Kabanata 23

1.6M 48K 24.6K
                                    

Kabanata 23

Shallow Kisses

Para akong zombie na naglalakad sa buong campus habang busy sa paghahanda sa festival. Uuwi pa ako mamaya. Sa bahay na ako mag lu-lunch dahil susunduin daw ako ni Reina. Magbibihis din ako ng dress. Panay kasi ang pants ko dahil kailangang umakyat akyat para mag design ng booths. Ayaw ko namang mabosohan.

Nang dumating na kami ni Reina ay pansin na pansin ko ang pagiging matamlay niya. Maporma na siya at improving na ang makinis niyang kutis ngayon, pero dahil sa mga nalaman niya tungkol kay Wade at dagdagan pa ng mga naabutan niyang scenes sa Comfort Room, ay mukhang stress si ate.

"It's not his fault, Reina. Ikaw itong humusga sa pagkatao niya. Hindi niya naman sinabi sayo'ng mabait siya, diba? Naging harsh pa nga siya sayo. Ikaw itong nagpumilit na mabait siya. You created your own idea of him."

Tama. You are responsible of your own thoughts, actions, and words. Kahit na sinabi ko sa kanya ang iilan sa mga nalaman ko galing kay Rozen ay umasa parin siyang hindi ganoon si Wade. Kaya ayan, nang napatunayan niya ito ay hindi niya natanggap.

"Alam ko naman yun, Coreen. Talagang hindi ko lang alam kung paano mag react sa sitwasyon na iyon. Tsaka... isa pang ikinagagalit ko ay alam ni Wade na iniisip kong may gusto siya kay Zoey, bakit hindi niya ako diniretso na wala? Na puro ganun lang ang ginagawa niya?"

Tumango ako. Tama rin si Reina. Anong problema ni Wade at bakit hindi niya na lang diniretso si Reina? Ang buong akala kasi namin ay mahal ni Wade si Zoey... si Zoey naman ay nakikipaglandian kay Rozen. Kaya akala namin, magkagalit si Rozen at Wade dahil kay Zoey, iyon naman pala, dahil iyon sa pag kokomprontang ginawa ni Rozen. Nakakalito. Halos dumugo ang ilong ko sa kakaisip.

Nakatingin lang kaming dalawa ni Reina sa nag fa-fashion show na models.

"You think pag sinabi niya sayo, di ka lalayo?" Napagtanto ko iyon sa gitna ng panonood.

Pareho din siguro ang mangyayari. Lalayu at lalayo parin si Reina pag nalaman niyang sex lang naman ang namamagitan kay Wade at kay Zoey. Naiinis iyon sa mga playboy. Ako rin naman. Nakakadiri. Kaya naman ayaw niya kay Rozen. At ganun din ako... ayaw ko kay Rozen.

Napalunok ako. May problema ang mga kulisap sa huling inisip ko, ah?

Isinantabi ko ang nararamdaman ko at naalala ang show ni Noah. Mini Concert.

"Reina! Let's go! Tapos na ang show!" Hinila ko si Reina.

Mabilis siyang nagpatianod sa akin. Syempre, siguro ay curious din siya. Nagpupumiglas pero wala ring nagawa sa paglalambing ko.

Nang nakarating kami sa field, marami ng tao. Sobrang dami. Pakiramdam ko, lahat ng estudyante ay narito. Maingay at may mga banners at karatula pang dala ang iba. Parang rally lang, eh.

Napangiwi ako at hinila pa ang mahinang si Reina.

Heartless (Published under Sizzle and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon