Kabanata 59

1.8M 44.1K 19.1K
                                    

Kabanata 59

Exactly

Mas lalo kong iniwasan si Rozen. Hindi ako nagpapakita sa kanya. Mabilis akong umaalis sa trabaho para lang hindi niya ako maabutan at sa tuwing pumupunta siya sa bahay ay lagi akong nagkukulong sa kwarto. Mahal na mahal ko siya, sabik na sabik ako sa kanya, kaya lang natatakot ako dahil buntis ako. Natatakot ako sa mangyayari sa amin. At naiirita ako nang di ko alam kung bakit.

"Coreen, you are acting really strange. Ano bang nangyayari sayo?" Narinig kong sinabi ni Rozen sa likod ng pintuan ko.

"Just... go home, Rozen." Sabi ko.

Alam kong nagkakagulo na ang buong pamilya ng mga Elizalde dahil sa nalalapit na kasal ni Reina. At first, inayawan ng kanyang parents si Wade dahil pobre ito. Pero ngayon ay natanggap na nila. Of course, sinong magulang ba ang aayaw kay Wade? Sobrang mahal niya kaya si Reina. Hindi ko alam kung tumutulong ba ito si Rozen sa kanila dahil napansin kong halos gabi-gabi siya dito sa amin at nagdadala pa ng kung anu-anong pagkain.

Biglang lumubog ang paanang parte ng kama ko. Tumindig ang balahibo ko. Akala ko may halimaw ng umupo doon, pero oo, totoo palang may halimaw talaga. It was him, the sexy beast with his sexy smile and his sexy lips.

OH I MISS HIM SO MUCH! Pero naiirita ako... Shit! Di ko alam!

"Ano ba?" Nilagyan ko ng kumot ang mukha ko.

Hinawakan niya ang binti ko. Hinaplos niya ito pababa.

"WHY ARE YOU HERE?" Galit kong utas sabay upo para maiwasan ang panghahaplos niya.

Hinawakan niya ang kanyang labi saka tinitigan akong mabuti gamit ang naglalaro niyang mga mata.

"Why are you so moody?" Tanong niyang nakapagpakabog sa puso ko.

Naghuhuramentado na naman ako, pati ang mga kulisap ay nagliwaliw na sa loob ng tiyan ko.

"I'm not. I just..."

"Come on, Coreen. Apat na linggo na yung issue. Is there something wrong?" Tanong niya.

"Nothing!" Sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Are you pregnant?" Diretso niyang tanong.

Nagulantang ako pero hindi ako nagpahalata sa kanya.

"What? Bakit naman ako mabubuntis?" Umiling ako.

"Really?" Ngumisi siya.

SINADYA NIYA BA ITO? Bakit may feeling akong sinadya niya ito? Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan siyang ngumingisi sa harapan ko.

"I'm not pregnant!" I lied.

"Ows?" Hinagis niya sa kumot ko ang tatlong Pregnancy Test. "Then try that."

"I said, I'm not! Nagkaperiod pa ako last week! Don't be crazy!" Umirap ako.

Napanguso siya, "Kung ganun bakit ganito ka?"

Heartless (Published under Sizzle and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon