Kabanata 53

2.1M 47.6K 40.8K
                                    

Babala: Medyo SPG.

---------------------------------

Kabanata 53

I Love You

"Reina, want some?" Inabot ni Liam ang shot kay Reina. "Oh, saan ka?"

Tumayo kasi si Reina at umambang aalis. Ngumisi ako. I know... Napuno na siya sa mga pang iintriga dito kay Wade. Malamang ay magpapalamig siya or something.

"Ah... May kukunin lang ako sa kwarto." She lied.

Ilang sandali lang ang nakalipas nung umalis si Reina ay mas bumilis ang tagay nina Warren. Mabilis ding uminom si Liam at si Wade. Napatingin ako kay Rozen na chill lang uminom at hindi parin natatanggal ang ngisi sa labi. Si Noah naman ay tulala sa bote ng beer niya. Ang lalim ng iniisip.

"Hey..." Inilapit ni Rozen ang ulo ko sa labi niya.

Nagtindigan agad ang balahibo ko. Nakita kong lumingon si Wade sa amin at ngumisi.

"Ano?" Bulong ko.

"Labas muna tayo, may ipapakita ako sayo."

"Ha? Saan? Tsaka gabi na masyado. Nag paalam ako kina mommy at daddy na mag s-sleep over ako dito sa inyo."

"Kaya nga, sumama ka muna." Hinila niya ang kamay ko.

Nilingon ko si Warren, Joey at Liam na nagtatawanan na ngayon kasama ang mga babae. Si Wade naman ay walang ginawa kundi ang pagmasdan kaming lahat. Si Noah naman ay sumandal na sa mesa. Inaantok na yata kaya ayun at bumigay na.

"Saan kasi?" Tanong ko.

Hindi niya na ako sinagot. Hinigit niya na lang ako palabas ng bahay namin.

"Rozen, medyo may tama ka na." Sabi ko.

"Wala! What do you think of me, malambot? Hindi ako tulad ni Noah na mabilis matamaan." Ngumisi siya at pumasok sa sasakyan.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko nang pumasok ako sa sasakyan niya.

Pero wala siyang imik hanggang sa nakarating kami sa isang simbahan. Tumindig ang balahibo ko, ngayon lang ako nakapunta sa isang simbahan ng ganito na ka lalim ang gabi. Alas dose na kaya. Anong ginagawa namin dito?

"Rozen! Ano ba?" Bulong ko.

May iilang matatandang nag darasal. Binilang ko, siguro nasa mga apat na matatandang babae. Yun lang. Dim ang lights ng altar. Ni walang ilaw sa may pintuan. Kinaladkad niya ako papuntang altar.

"Rozen!" Mas lalo kong hininaan ang boses ko. "Anong ginagawa natin dito? Kung gusto mong mag simba, mukhang walang misa ngayon." Lumingon lingon ako.

"No, we're not here for the mass."

Binitiwan niya ang kamay ko nang nasa harap na kami ng altar. May dumaan pang sakristan sa harap na nag mo-mop.

Heartless (Published under Sizzle and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon