20 HER NAME IS GABRIELLE

7 0 0
                                    

Yeey! Finally started working on Sa Himig ng Musika, a musical show showing at Kwento At Himig Theater on December 18,19,21,28 2018.

Ito ang caption ni Elle sa kaka-upload lang niyang Singapore pics kasama ang talents at production team. Umani agad ito ng 180 likes makalipas lamang ang 8 minutes. At syempre, isa si Ian sa mga mabilis na nag like nito. Hindi pa diyan natapos, nag message pa ito kay Elle.

Ian: wow! Your photos are so great. And by the way, congrats sa new show! I love the title.

Elle: salamat! Haha. You watch it with your friends ah?

Ian: sure! What is this all about?
Catchy ng title ha :))

Elle: well, it's an inspirational musical show about a girl who is deaf but she's really good in music. Parang Beethoven? And puro original compositions ko yung scoring namin. Still have a long way to go.

Ian: parang drama?

Elle: well, parang. But we're trying not to make people sad after the show kaya we're still studying on how to make it a feel-good show tho the main topic is sort of heavy.

Ian: looking forward to that! So, uwi ka na agad bukas?

Elle: yes, susunduin ko pa kasi sila mama sa airport eh.

Ian: oo nga pala, your parents are coming over. How long will they stay?

Elle: like, 2 weeks? May aasikasuhin daw ang dad, but he won't tell me what that is. I'm just sort of worried.

Ian: baka naman it's something-nothing serious. Don't stress over it. Pahinga ka din, Elle.

Elle: salamat CEO.

Ian: tanong :)))

Elle: sure!

Ian: will you move to States as well?

Elle: I might. Ba't mo natanong? How'd you know?

Ian: I just thought about it. Pwede bang wag ka na umalis? Sorry ang clingy ko. I just hate the feeling na may mamimiss ako. Yung parang when we look up, we won't see the same stars anymore and everything will never be the same again.

Elle: hahaha. Seryoso ka?

Ian: oo naman. Clingy talaga ko at times, sorry.

Elle: we'll see. If the opportunity's there, why not, diba?

Ian: dito ka na lang. The country needs a good musician like you :)))

Sa pagkakataong ito, hindi nakaramdam ng pagka-ilang si Elle sa kausap. Natuwa pa nga siya kahit papaano dahil para bang kahit ngayon lang, someone made her feel that her presence means a lot to him. Never in forever niya pa itong naramdaman sa iba.

-     -     -
Hanggang sa pag-uwi ni Elle sa Pilipinas ay dala-dala pa rin nito ang ngiti bunga ng sinabi ni Ian. Pero syempre hindi alam ni Ian yon, may mga bagay kasi na hindi pa dapat ipinapakita sa taong hindi mo pa sobrang kilala. Delikadesa it is, bes.

Hello?

- Habang nasa cab si Elle pauwi sa kanyang bahay ay may tumawag sa mobile nito.

Elle: hello? Hello po?

Dad: anak! Nasan ka?

Elle: dadi? Nasa cab po pauwi sa bahay ko. Hindi na po ako nagpasundo sa friends ko kasi busy po yata sila?

Dad: anong busy sila?

Elle: eh wala pong sumasagot sa tawag ko eh kaya nag cab na lang po ako. Eh dad, kaninong mobile po ito?

Binaba na ng dadi niya ang mobile kaya hindi niya ito nakausap pa. Sinubukan niyang mag callback pero naka off na ang phone nito.

Hindi kasi alam ni Elle na nasa Pilipinas na ang kanyang mga magulang, ang akala niya ay susunduin niya sila sa airport.

Laking gulat niya ng dumating siya sa bahay niya at madatnan ang ama na nagkakape mag-isa sa garden.

Elle: dadi?! Hala! Kailan pa po kayo umuwi?

Dad: we arrived yesterday (smiles) how's Singapore?

Elle: where's mom?

Dad: she's... She's inside. Your photos are all nice, anak.

Elle: (kisses dad) wait lang po.

Pumasok si Elle sa bahay at hinanap ang nanay niyang si former Mayor Sasa. Hindi niya ito makita kaya't tinignan niya ang mga kwarto. Pagtungo niya sa master's ay nandoon ang kanyang mama., mahimbing na natutulog. Nagmadali siyang lumapit dito para halikan at hinagkan ito nang mahigpit ngunit maingat para maiwasan maantala ang pagtulog. Halos 8 months din silang hindi nagkasama. 

Matapos ito ay lumabas din agad si Elle ng kwarto upang bumalik sa kanya dadi. Kasalukuyang nagluluto noon si Greg ng kanilang kakainin.

Elle: Hi dad!

Greg: oh, nak? Gutom ka na ba?

Elle: medyo po. Konti lang yung nakain ko sa plane. Walang kwenta yung pagkain, kaasar. Masarap pa yung Twin's burger.

Greg: (laughs) pihikan ka talaga, anak. Eh, paano ba yan? Matagal pa itong adobo natin.

Elle: k lang. I can manage.

Greg: ano na bang balita sa'yo, ha? Ni hindi ka man lang tumatawag. May dine-date ka na ba, anak?

Elle: date? Wala! Sobrang dami lang ginagawa sa office.

Greg: asan na yung usapan natin? Diba, sabi mo, mag-aasawa ka bago ka mag 33. 31 ka na! Aba'y ano na?

Elle: (LOL) grabe si dadi! Teka lang naman. Mahina kalaban. Ang hirap kaya mamili pag masyadong marami!

(Both LOL)

Greg: siguraduhin mo'ng may maihaharap ka sa amin bago ka mag 33. (laughing)

Elle: ayy nako, matutulog na nga muna po ako dad. (laughs) gisingin mo ko pag kakain na ah.

Greg: sige!

Alas siyete na nang magising si Elle mula sa mahimbing na pagtulog. May naririnig kasi itong tunog mula sa baba kaya minabuti niyang bumangon upang tignan ito.

Something's telling me it might be you
All of my life

Awit ni Sasa habang nagpipiano. Mula sa malayo, tanging pag ngiti lamang ang nagawa ni Elle habang pinanunuod ang mama niya. At ilang sandali pa ay lumapit na ito at umupo sa tabi ni Sasa.

Elle: I didn't know you're this good, ma. (Smiles)

Sasa: I just remember my daughter whenever this song plays.

Elle: daughter po?

Sasa: yes, I adopted a young beautiful girl back then. She's an orphan but very bright! Eh wala akong anak, so I owned her with all my heart. Kaso nung mapagtapos ko, hindi na ako masyadong dinadalaw. Namimiss ko nga siya eh. Malungkot sa America kasi lagi ako doon mag-isa. Sana kasama ko doon yung anak ko. You know her?

Elle: (smiles with tears)

Sasa: her name is Gabrielle. Which means God's strongest woman. But I call her Elle. Ikaw iha, anong pangalan mo?

Nang gabi ding iyon ay umalis ng bahay si Elle nang hindi alam ng kaniyang mga magulang. Mag-isa siyang nagmaneho patungo sa Kafe Aleman - ang pinakamalapit na coffee shop sa bahay ni Elle at pag-aari ni Ian.

Doon ay umiyak siyang mag-isa, binabalikan ang mga araw bago siya naging anak-anakan ni Sasa hanggang sa pinaka araw na ito. Kung saan nalaman niyang may Alzheimer's na pala ang mama niya.

Masakit para sa kahit kaninong nagmamahal ang pagdating ng araw na hindi ka na niya kilala. Na matapos ang pagsisikap na maging masaya ay unti-unti lang rin palang lilisan ang mga alaalang pinagka ingat-ingatan.

Sino bang nakaaalam
Na ang panahon na siyang naghihilom sa lahat nating sugat
Ay siya rin palang sa puso natin ay pipilat.

Nakaraan pala'y kanyang lilimutin
Kasalukuya'y pabibigatin
Kinabukasan ay nanakawin.

Sana Maulit Muli (script)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin