15 SECRET BUSINESS

5 0 0
                                    

Halos alas onse na ng gabi nang matapos sa pag papack-up ang production team ni Elle. Dahil sa pagod ay hindi na nag party pa ang mga ito bagkus ay dumiretso na sa kanya-kanyang room para magpahinga.

Nauna si Elle sa pagpasok sa kwarto, wala itong kasama kaya naman pagka lock niya ng kanyang pinto ay agad na hinubad ang crop top na Mickey Mouse. Naka sports bra na lamang ito sa ngayon. Pumunta siya sa bathroom at binuksan ang heater.

Habang naghihintay sa pag-init ng tubig sa bathtub ay humiga muna ito sa kama at muling tinext si Ian sa pagkakataong ito.

Elle: I know you're asleep na but I just wanna share na sobrang pagod. Pero masayaaa! Haaay.

Wala pang dalawang minuto ay sumagot na agad si Ian.

Ian: still awake!

Elle: oh, late na ah? Diba you sleep early?

Ian: yes. Eh kasi nga I enjoy talking to you. Nasa room ka na?

Elle: thanks. Yeah, I'm all alone here kaya very tahimik. My kind of pahinga. Hahaha.

Ian: ah, talaga? You're a fan of silence din pala. I thought kasi that most people hate silence because that's when you are being drowned by the reality. I mean, that's the very moment when you start thinking about your fears and can't do anything about it.

Elle: that's true. But when you're tired after a very productive day, the silence doesn't bother you pretty much. I guess. Or is it just me? Hahaha.

Ian: i agree. So what are you doing now?

Elle: (waits for 4 minutes) censored eh.

Ian: ohmaygad, okay. Sorry @.@

Elle: hahaha! LOL. I'm about to take a shower lang! You dirty thinker hah. (LOL)

Ian: kainis that. Hahaha. Sorry.

Elle: I still use my phone in the shower tho.

Ian: really? Then what do you usually do?

Elle: listen to the music. It's where I feel so relaxed. Like, many candles are on, then there's a really good music, then you're talking to a very nice person. Shet. Sarap sa feeling!

Hindi si Ian ang tinutukoy ni Elle na nice person kundi ang kanyang mga kaibigan. Pero tila na-misinterpret ito ng ginoo at inakalang siya ang sinasabi ni Elle.

Ian: wow. Hahaha. Parang spa lang.

Elle: Ian may tanong ako.

Ian: go ahead

Elle: so when did you start liking me?

Ian: wow. Didn't see that coming. Anw, una kitang napansin nung kumukuha ka ng dimsum sa Niu by Vikings, sabi ko ang ganda naman nito. Yun lang. Then nag-request ka ng song and I thought to myself, this lady must be into music. Tapos I saw you again sa coffee shop ko. Ganon pa rin, sabi ko typical na maganda. But when we started talking to each other? That's when I've realized that this woman is deep and intelligent. Hindi lang puro mukha.

Elle: aaah. Ganon pala yon.

Ian: nung una mo akong nakita, wala kaming tulog ng friends ko non. Galing kami sa napakahabang brainstorming. LOL. Mahilig ka pala sa ma-eyebags.

Ian: ganda mo naman kasing Panda.

Elle: hahahahah! Bwiset to.

Ian: aaaay, wow. Hahaha.

Elle: do your friends know me?

Ian: no :)) I don't want it kasi when they keep on asking me about someone na hindi ko pa sobrang kilala. Sa akin muna siya. Wag muna sila magulo. Haha.

Elle: secret business pa, damot! Sige tulog na 'ko.

Ayaw pa sanang maputol ni Ian ang usapan nila pero wala itong nagawa dahil iniisip niya pagod na si Elle dahil sa trabaho nito. Gayunpaman ay malaki ang ngiti nito sa labi dahil mas nagiging close na sila ng kanyang crush.

Sana Maulit Muli (script)Where stories live. Discover now