Kabanata 60

2.4M 50.1K 41.7K
                                    

This is going to be the last Chapter. Thank you so much for reading Heartless. Hintayin niyo na lang po ang epilogue. Yun na po yung last. Hope supportahan niyo kami ni Hector at ni Chesca sa End This War. Main story ko na yun pagkatapos nito. <3

Warning: Medyo SPG

----------------------

Kabanata 60

Only Me

Bongga ang naging after party ng kasal ni Reina. Hindi pa nakakarecover ang mommy at daddy ni Rozen sa kasiyahan dahil sa party. Syempre, inimbita din ang buong pamilya ko. Pinagpapawisan ako ng marami dahil sa mapagmasid na ekspresyon ni Rozen. Feeling ko kung magkakatyempo siya ngayon ay sasabihin niya agad sa pamilya.

Kaya lang, inaantok na ako. Alas onse na rin kasi. Pero noon, kahit na umabot akong dilat hanggang alas singko ng umaga, hindi naman ako nahuhulugan ng mata.

"Rozen..." Sabay haplos ko sa braso niya.

"Hmmm?" Tumingin siya sakin galing sa pagkakatitig niya sa mga magulang ko.

"I'm really sleepy."

Nakuha ko ang buong atensyon niya. Tiningnan niya lang ako. Magsasalita na sana siya pero dinagdagan ko iyon.

"And hungry." Ngumisi ako.

"A-Anong gusto mong kainin?" Tanong niya.

"Hindi ko alam basta gutom ako at inaantok?"

Humikab pa ako. Nakita kong nakatingin si mommy sa amin kaya umayos ako sa pag upo. Pumungay ang kanyang mga mata at tinignan kami pabalik balik ni Rozen.

"Bukas ko na lang sasabihin. Let's go home." Ani Rozen sabay tayo.

"Oh, saan na kayo, Rozen?" Tanong ng daddy ni Rozen na ngayon ay nakatitig sa amin at nakapangalumbaba sa table.

Nasa isang round table kasi kami kasama ang mga oldies. Pwede naman kaming sumama kina Noah doon sa kabilang table, kaso, pinili ni Rozen na sumama dito sa mga matatanda. Nandito sa table namin sina mommy at daddy, tito at tita (mom aat dad ni Rozen), iyong mama at papa ni Wade at ilan pang mga Elizalde. Nag iinuman sina tito at nag chichikahan naman sina tita.

"Ihahatid ko lang si Coreen sa bahay nila." Aniya sabay sulyap kay mommy at daddy.

"Oh, bakit anak?" Sabi ni mommy sa akin. "Gusto mo ng umuwi? Uuwi din tayo after 12. Nakakahiya naman kay Rozen, ihahatid ka pa niya."

"Not a problem, tita. Para makapag enjoy pa kayo dito at makapagpahinga na si Coreen."

Nanliit ang mata ni mommy sa kakatitig sa akin. Ang daddy naman ni Rozen ay humalakhak habang pinagmamasdan kaming dalawa.

"Hindi ko talaga inakala na aabot ang oras na magseseryoso itong si Rozen." Aniya.

Uminit ang pisngi ko. Nakatingin silang lahat sa amin.

"Dad, wa'g mo nga akong ipahiya." Humalakhak si Rozen.

Heartless (Published under Sizzle and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon