Chapter 2

6 1 0
                                    

Chapter 2: Transferee

Tuesday ng umaga at pangalawang araw ko ngayon sa Grade 10. At heto na naman po ako nakaupo sa bench kasama ang mga boys. Ang ingay nila pero gayunpaman hindi ko alintana iyon dahil lumilipad ang utak ko. Lumilipad? Cj, saan mo naman napulot iyon? Atsaka wala namang pakpak ang utak diba, kaya imahinasyon ko lang yung paglipad niya.

Naiisip ko yung lalaki kagabi sa group. Sana naman inaccept na niya ako. Hindi na ako makapag-hintay. Iniisip ko pa lang yung picture niya kinikilig na ako. Paano na lang kung makita ko siya sa personal at marinig ko yung boses. Siguro mahihimatay ako kung sakali. Pero ano ba, Cj? Napaka-assuming mo naman. Ni hindi ka nga kilala ng tao eh. Pero hindi mo rin naman siya kilala. Baliw na yata ako? Ba't ko ba kinakausap ang sarili.

Natigil ang pagde-day dream ko ng maramdaman ko ang daliri ni John sa pisngi ko. "Nanaginip ba'to ng gising? Bakit siya nakangiting mag-isa?" Sabi niya kaya binalingan ko siya at hinampas ang kamay niya.

"Heh! Masama bang ngumiti?"

"Hehe! Chill. Nagtatanong lang naman ako." Sagot niya sabay pout.

Magsasalita sana ulit ako ng biglang may sumulpot na babae sa harap namin. Si Sandra. Ngiting ngiti ang bruha. Napano ka? Nanalo sa lotto?

"Good morning, guys! Good morning, Cj." Bati niya with feelings pa kasabay ng pagsayaw ng kamay niya.

Ngumiti lang ako at hindi na nagsalita. Tiningnan ko naman yung apat at nakitang nagpipigil sila ng tawa kaya tinaasan ko ng kilay. Sabay sabay naman silang umiling. Mga loko, ayusin niyo.

Binaba na ni Sandra ang kamay niya at nakipag-siksikan pa sa upuan namin. Pero mukhang ayaw siya paupuin ng dalawa dahil iniipit nila ito.

"Wag mo ipagsiksikan ang sarili mo kung alam mo ng hindi ka kasya. Marami pa namang iba dyan. Yung maluwang at wala kang kahati." Parinig ni Paul kaya napatingin kami sa kanya.

Naglaho naman ang ngiti sa labi ni Sandra at mataman siyang tinitigan.

"Hugot ba 'yon, tol?" Inosenteng tanong ni Tim.

"Oo. Totoo naman diba bakit kailangan mong ipagsiksikan ang sarili mo lung ayaw na niya sayo." Makahulugang sabi ni Paul.

Yung totoo? Baka naman may pinapataaman ka. Nilingon ko ulit si Sandra ng magsalita siya.

"Huh? Sino naman? Naku, kung sino man yang bumasag sa puso napaka-walang kwenta naman niya." Pakiki-simpatya niya.

Muntik na akong sumabog sa kakatawa dito kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Buhay nga naman.

"Eh kung yang mukha mo kaya ang binasag ko?" Bulong  ni Paul na ikinalaki ng mata ko. Pinisil ko naman ang kamay niya para tumigil na siya pero tumayo naman siya bigla. "Ano dating gawi?" Tanong niya.

"Game." Sabay sabay naming sabi atsaka na tumakbo palayo.

Hingal na hingal kami ng makarating sa harap ng room. At as usual nandito na ang Queens.

"Hoy, Cj!" Tawag sa'kin ni Nicole kaya nilapitan ko sila. "Bakit?"

"Nasaan na si Sandra? Diba pinuntahan ka niya?" Tanong niya.

"Oo. Ayun nandoon pa rin sa may garden. Iniwan namin." Sabi ko.

"Iniwan?" Si Khim.

"Hindi pero parang ganun na rin. Niyaya kasi akong tumakbo nina Tol kaya iniwan na namin." Paliwanag ko.

Nagtanong pa sila kung ano yung  sinabi niya sa amin kaya kumuha muna ako ng isang bakanteng upuan  para maka-upo naman. Mukhang lahat sila interesado sa kwento ko kasi pati yung dalawang girls sa likod nakinig na rin. Ikinuwento ko sa ka kanila lahat pati ang bigla niyang pagsulpot sa harap naming lahat. Binalaan pa nila ako tungkol sa kanya.

"Mag-ingat ka. Hindi maganda pakiramdam ko dyan sa babaeng yan."

"Oo nga. Basta kapag may kakaiba kang nararamdaman sabihin mo sa amin, ha?" Pahabol ni Liz laya tumango na lang ako at inayos yung upuang ginamit ko atsaka na pumunta sa totoong lugar ko.

Hindi rin nagtagal pumasok si Sandra suot ang ngiti niyang kakaiba. Shit! Sumunod naman ang teacher namin kaya dali dali siyang nagtungo sa upuan niya. Sa harap ko.

"Okay, class. Today we are going to have our election for the officers of this Academic Year 2016-2017." Panimula ng aming guro. Heto na ang pinakahihintay ng mga kaklase ko.

"Okay, so let's start. The nomination for this year's class president is now open." Anunsiyo niya at agad may nagtaas ng kamay. Si Jolo, kaklase ko. Obvious ba?

"I nominate Mr. Angelo Dayrit for president." Sabi niya na ikinabigla naman ni Gelo.

Agad namang isinulat ang kanyang pangalan.

"Any other hand, please." Taas naman ng kamay si Khim.

"Miss, I nominate Ms. Cj Mercado." Sabi niya kaya tiningnan ko siya ng masama pero tumawa lang siya. Kaasar. Ayaw ko pa naman. Nagtanong pa ang guro namin lung sino pa ang gustong humabol pero wala ng nagtaas pa. Agad namang sinarado ang botohan.

"I second the motion." Kaya binilang na ang mga panig sa aming dalawa. Nakakuha ng 11 na boto si Gelo. Pero the hell, 27 kami at labing anim pa ang natitira. Di bale. Meron namang hindi boboto dyan. Nang magtaas ng kamay ang mga kaklase ko ay agad ko itong binilang. Seven lang sila. Pero hindi pa bumuboto ang Kings pati na rin ang anim na Queen. Sana wag silang magtaas.

Binilang na ng teacher ko at patapos na siya ng biglang humabol ang Kings.

"Okay, Ms. Celestine Jyla Mercado is our president for this year." Announce niya at nagpalakpakan naman ang mga tukmol.

Nagpatuloy kami sa botohan. Nanalo pa si Adrian na Vice. Si Sandra naman Secretary. At si Liz ay Treasurer.

Nang matapos ang botohan ay nagbigay ng rules and regulation ang aming guro. At isa doon ang pagsasalita ng pure English during class hours niya. Nagpaalam din naman siya pagkatapos.

"Khim naman. Bakit mo ako binoto?" Madramang pahayag ko.

"Luhhh! Ang OA mo. Kaya mo yan." Pagchi-cheer niya.

"Oo nga kaya mo yan." Biglang singit ni Sandra. Napawi naman agad ang ngiti ng Queens ng marinig siyang magsalita. Lumapit na din ang mga boys sa amin.

"May problema ba mga, tol?" Tanong ni Adrian sabay akbay sa akin. Kitang kita ko ang paglalakbay ng tingin ni Sandra sa braso ni Adrian at ang hilaw niyang ngiti.

"Wala naman."

"Oo. Meron." Magkasabay na sagot ni Sandra at Khim kaya umirap si Cherry.

"Meron. Meron kaming problema dito. At siya iyon. Yung babaeng feeling close na parang kabute." Sagot ni Karyll. "Cj, alis na kami, ha. Pero bago yun, mag-ingat ka sa mga taong lumalapit sayo. Lalo na yung mga taong ngayon mo lang nakilala pero kung makaasta akala mo kung sino."

Bineso at niyakap muna nila ako pati na rin ang Kings bago sila umalis. Naiwan naman kami dito kasama si Sandra na mukhang sasabog na.

"May problema ba sila akin?" Galit na tanong niya.

Nagkatinginan lang kami ng mga boys. What the hell is wrong with this transferee?

Love Is All That MattersWhere stories live. Discover now