Chapter 14

3 0 0
                                    

Chapter 14: Friends

Tumahimik ako ng ma-realize ko na sumisigaw na pala ako. Agad kong naitakip ang kamay ko sa bibig ko. Umayos din ako ng upo.

"Sorry." Sabi ko habang naka-peace sign sa kanya.

Ngumiti lang siya at umiling.

"So mali ako?" Tanong niya.

"Ah oo?" Kabadong sagot ko. "Hindi kasi talaga ako tulad ng iniisip mo. Maingay ako kapag kasama ko yung mga kaibigan ko. Madalas akong makipag-habulan sa kanila. At puro sila lahat lalaki."

Ewan ko kung anong meron, pero ngayon pa lang ako nahiya ng bongga sa isang tao. Sa tanang buhay ko, never pa akong naging ganito katino kumausap ng mga taong kakikilala ko pa lang. Natatandaan ko pa nga dati nung Grade Nine ako, sinapak ko yung humawak sa bewang ko. Hindi talaga ako mabait sa iba. Sa mga kaibigan ko lang.

"One of the boys ka?" Natatawang tanong niya.

Tumango ako ng bahagya sa kanya.

"Well, okay lang naman basta hindi sila bad influence."

"Hoy, hindi ah." Depensa ko agad. "Protective pa nga sila sa akin. Hindi nila hinahayaan na masaktan ako. Lagi nila akong nilalayo sa peligro. Ayaw na ayaw nga nilang nakikita akong umiiyak. "

Nai-imagine ko na naman ang mukha ni Adrian kapag nalaman niyang sumama ako kay Blue.

Hindi na siya nagtanong pa ulit kaya nagpatuloy na ako sa pagkain. Lumipas ang kalahating oras ay tapos na kami pero hindi pa din kami umaalis. Agad kong kinuha ang bag kong nasa ilalim ng mesa ng maisip na hindi pa nga pala ako nagbayad.

"Magkano?" Tanong ko kay Blue na nagtataka namang nag-angat ng tingin.

"Ang alin?"

"Ano ba yan? Yung pagkain po." Parang batang sagot ko.

"Wag na. I already pay for it." Maangas na sabi niya.

Wow ha. Mayaman tong si Blue. Nang pumatak ang alas-siete ng gabi ay nagpasya na kaming umuwi. Nang nasa tapat na ako ng kotse niya ay dali dali niyang binuksan ang pinto at bahagya pang yumuko kaya natawa ako.

Umikot na siya papunta sa driver's seat ng tumatawa.

"Para kang tanga." Saad ko ng mapansing ngumingiti siyang mag-isa.

"Kapag ba ngumingiti, tanga na agad? Hindi ba pwedeng masaya lang?" Sagot niya na ikinataas ng kilay ko.

"Bakit ka naman masaya?" Tanong ko.

Kumindat lang siya sa akin at nagpatuloy na sa pagmamaneho. Isinandal ko na lang ang ulo ko sa salamin habang tinatanaw ang lahat ng bagay ng nadaanang bagay.

Ang tagal na pala. Ang tagal ko na palang naghihintay sa kanya. Ang tagal na simula nung huli ko siyang nakita. I can still remember what he had told me that day.

'Don't even dare to follow me. I want you out of my life.'

Those words felt like a knife that's being thrust in my heart again and again. Those were the words that I want to forget but I can't because it's like a movie that kept playing in my mind.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng bahay. Nagtataka akong nilingon siya pero ngumiti lang siya. Paano niya nalaman ang bahay namin?
Para namang nabasa niya ang nasa isip ko kaya agad siyang nagsalita.

"Kilala ko ang mommy mo. Kaya alam ko kung saan ang bahay niyo."

Bumaba na agad ko atsaka patakbong pumasok sa bahay. Napansin ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso. Hindi ko alam kung anong meron pero bigla na lang akong kinakabahan.

Nasa tapat na ako ng pinto ng maramdaman ko ang presensya niya. Hindi na ako nag-abala pang lumingon dahil alam kong si Blue ito. Hindi pa siya umaalis.

Pinagmasdan ko muna ang kabuuan ng pinto pati na rin ang bintanang malapit dito. Madilim at ang ibig sabihin nito ay patay ang ilaw. Lumunok muna ako at huminga nang malalim bago bumaling kay Blue.

"Aray." Reklamo ko ng tumama ang noo ko sa baba niya nang lumingon ako.

"Sorry." Sabi niya habang marahang hinahaplos ang parteng natamaan.

Nanatili kaming ganoon hanggang sa may narinig kaming kaluskos galing sa loob. Nagkatinginan kaming dalawa at bahagya akong umatras.

"May tao ba dito?" Tanong niya sa akin.

"Malay ko. Sabay kaya tayong dumating." Bara ko na ikinangiti niya.

Naglakad ako palapit sa pinto at doon ko naramdaman ang paghawak niya ng mahigpit sa kamay ko. Kakaibang kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko pero binalewala ko na lang muna ito.

Pinihit ko ng dahan dahan ang doorknob. Kasabay ng pagtapak ko sa loob ay siya ring pagbukas ng ilaw at sabay sabay na pagkanta nila ng...

"Happy birthday, Cj. Happy birthday, Cj." Paulit ulit nila itong kinanta habang nandito pa rin ako sa tapat ng pintuan. Hindi makapaniwala.

Gusto kong magtatalon sa sobrang saya pero bigla namang bumagsak ang mga luha ko. Kainis. Hindi ko alam kung paano ako magre-react kaya tumalikod na lang ako at niyakap si Blue habang pinapalo siya sa dibdib.

Tumawa lang siya at pilit akong pinaharap sa kanila.

"Happy birthday, Cj. We love you." Sigaw nilang lahat.

Nandito silang lahat. Yumuko lang ako at patuloy sa pag-iyak ng maramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Mama at paghalik niya sa pisngi ko.

"Happy birthday, anak. I love  you." Sabi niya.

Sumunod naman ang mga girls na patuloy sa paglalagay ng kung ano sa mukha ko.

"Hindi niyo sinabi sa akin." Angal ko.

"Surprise nga eh." Sagot ni Liz sabay irap.

"Happy birthday, Cj." Bati ni Sandra kaya napatingin ako sa direksyon niya.

"Thank you." Sagot ko sabay ngiti.

At ang huli ay mga boys na may dala sa cake.

"Make your wish, Cj. Then blow the candle." Naka-ngiting sabi ni Adrian na sinunod ko.

Niyakap nila ako isa isa habang walang tigil sila sa kakasabi ng happy birthday. Nang si John na ay tiningnan ko muna siya ng masama.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin. Hindi ko naman sasabihin sa kanila na alam ko." Angal ko at niyakap siya.

"Sorry na. Kanina lang din nila sinabi sa akin." Sabi niya.

Pagkatapos ng batian portion ay sabay sabay kaming kumain. Busog ako pero hindi ko pwedeng tangihan 'to. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain at katahimikan ng biglang magsalita si Adrian.

"Ipakilala mo naman kami sa bago mong kaibigan, Cj." Sabi niya na sinang-ayunan ng lahat. Natatawa pa si Mama ng tumingin siya sa akin kaya nag-taas ako ng kilay.

Binitawan ko ang tinidor na hawak ko ay bumaling kay Blue na seryosong nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya kaya medyo umingay ulit.

"Siya ba yung nagpadala ng sulat?" Tanong  ni Liz.

Humarap ulit ako sa kanila sabay sabing...

"Blue this is my friends." Panimula ko. " Guys, this is Blue Martinez, my new friend."

Love Is All That MattersWhere stories live. Discover now