Chapter 12

2 1 0
                                    

Chapter 12: Big B

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung sino ang may bigay ng sulat. Tapos na kaming mag-lunch at nandito kami ngayon sa tambayan namin. Nag-uusap sa tungkol sa isang bagay. Hindi ako makasunod dahil lumilipad pa rin ang isip ko. Sino kaya siya? May initials na nakalagay pero wala naman akong kilalang nag-uumpisa sa B ang pangalan.

Bumalik lamang ako realidad ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Tiningnan ko ito at nakitang unknown number ang tumatawag. Nagdadalawang isip pa kung sasagutin ko ba o hindi pero nang makita ko ang masasamang tingin na nagmumula sa mga kaibigan ay dali dali ako tumayo at lumayo sa kanila upang sagutin ang tawag.

"Hello?" Sabi ko habang kinakagat ang daliri ko. Sobrang tahimik sa kabilang limya kaya bigla akong natakot. Yaah! Sino naman kaya 'to?

"Hello?" -ako ulit.

Lumipas ang ilang segundo ay wala pa ring sumasagot. Tiningnan ko pa kung naputol na ba ang tawag pero hindi pa naman dahil kulay green pa rin ito...

"Ibababa ko na ito kung hindi ka magsasalita." Banta ko at doon ko narinig ang isang malalim na boses.

"Cj, i'll be waiting for you here in your house. Please come home early." Inis na sabi ng nasa kabilang.

Ang gwapo ng boses kahit parang may mali sa pagsasalita niya. Napaka-manly. I wonder kung anong itsura nito. Matangkad ba siya at maputi. Tapos gwapo ang mukha, walang kahit anong bakas ng tigyawat o wrinkles. Deep set of eyes. Perfect jaw at kissable lips. Yaah! Napaka-kagat ako lower lip dahil sa mga iniisip ko. Ang manyak ko na.

"Cj, are you still there?" Shit ang gwapo talaga. Gusto ko nang magtatalon dito sa sobrang kaba.

"Ah yeah. May I know the caller?" Tanong ko.

"I'm sorry. I need to end this now. Bye."

"Wait!" Pero huli na dahil naibaba na niya.

Yaah! Kinakabahan pa din ako pero may halo ng excitement. Kaya nung oras na nang uwian namin ay hindi na ako mapakali. Galaw ako ng galaw sa upuan kaya siguro napansin nila ako.

"Ayos ka lang ba?" Concern na tanong ni Khim..

Tumango lang ako at hindi na nag-abala pang magsalira dahil siguradong manginginig ang boses ko sa sobrang excite.

Nagsitayuan na silang lahat kaya ginaya ko sila. Binigyan naman nila ako ng super wierd na tingin.

"Bakit?" Kabadong tanong ko.

"Sigurado kang ayos ka lang?" -Si Adrian.

"Oo nga." Garalgal ang boses na sagot ko.

"Naku, hayaan niyo na lang si Cj. Excited lang siyang makita ang admirer niya." Sabat ni Angel.

Nagpaalam na silang umalis kaya ako na lang naiwan dito sa room. Ayos lang din dahil kailangan ko pang pumunta sa faculty upang magpasa ng report.

Habang naglalakad sa hallway ay nakita ko ang batang nag-bigay ng sulat sa akin kanina kaya tinawag ko siya.

"Bata!" Agad naman siyang lumingon at kaya kumaway ako sa kanya.

Nagtataka niya akong tiningnan pero ngumiti rin pagkatapos ng ilang sandali.

"Kayo po pala, Ate Cj." Nahihiyang sabi niya.

"Wala kang kasama?" Tanong ko kahit obvious naman na mag-isa lang siya.

Umiling lang siya. Napansin ko naman ang pamumula ng tenga niya hanggang sa may leeg.

"Ayos ka lang ba?"

Love Is All That MattersHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin