Start

22 2 1
                                    

Start: Queens and the Kings

"Leche, ano bang problema niyo?" sigaw ko sa apat na baliw nang muntik na akong mahulog sa upuan nang dahil sa kalikutan nila.

"Sorry naman, Cj." sagot ni John.

Umusog ulit sila para maka-upo na ako pero imbis na umupo ulit ay naglakad ako patungo sa isa pang upuan. Sumunod sila sa akin.

"Ikaw kasi Tim, ang likot mo. Ayan tuloy muntik nang mahulog si Cj." Dinig kong bulong ni John.

Napabuntong hininga na lang ako sa kakulitan nila. Nandito kami ngayon sa School garden. Unang araw ng pasok namin. Pinanood ko na lang ang mga estudyanteng palakad lakad habang tuloy pa rin sa sisihan ang dalawa. Apat sila talaga pero yung dalawa pa, tahimik.

"Pwebe bang tumigil kayo?" Sigaw ko ulit na muntik na naman akong mahulog sa pagtutulakan nila.

"Hoy Cj, bakit lagi kang nakasigaw? Meron ka?" Naka-ngising tanong ni Paul. Natawa naman daw yung tatlong ugok kaya tiningnan ko sila ng masama pero hindi na lang ulit nagsalita.

"Silence means yes, diba?" tanong si John sa kanila.

"Oh yeah."

"So meron nga talaga si Cj." sabi niya bago sumabog sa kakatawa.

"Tim, John?" tawag ko sa kanila ng di sila tinitingnan.

"Bakit?" sabay pa nilang tanong.

"Fuck you, both." sabi ko bago tumakbo palayo sa kanila. Dinig ko pa ang mura ng dalawa at ang tawa ni Nerix.

Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa room. Tumutulo pa yung pawis ko sa noo at hinihingal pa. Kaagad akong nag-ayos ng sarili dahil alam kong sa loob ng silid na ito naroon ang iba ko pang kaibigan. Baka kasi mamaya asarin na naman nila ako tulad nang dati.

Saktong pagpasok ko ay ang pagtayo ng Queens, ang mga kaibigan kong magaganda at babaeng babae kung kumilos. Agad silang ngumiti sa akin at kumaway. Ganoon din ako sa kanila.

Maingay pa sa loob ng room dahil wala pa ang teacher kaya sinamantala ko iyong upang malapitan sila.

"Pawis na pawis ka, Cj? Anyare?" pabirong tanong ni Liz.

"Ah tumakbo kasi ako papunta dito kayo ganito." sabi ko sabay tawa ng pilit. Ang totoo kinakabahan ako dahil baka mamaya pagalitan nila ako.

"Bakit ka naman?" taas kilay na tanong ni Khim.

"Hehe. Tinakasan ko kasi yung apat na lalaki." sabi ko.

"Hay naku, hanggang ngayon pa naman one of the boys ka pa rin. Kaya walang naglalakas loob na manligaw sayo eh." sabi ni Khim kaya napatawa na lang ako.

Lumabas naman sila agad pagkatapos nila akong tanungin. Umupo na ako sa gusto kong upuan ng maya maya ay umupo ang isang babaeng sa tingin ko'y transferee. Ngumiti lang ako sa kanya atsaka na tumayo para lapitan si Angel na myembro din ng Queens.

"Gel, nag-update na ba?" panimulang tanong ko.

"Saan sa SL? Oo. Kagabi pa." sagot niya.

Kung mayroon kaming isang bagay na napagkakasunduan yun ay ang pagbabasa ng wattpad. Actually halos lahat naman ng Queens nagbabasa pero ito si Angel pareho kami ng favorite author.

"Oh ano kwento ko ba?" tanong niya sabay ngiti.

"Wag. Kinakabahan ako sa mga nangyayari eh."

Nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan hanggang sa biglang pumasok yung apat. Nagpaalam ako na ako kay Angel para malapitan ko yung apat.

"Hoy Cj!" sigaw ni Paul sabay palakpak.

"Napano kayo?" tanong ko kahit alam ko naman kung ano iyon.

"Huwag ka ng magmaang-maangan." Maktol na sabi ni John.

"Sus! Wala naman akong ginagawa sa inyo. Atsaka bakit ba hindi kayo lumapit dito."

"Psh. Napaka-bossy mo talaga." Reklamo ni Tim pero sumunod din. Napansin ko naman ang pagtataas ng kilay ni Adrian at ang pag nguso niya. Sinundan ko iyon at nakita kong ang tingin ni transferee sa'kin. Problema ng isang 'to? Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya kahit nasa akin naman talaga.

Ngumiti ako. "May problema ba, miss?" Umiling naman siya at ngumiti pero parang may kakaiba. Sa mga tingin niya pa lang, di ko na siya feel.

Pinalagpas ko na lang iyon dahil bumalik na ang Queens at dumating na rin ang aming guro para sa Academic Year na ito.

Tumahimik ang lahat ng magsalita siya. Hindi ko siya kilala. Mukhang bago siya. Nagpakilala siya sa amin at tama nga ang hula ko fresh graduate siya.

"Okay class, see you around. Bye." Paalam niya sa amin bago siya umalis.

"May lakad kayo mamaya?" Tanong ko kay Adrian. "Wala naman. Bakit?" Gusto ko sana silang papuntahin sa amin kaso baka naman bawal sila dahil first day kaya umiling na lang ako.

Nagpatuloy sila sa pag-iingay ng nilapitan ako ni Sandra. Yung transferee.

"Hi." Bati niya habang nakangiti. Tinaas ko lang ang kilay ko sa kanya, naghihintay ng susunod niyang sasabihin. "I'm Sandra--" I know. Nagpakilala ka kanina diba. "I want to be your friend." Dugtong niya.

Talaga lang, huh.

"And why do you want to be my friend?" I spat.

"I feel like we're  the same kasi." Sagot niya sabay tingin sa mga lalaki sa tabi ko. We're the same. Hindi ka nga maganda eh. Paano tayo magiging pareho?

Tinangnan ko naman yung mga boys atsaka nagtaas ng kilay. Napansin ko rin ang Queens sa likuran. Pare-pareho silang nakangisi. Liz mouthed 'bitch please' kaya napa-iling ako.

"Akala ko ba gawa sa putik ang tao, pero bakit ang dami pa ring plastic?" Parinig ni Karyll.

Napatingin naman sa gawi nila si Sandra na ngiting ngiti. Ngumiwi lang sila bago sabay sabay na tumawa.

Tumayo ako pero hindi na naglahad ng kamay. "Sure." Na lalong nagpalakas ng tawa ng Queens.

Ngumiti lang si Sandra sa akin bago lumapit kina Karyll.

"Hello gusto ko ding maging friends kayo." And I can almost see them roll their eyes at her.

"No way in hell. Let's go guys." Sabi ni Karyll bago tinalikuran si Sandra at naglakad patungo sa direksyon ko. Bineso niya ako bago bumulong ng "I can't believe you." Umiling lang ako atsaka ngumiti.

"Cj, punta kami sa inyo, please?" Parang batang sabi ni Tim.

"Sure. Kanina ko pa kayo gustong yayain." I said while smiling.

Sabay sabay silang nag-yes kaya napailing na lang ako. I love so much...

Umalis na rin ng room si Sandra ng hindi nagpapaalam. Nahiya na siguro kaya tumuloy na rin kami.

----------------
A/N: I hope it's not bad for a beginning. Hope you'll like it. Thank you much.

Love Is All That MattersWhere stories live. Discover now