Kabanata 24

1.5M 43.1K 13.8K
                                    

Kabanata 24

Lies

Magkaholding hands kami habang namamasyal sa nature park. Tama ang hinala ko, puno nga ito ng punongkahoy, mga damo, mga bulaklak, at iilang mga hayop.

Tahimik lang ako. Tahimik din siya. Ang tanging maingay lang ay ang patuloy na naghuhuramentado kong puso.

"Bakit dito mo naisipang pumunta?" Tanong ko.

Nilingon niya ako.

Mabibigat at malalalim parin ang titig niya.

"Peaceful. Walang istorbo." Aniya.

Napatingin ako sa buong syudad, over looking iyon doon. At ang nasa paligid ang puro mga halaman at punong kahoy.

Nilingon ko din si Rozen. Nakatingin din siya sa sa tanawin. Hinayaan ko siyang hawakan ang kamay ko, hinayaan ko siyang halikan ako, hinayaan ko siyang ipadama sakin ang nararamdaman niya. Hahayaan ko siya.

Pinadausdos niya ang kamay niya sa baywang ko at hinila niya ang buong katawan ko kaya napahilid ako sa kanya.

"I wish you're really mine." Bulong niya sa tainga ko.

Hindi na ako umangal o nagsalita. Hahayaan ko siya. Napapikit na lang ako nang naramdaman ko ang labi niya sa ulo ko. Hinahalikan niya ito.

"Bakit ba mahal na mahal mo si Noah?" Tanong niyang bigla.

Napapikit ako. Hindi ako agad sumagot. Hindi ako makasagot. Nahirapan akong mag isip sa sagot. Hindi ko alam.

Kasi gwapo, misteryoso, passionate at kung anu-ano pa. Maraming rason.

"Kailangan ko bang sagutin iyan?"

Ayaw kong sagutin dahil alam kong masasaktan ko na naman siya.

"Kaya nga nagtatanong ako diba, para masagot mo?" Nagawa niya pang mamilosopo.

Humalakhak siya ng marahan sa tainga ko kaya kinurot ko ang braso niyang nakapulupot sa baywang ko.

"Kainis ka talaga." Marahan kong sinabi pabalik sa kanya.

Para kaming naglalandiang magkasintahan. Tumindig ang balahibo ko. Nagpabalik-balik sakin ang tono ng marahan kong pagsaway sa kanya, 'Nakakainis ka talaga.' Shet!

"O edi, sige." Nilakasan ko ang boses ko at humugot ng lakas dito, "Kasi, uhm, gwapo siya... misteryoso... tsaka, passionate. May talent." Dagdag ko.

"Bakit di kasali ang masungit?" Humalakhak na naman siya.

Kinurot ko na naman ang braso niya.

"OW!" Humigpit pa lalo ang pagkakapulupot niya sa akin.

Heartless (Published under Sizzle and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon