12 TIMELESS LOVE

10 0 0
                                    

Sa wakas ay dumating na rin ang Big Day para sa bawat isa. Natapos na kasi ang ilang buwan ng paghahanda sapagkat sumapit na ang benefit concert.

Habang ang lahat ay nakahanda na, si Elle ay sobrang ninenerbyos, at si Ian naman ay excited sapagkat alam niyang magiging maganda ang kalalabasan nito.

Matapos ang ilang paalala gaya ng pag silent mode ng phone at iba pa ay nagsimula na nga ang concert. Ang unang bahagi nito ay ang Aladdin. Sa bongga ng production, kay lalaki ng mga ngiti sa labi ng bawat batang may cancer.

Sumunod pa ang Frozen, Pocahontas, Mulan at Little Mermaid. Hindi binigo ni Ian ang direktor, bakas ang kaligayan sa bawat isang manonood. Gayunpaman ay nanlalamig pa rin ang mga kamay ni Elle kahit pa pilit niya itong itinago sa pamamagitan ng ngiti.

Elle: (smiling) ang galing nilang lahat!

Ian: sabi ko naman sa'yo, magiging maganda ang concert.

Nagkatinginan ang dalawa at sabay na ngumiti sa isa't isa.

Elle: tonight is a success.

Ian: (hinawakan ang kamay ni Elle) I told you you don't have to sweat it.

Elle: salamat, ginoo.

Ian: walang ano man, binibini.

Ang pinaka huling awitin ng lahat ng performers ay ang You've Got a Friend in Me. Nung una ay ang mga performers lamang ang umaawit pero maya maya ay lumabas na rin sina Elle at Ian at sumabay sa finale song.

Nagpalakpakan ang lahat ng panauhin sa sandaling iyon at hindi na napigilan ni Elle na kiligin sa tuwa.

Elle: (whispers to Ian) kinikilig ako! (Squeals)

Ian: (puts his hand on her waist) mag celebrate tayo!

MC: and now, let us give our directors a very very big around of applause! This event won't ever be possible if not because of their hardwork and dedication. Congratulations directors!

Elle: maraming maraming salamat sa inyong lahat- sa ating beloved audience, performers, hosts, technical staff, assistant, and sa iba pang hindi ko na namention sa dami. It is truly a joy for Ian and me to see you guys smile. Kaya salamat dahil naappreciate niyo ang mga inihanda namin.
(Crowd claps)
And of course! Sobrang thankful din ako sa aking musical director, Direk Ian. Thank you for helping me out and saving my event. Saludo ako sa'yo mamen!

Performers: yieeeee!

MC: (laughing) and that's all for tonight! See you next year, kids. Get well soon and don't forget to smile!

Matapos i-close ng MC ang event ay dumiretso na sa backstage sina Elle at Ian upang mag-ayos paalis. Habang nag aayos ang dalawa ay may mga performer na pumunta sa dressing room nila upang magpa selfie at magpasalamat. Sadyang napaka successful nang gabing ito para sa lahat.

-     -    -
Pasakay na ng lift sina Elle pero huminto ito sandali.

Ian: oh, what's wrong?

Elle: dito ka lang? Hahanapin ko lang si Lee, yung batang may polio, ha?

Ian: I'm going as well. Tara?

Halos walang tao sa labas man o sa loob ng theater kaya't nahirapan at medyo nalungkot si Elle. Pero hindi ito tumigil sa kahahanap sa bata, sa katunayan ay ipina-radyo pa niya ito. Makalipas ang 15 minutes ay nakaharap din niya si Lee.

Elle: lee! I've been looking for you everywhere!

Lee: Hi direk Elle. This is my mum.

Elle: hi momi! I'm direk Elle (smiles). Your son is one of my best musicians.
(To Lee) keep playing the violin and one day I wanna see you become the best musician there is, orayt? Give me a big hug!

Lee: (hugs) I will miss you direk. Your secret is safe with me.

Elle: see you again soon, kid!

Sa kotse ni Ian...
Ian: you are closest to him, noh?

Elle: yeah! That kid is so brilliant, mahina lang ang loob.

Ian: pagod ka na ba? Gusto mong pumunta muna sa spa?

Elle: hindi! Ok lang ako. Siguro ano, magpapadeliver na lang ako. Sa akin ka na mag dinner, ano bang gusto mo?

Ian: sa'yo? But you said bawal ang guys sa condo mo?

Elle: dun tayo sa bahay ko. Naghihintay sa'tin yung caretaker ko.

Pagdating sa bahay ni Elle ay sinalubong sila ni Conie, ang kanyang caretaker.

Conie: Yel, tuloy kayo! Magandang gabi ( magiliw nitong sabi)

Ian: gandang gabi po, ma'am!

Conie: ay ser, Conie na lang ho!

Elle: ate... Ate Conie.

Conie: ano bang gusto niyo kainin?
Naku, boyfriend mo na ito, Yel? Kagwapo ay!

Elle: uy, ate hinde! (Laughs) katrabaho ko, musical director yan. Ikaw talaga!

-      -     -
Tahimik ang bahay habang nag aantay sila sa delivery at ilang sandali pa ay nag-ring ang phone. Sinagot ito ni Conie, pagkatapos ay nagpaalam kay Elle na kukuhanin lang ang mail sa mail box nila na matatagpuan sa may guardhouse ng village.

Elle: ingat ka, Ate Conie.

Pag-alis ni Conie ay lumipat sa sofa si Elle na nung una ay nakaupo sa dining- huminga ito nang malalim, ipinikit ang mga mata, at itinaas ang mga paa sa table.

Ian: sakit paa mo?

Elle: oo, eh.

Dahan-dahang umupo si Ian sa table kung saan nakapatong ang mga paa ni Elle, kumuha ng unan, inilagay sa hita, at saka hinilot ang pagal na mga binti ng dalaga. 

Ian: dito?

Elle: huuy! Anong ginagawa mo?

Pilit niyang inalis ang mga paa pero hinahabol ito ni Ian, aniya ay wala itong dapat ikahiya.

Ian: I always see my dad does this to my mum (smiles)

Elle: ano ka ba? Nakakahiya! Ok lang naman ako eh.

Ian: bawal ba?

Elle: hindi... Pero...

Ian: hindi naman pala eh. Shut up ka na lang (chuckles)

Elle: ansabi mo?!

Ian: (laughs) you know, I always see my parents act like lovebirds. I mean, like this, pag-uwi nilang dalawa galing trabaho uupo na si mama sa sala, magtataas ng paa- parang yung ginawa mo kanina? Tapos si dadi naman kahit anong pagod, uupo sa table at hihilutin ang pagod na paa ng momi. Sabi ko once, dad bakit naghihilot ka pa? Diba pagod ka rin?

Elle: mmm, anong sabi sayo?

Ian: sabi ni dadi, oo. Pagod ako. But hardworking moms deserve a treat at the end of the day. And this is one of those treats.

Elle: ang sweet naman ng parents mo! Wews.

Ian: (smiles) hmm?

Elle: ang swerte kako nila sa isa't isa. (Heaves)

Ian: bumabawi lang din daw si dad kasi he wasn't pretty much around when my mum got pregnant to my kuya and diko and sa akin. Yung mga hindi niya nagawa noon, ngayon na lang niya ginagawa.

Elle: Wow! Existing pa pala ang Timeless Love. I thought it's dead na (chuckles)

Muling dumilat si Elle matapos sabihin iyon. Hindi sa kung ano pa man kundi para tignan sa mata si Ian.

Ian: bakit? (Smiles)

Elle: kwento ka pa. Pero dito ka sa tabi ko, tama na yan.

Tumabi nga si Ian sa kanya. Pero hindi ito nag kwento bagkus ay inenjoy nila ang katahimikan. Tila mas nakilala nila ang isa't isa sa katahimikang walang gustong bumasag.

Napakasaya ni Ian noong gabing iyon dahil isa sa mga gustung gusto niyang ginagawa ay ang lasapin ang bawat segundo ng katahimikan sa tabi ng taong gusto mo.

Sana Maulit Muli (script)Where stories live. Discover now