17 NO EXPECTATIONS

6 0 0
                                    

Lumipas ang ilang mga araw at gabi na hindi sila nagkakausap kahit pa nagagamit naman talaga ni Elle ang kanyang mobile. Sinabi lamang niya na hindi ito accessible dahil gusto niya ng kahit konting distansya from Ian. Pero, totoo naman ang sinabi nitong sobrang abala siya sa dami ng kanyang trabaho. #HustleHardShopHarder nga kasi ang moto niya.

Pinilit mang isingit sa mga gawain ang favor ni Ian ay hindi talaga ito kinaya ng kanyang schedule. Kaya naman minessage ni Elle si Ian sa facebook upang humingi ng paumanhin.

Elle: Yan, I'm so sorry, can't do pala your thing. I have loads of hectic shits to do and everything's due on the same day. Pasensya na talaga. Bawi ako next time.

Makalipas ang 15 minutes ay nag online din ito at nireplyan naman ang dalaga. Hindi maitago ang kaunting panghihinayang.

Ian: No, it's okay. Thanks :))) kamusta ka naman?

Elle: ito, ang daming inaasikaso na papers. Then kanina nag shoot kami ng MTV. Teka, busy ka ba?

Ian: di naman masyado. May ginagawa lang na report. Why?

Elle: so pwede akong mag-kwento?

Ian: of course! Anytime!

Elle: ok, good, good. Ang init ng ulo ko kanina, grabe!

Ian: what happened?

Elle: eh, kasi naman, ako yung diector. Napag-isipan na namin ng team ko ang story at setting nung video nung artist. Tapos nagmamagaling yung nanay! Bakit daw ganto, bakit daw ganon. Eh di siya na director. Siya na mag-arrange ng lahat, tutal magaling siya eh.

Ian: Chill. Anong sinabi mo sa mom nung artist?

Elle: edi pinaliwanagan ko na hindi basta-basta pwedeng mag-iba ng concept kasi pati timing naka areglo na.

Ian: and then?

Elle: pinilit pa rin yung gusto niya! Sabi ko, kung ipipilit niyo ho ang gusto niyo, humanap na lang ho kayo ng ibang record bar.

Ian: Don't feel bad about it anymore, you've done your part and it is your job. She shouldn't be acting like that, diba? Relax ka na, knowing that you are right.

Elle: yeah, I know.

Ian: sorry, not really good at comforting people. Pat na lang kita :))

Elle: di. ayos lang. Nabadtrip lang talaga ako, at wala naman akong mapagsabihan kasi syempre, hindi ka basta na lang dapat magsalita sa team mo.

Ian: magpahinga ka naman. Feeling ko you are needlessly drowning yourself.

Ilang sandali pa ay pinutol nanaman ni Elle ang usapan nila, nagiging kumportable na kasi siya kay Ian- which is hindi dapat. Kahit pa nakita na niya na mabuting tao si Ian, hindi pa rin niya maiwasan ang matakot o mag-isip ng, hanggang kailan kaya tayo in good terms? Baka pag nakilala mo ako, umalis ka na lang bigla. Sabi niya sa sarili ng mga oras na 'yon.

Pagkalabas niya sa kwarto ay sakto namang dinner na ng production team. Agad na tumungo si Elle sa resto kung nasaan ang mga kasama, at nakisalo sa kanila habang nagkukwentuhan sa ilalim ng langit na puno ng makikislap na bituin.

Crew 1: ayan na si direk Elle, guys!

2: Ay, direk! tara po dito, sa tabi ko. Haha. Tabi po tayo.
(all eyes on him)

Elle: ikaw? wala na ba akong ibang pwede makatabi?

3: arrrrruuuuy!
(all laugh)

2: grabi po yon, direk.

Elle: (chuckles) grabe ba?

1: dito po, direk, sa gitna.

Elle: de. Okay na ko dito. Sa tabi ni James.

All: yieeeee!

Namumula si James sa mga oras na iyon, hindi niya alam na papatulan ng direktor ang biro niya. Kaya lang naman niya ginawa yon kasi gusto niya na maka eye to eye ang crush na si Elle, pero hindi niya inexpect ang sunod na ginawa nito.

Habang kumakain...

Elle: are you guys all fine? Wala bang may masamang pakiramdam?

James: wala naman po, direk.

Elle: Good, good.

James: kayo po, direk. Okay lang po kayo?

Elle: hindi, masakit ang ulo ko. PInakulam mo ba ako?

2: basaaaaag!

All: (LOL)

James: grabe naman po talagaaa!

Elle: hahaha! ang sarap mo pag tripan no?

James: (blushing)

Elle: guys, magaling daw yung tattoo artist nila dito. Have you heard that?

James: ay, opo! Tsaka maingat.

Elle: oh, talaga?

James: opo (smiles)

Elle: na-try mo na?

James: di pa po.

Elle: eh ba't sagot ka nang sagot? Ikaw lang ba kasama ko dito?

1: bizeeeeng!

All: (LOL)

James: yoko na nga, direk. Lakas mo po mantrip. (chuckles)

Elle: joke lang. Naiinis ka na sakin?

James: hindi po.

Elle: (laughing) tapos pag talikod ko, halos isumpa mo na ko!

James: (laughs) oy, di ah!

Tuluy-tuloy lang ang kulitan ng mga magkakatrabaho since last day naman na ng shoot nila sa location. At sa pagkakataong ito, ang saya-saya nila, except Elle. Akala lang nila ay nagbibiro ito, nagpapatawa ba in terms of bullying. But the truth is, it's her way of making this guy feel that he can't accept who she really is kaya better to stay away from her. Ang paniniwala niya ay walang lalaking kayang tumanggap sa tunay niyang pagkatao dahil usually daw, ugali at katawan lanng ang tinitignan ng mga lalaki sa isang babae.

Hindi pa umaamin si James sa tunay nitong nararamdaman, oo. Pero hindi tanga si Elle- alam, ramdam, at kita niya na may ibig sabihin si James sa lahat ng ipinapakita niya. Sadyang wala pa lang siyang lakas ng loob para magtapat sa direktor.

Kung may pagkakataon lamang ay iiwas din sa kanya si Elle, pero dahil si James ang pinaka magaling na editor/ technical staff niya ay wala siyang choice kundi pakisamahan ito at i-isantabi muna ang pagka-ilang. Professionalism over personal issues is the number one rule sa industriyang ito.

1: direk, off naman natin bukas, baka naman pwede tayong mag laro or mag jamming tonight?
(all cheered up)

Elle: piko tayo!

2: wag naman ganon, direk!

Elle: sorry ah?

All: (LOL)

3: tanda niyo pa yung sa team building natin, guys? Yung you may write anything to someone. You may or may not include your name. But this time, positive lang ang isusulat.

Elle: oh, I want that! ano, game?

At yun nga ang ginawa nila, sa ilalim ng langit na madalim at sa gitna ng isang bonfire. Abala ang lahat sa pag-aalala ng mga bagay na gusto nilang sabihin/ ipaalala sa taong nais nilang sulatan. Nang matapos ang bawat isa ay ipinaikot na nila ang mga folder at kanya-kanya nang dikit ng mga post it sa folders.

Pagpasok ni Elle sa kwarto ay hindi niya tinignan ang folder niya, kahit positive lang ang pwedeng isulat ay natatakot pa rin ito na baka walang positive na nasabi sa kanya ang mga kasama.

Hindi naman ako ganoon kabuting tao, kaya anong ieexpect ko?

Sabi ni Elle sa sarili bago tuluyang ipikit ang mga mata at mahimbing na nagpahinga.

Sana Maulit Muli (script)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin