tumutugtog yung pianist niyo?

Crew: hindi po mam. Bukod po dito, tumutugtog din po si boss sa iba pa niyang shop.

Elle: niyang shop?

Crew: (lowers voice) sa kanya po itong cafe eh. Big boss po namin yan.

Halos 12 midnight na nang matapos si Elle sa ginagawa. Naglalakad na ito sa parking, pasakay na sana ng kotse niya ng  masagi ng kotse ni Ian ang pinto nito.

Elle: whatdaaaa!

Nagmamadali itong pumunta sa kotse upang tignan ang nangyari. Siya namang baba ni Ian.

Elle: anong nangyari?

Ian: I'm really sorry, ma'am. Here's my card. Please do call me and I will pay the repair fee. But I can't do it right now. My apologies! I'm sorry. Excuse me, but I really have to go.

Pagdating sa bahay ay tinignan niya ang card na ibinigay nung lalaki.

Carlian Maierhofer   
XIV Intl. Group of Cos., CEO

Elle: C.E.O....? Ok. Nice. So, Carlian Maierhofer pala ang pangalan ng pianistang nakagasgas sa auto ko.

Sana Maulit Muli (script)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin