8 AYOS LANG AKO

13 0 0
                                    

Maagang nagtungo sa Emily Lofts si Elle upang asikasuhin ang napakaraming bagay aside pa sa benefit concert nila ni Ian. Bukod kasi dito ay mayroon pa siyang ilo-launch na teen artists, international music tour, at location MTV shoot para sa ilang mga sikat na artists

Sa phone...

Elle: Kyle, approved na yung date ng shoot natin for MTV, pwede mo bang puntahan tomorrow yung location so we can finalize everything?

Kyle: yung sa Amanpulo?

Elle: oo, and then yung isa ay sa Balesin. Pero baka si Demi na lang yung papuntahin ko don.

Kyle: o sige, sige. Ako nang bahala.

Elle: sige, thank you ha.

Kyle: no problem, sis!

Pagkababa ng phone ni Elle, kumatok ang isang babaeng staff nito sa kwarto niya.

Staff: (enters) direk Elle, may delivery daw po sa inyo sa baba. Galing daw po sa Martin's Automotive Services.

Elle: yung kotse ko! (madaling tumayo at pumunta sa lift) bakit daw dineliver pa nila? Eh pwede namang ako na lang ang sumundo doon.

Staff: yun daw po yung utos ni ser Ian nila eh.

Elle: ang gara talaga nung Aleman na yon. pfff.

Kaharap na ni Elle ang delivery man na siyang nagdala ng sasakyan niya sa Emily Lofts.

Man: magandang araw po ma'am!

Elle: (titig na titig sa kotse niya) pinalitan niyo yung gulong ko?

Man: opo madam. Quality po yan, maganda ang kapit kahit basa ang daan.

Elle: Tapos nilagyan niyo ng dashcam?

Man: yes, po. Eh utos niya po kasi na palitan ang gulong niyo at lagyan kayo ng dashcam.

Elle: kuya! magkano inabot? Baka masyadong mahal, wala akong pambayad! (nilapitan na ang kotse)

Man: wala na po kayong babayaran ma'am. Si boss na po ang sumagot sa lahat. Ang bilin niya lang po eh pag tapos na, ihatid na lang po dito.

Vocals naman ang rehearsals ngayon at hindi ng mga batang musician nila. Habang umaawit ang mga performer ay siyang dating ni Ian - almost an hour late ang gwapong ginoo. Ito ay tumabi kay Elle na very focused sa mga singer.

Ian: (sings along)

You've got a friend in me
You've got a friend in me
When the road looks rough ahead

And you're miles and miles
From your nice warm bed
(pasimpleng tingin kay Elle)

Elle: (without even looking at him) wag mo kong daanin sa kanta. You're late.

Ian: (smiles and looks away. Then looks at her again) sorry.

_ _ _

Elle: great job, singers! Ok, break muna kayo. Next story please be ready, in 30 minutes we'll proceed to your part.
(walks out of the theater)

Ian runs after her na akala mo ay boyfriend na winalk-outan ng matampuhing girlfriend.

Ian: hey! hey! Elle?

Elle: (stops) yes? I'm in a hurry...
(continues walking)

Ian: bakit ang sungit mo?

Elle: I'm not masungit? I'm just in a hurry.

Tuloy pa rin sa paglalakad ng mabilis si Elle patungo sa kanyang main room- tuloy pa rin sa paghabol ang naka Americanang si Ian.

Sa room ni Elle...

Sana Maulit Muli (script)Where stories live. Discover now