Kabanata 1

2.4M 53.8K 41.7K
                                    

Kabanata 1

Ang Sakit ng Sugat Ko

"Coreen, ang ganda talaga ng buhok mo." Sabi ni Reina sabay haplos sa buhok ko.

Biniyayaan ako ng langit nitong buhok na kulot sa tips. Konting alaga lang ay magiging shiny, madulas at maganda ito.

"Thanks! Maganda din naman ang straight mong buhok." Sabi ko sabay hawi sa bangs niya.

Kumpara sa mga kuya niya, si Reina ay may mga tigyawat. Hindi ko nga lang alam kung bakit. Yung mga kuya niya naman wala... Kung may pimple man si Noah, isa-isa lang kung sumulpot. Itong si Reina, pinapakyaw.

Nasa Grade 7 na kami ngayon habang ang mahal kong si Noah naman ay Grade 8 at sikat na sikat na dahil sa banda nila.

Panay ang hila ko sa naninigas na si Reina. Hindi maangat-angat ang mga paa niya para maglakad papunta sa Auditorium.

"Reina, come on!" Sigaw ko.

Umiiling siya at napapangiwi sakin.

"Ano? Mahuhuli na tayo sa asawa ko!" Sabi ko.

Nilingon ko ang tinititigan niya at nakita ko kung ano ang dahilan ng pagkakaugat niya sa corridor namin. Iyon naman pala, tinatahak ni Ynigo Sanchez ang corridor. Tumatawa siya at nakikipag high five sa ibang kaklase ni Noah. Si Ynigo Sanchez ay isa sa mga naging crush nitong si Reina. Marami siyang naging crush, taliwas sakin na hanggang ngayon ay si Noah parin.

Nagkatagpo ang mga mata namin ni Ynigo. Kumindat siya sakin kaya agad akong nag iwas ng tingin.

Kumapit si Reina ng mahigpit sa braso ko.

"My gosh! Kumindat si Ynigo sakin!" Aniya.

Napayuko ako at unti-unti kong tinignan ang mukha niyang halos manisay sa kilig.

"Lika na nga! Alis na tayo!" Sigaw ko sabay hila sa nag ha-hyperventilate na bestfriend ko.

"My gosh! My gosh! Yung crush ko! Di bale nang di ako pinapansin ni Bench basta kinindatan ako ni Ynigo!" Panay ang alburoto niya tungkol dito.

Ako naman, busy sa paghila sa kanya at pagtulak sa mga tao.

"Excuse me! Excuse me!" Sigaw ko.

Hindi ako makakapayag na nasa bleachers lang ako at nanonood. Dapat front seat, close up, at live!

Tumindig agad ang balahibo ko nang narinig kong kinakalabit na ni Noah ang gitara niya. Nakakahakot ng fans ang banda nina Noah dahil syempre, gwapo at magagaling sila.

"Hoy, Coreen! Angas mo ah! Ba't ka nanunulak?" Sigaw nung isang kaklase ni Noah. "Akala mo pag dyan ka sa harap mapapansin ka ni Noah? Asa!"

Heartless (Published under Sizzle and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon