Kabanata 34

1.4M 38.7K 12.4K
                                    

Kabanata 34

Leonore Batungbakal

Buong akala ko ay babalik si Rozen after 6 months. Kaya naman ay nang natapos ang semester at nagsummer na, araw-araw na akong nag aabang sa paligid ko sa biglaan niyang pagpapakita. Araw-araw din akong nabigo.

Nang nag June na ulit, simula ng 2nd year ko sa college, hindi ko na naiwasan ang pagtatanong kay Noah.

"Noah, s-si Rozen ba hindi uuwi?"

Ngumuso si Noah sa tanong ko tsaka umiling.

"P-Paano na yan? Hindi ba, 3rd year na siya." Sabi ko. "Hindi niya ba tatapusin ang pag aaral niya?"

Nauungusan na siya ni Noah ngayon. 3rd year na si Noah, at pag nagkataon ay mauunahan ni Noah si Rozen sa pag graduate.

"Kumuha siya ng short course sa ibang bansa." Simpleng sinabi ni Noah na nagpabigo sa puso ko.

"P-Pero iba parin yung degree dito sa Pilipinas, diba?"

"Oo. Siguro naman pag bumalik na siya dito, tatapusin niya rin ito."

"S-So Ibig sabihin matagal pa ang balik niya?" Tanong ko.

"Give or take 2 years." Aniya.

Napalunok ako. Ang tagal. I miss him so much. Di bale ng pestehin niya ako araw-araw, okay lang.

"Miss him?" Tanong ni Noah nang nakita ang malungkot kong mukha.

Nagkibit balikat na lang ako.

"Pag nalaman niyang miss mo na siya, mamaya agad, uuwi yun." Tumawa si Noah.

"Wa'g mo nga akong bolahin ng ganyan, Noah." Kinunot ko ang noo ko.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at niyakap nang tumatawa.

"O sige, joke na nga lang."

Kinukurot ang puso ko.

"Wa'g mong sabihin sa kanya, ah?" Sabi ko. "Galit yun sakin. Tsaka ako ang nagtaboy sa kanya."

"Okay."

Tama si Noah. Umabot ng isang taon ay wala paring Rozen Elizalde na nagpapakita.

"Si Wade ay natanggap sa Going South!"

"Going South? Yung sikat na banda?"

Napalingon ako sa mga freshmen na nag uusap. Totoo ba iyon? Napatingin ako sa cellphone ko at nakita kong may text si Noah sakin.

Noah:

Nasan ka? Nandito kami sa gym. Kinukuha na ni Wade ang mga gamit niya.

Nireplyan ko agad:

Bakit?

Hindi pa siya nakakareply ay tumakbo na ako papuntang gym. Doon ko nasaksihan ang nakatungangang mga kabandmates ni Noah. Nakatunganga sila habang pinapanood si Wade na nagliligpit ng gitara at ng mga gamit niya.

Heartless (Published under Sizzle and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon