Chapter 13

2 1 0
                                    

Chapter 13: Stalker

Tahimik lang ako habang nasa byahe patungo sa bahay namin. At sa tuwing naaalala ko yung mga sinabi niya ay grabeng hiya ang gumagapang sa sistema ko.

Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pang-iistalk ko pero ...

Nagsimula yan nung in-accept niya ako sa Facebook.

Blue Martinez.

Type ko sa search box.

Andaming lumalabas na ibang litrato kaya kailangan ko munang pasadahan ng tingin ang lahat. Clinick ko ang profile niya at tadah. Isang napaka-gwapong nilalang ang sumalubong sa akin. Hindi ko ine-expect na ganito siya. Sa simpleng puting t-shirt, itim na pants at topsider ay masasabi mong napakatikas niya..

Tumagal ako ng halos isang oras sa profile. Tumigil lamang ako ng may kumatok kaya agad kong sinarado ang laptop ko.

"Cj, kakain na. Bumaba kana dyan." Sabi ni Mama ng buksan ko ang pinto.

Tumango lamang ako at agad na inayos ang kwarto at pati na rin ang sarili ko. Hanggang sa hapag ay hindi siya matanggal sa isip ko.

Simula noong araw na iyonay lagi ko binibisita ang profile niya at lagi kong nila-like o kaya pinupusuan ang mga pictures niya.

Araw araw ganoon ang ginagawa ko. Hind ko siya kailanman minessage.

Bumalik ako sa sarili ko ng maramdaman ko ang isang mainit na kamay sa leeg ko. Agad akong napalayo kay Blue dahil sa kuryenteng naramdaman ko sa boung katawan ko. Binigyan niya lang ako ng isang napaka-wirdong tingin bago sumilay ang isang nakakalokong ngisi sa mga labi niya.

"Bakit?" Naiilang na tanong ko.

Tumawa muna siya bago bumaba ng kotse at umikot papunta sa side ko para pagbuksan ako ng pinto. Hindi ko napansin na nakatigil pala kami sa harap ng isang restaurant.

"Teka, anong ginagawa natin dito?" Tanong ko kaya napatigil siya sa paglalakad.

"Ano bang ginagawa kapag nasa restaurant?" Tanong niya rin sa akin.

"Kumakain." Nahihiyang sagot ko.

My face turned red when I heard him laugh. Damn it, Cj, ilang katangahan pa ba ang gagawin mo sa natitirang oras ng araw na ito?

"Let's go." Yaya niya pero nanatili lamang akong nakatayo sa pwesto. Nag-umpisa na siyang maglakad pero natigilan din nang maramdaman niyang hindi ako gumalaw mula sa kinatatayuan ko.

"Ayaw mo bang kumain?" Tanong niya.

Gusto. Kanina pa nga ako gutom pero hindi ako pwedeng sumama sa kanya.

"Hindi pwede." Naiiling na sagot ko.

"Bakit naman?" Takang tanong niya.

Oo nga naman. Bakit naman hindi ako pwedeng sumabay sa kanya? Kakain lang naman kami. Wala naman siguro siyang planong masama sa akin.

Nag-iisip ako ng pwedeng idahilan sa kanya nang maramdaman ko ang kamay niya na hinawakan ang kamay ko. Agad akong napahakbang palayo sa kanya dahil sa kuryenteng naramdaman ko.

Wala akong nagawa ng hilain niya ako sa papunta sa loob ng restaurant.

"Good morning, Sir Blue." Maligayang bati ng mga staff. Kilala siya dito. Napatingin naman ako sa mga babaeng staff na bumati sa kanya. Lahat sila nakangiti ng sobrang tamis kay Blue. Unti unti namang naglaho ang mga ngiting yon nang sinundan nila ng tingin ang kamay ni Blue nakahawak sa kamay.

"Good morning." Bati ni Blue sa kanila dahilan para maalis ang tingin nila sa akin at bumalik ang atensyon nila kay Blue. Mga higad!

Hinila ako ni Blue papunta sa isang two seater na table. Binigyan nila si Blue nang menu. Oo. Siya lang ang binigyan. Ano ba namang resto 'to. Tiningnan ko lang si Blue habang busy siya pagpili ng makakain.

Nang matapos siyang pumili ay agad kong tinanggal ang mga tingin ko sa kanya. Inilibot ko ang mga mata ko sa buong resto. Ngayon ko lang napansin kung gaano ka-girly ito. Paano ko nasabi? Kulay pink ang mga pintura, madaming balloons ang lumilipad. At may hugot board? Wow! Gusto ko nan ganoon sa kwarto ko pero ayaw ipalagay ni Mama.

Narinig kong tumikhim ang nilalang nasa harapan ko kaya binalik ko ang tingin ko sa kanya. Bigla naman akong na-concious nang tiningnan niya ako ng deretso sa mata.

Naramdaman ko ang biglang pag-init ng pisngi ko kaya napa-paypay ako ng di oras. Natawa naman siya pero hindi ko pa rin napansin. Inilibot ko ulit ang tinginat nahagip nun ang mga mala-lawing mata ng mga waitress. Agad akong umupo ng tuwid at tinaasan sila ng kilay. Ano? Mamatay kayo sa inggit. Inismiran ko muna sila bago ibinalik ang tingin ko kay Blue.

"Are you really like that?" Natatawang tanong niya.

"What?"

"Mahiyain at mahinhin?" Sagot niya na muntik ko nang ikahilog sa upuan. Nak nang! Kailan pa ako naging mahinhin? Siguro yung mahiyain pwede pa. Pero yung mahinhin? Na-uh. Iiling iling ako habang ikinikimpas ang dalawang daliri ko sa ere.

"Tol, nagbibiro ka ba? Ako mahinhin?" Tanong ko habang nakaturo pa sa sarili ko. Mukha namang nagulat siya biglang pagbabago ng ayos ko. Hindi niya sinagot ang tanong ko pero hindi ako tumigil sa kaka-bulong ng mga walang kwentang bagay. Tahimik lang siyang naka-masid hanggang sa dumating ang order niya. Nilagay ng waiter ang isang pinggan sa harap ko. Wow! Pinag-order niya ako.

"Let's eat?" Yaya niya. Mag-uumipsa na sana akong kumain ng may biglang pumasok sa isip ko.

"YAH!" Sigaw ko kaya gulat siyang napatingin sa akin.

"May problema ba?" Kunot noong tanong niya.

"Wala naman. May tanong lang ako." Naka-ngiting pahayag ko. Binitawan niya ang hawak niyang kutsara at tinidor.

"Ano yun?"

Yumuko muna ako bago nagsalita. "Ah bakit mo nga pala ako sinundo? Atsaka ikaw ba yung tumawag at nagbigay ng sulat sa akin? Paano mo ako nakilala? Alam mo ba yung pangalan ko? Kaibigan ka ba nh mga kaibigan ko? O anak ka nang kaibigan ni Mama? At libre mo ba itong mga ito? Mabait ka naman diba? Iuuwi mo pa ako sa amin?" Sunod-sunod na tanong ko. Siya naman nakatingin lang sa akin na para bang isa akong laruan at intersado siya sa akin.

Inangat ko ang tingin ko habang nanlalaki ang mata.

"Hindi naman kaya..." mabagal na saad ko. Napa-taas naman ang kilay niya na pa bang naghihintay sa susunod konh sasabihin. "...stalker kita?!" Napa-tayo pa ako habang nakaturo ang hintuturo ko sa kanya.

And with that he burst out laughing...











Love Is All That MattersWhere stories live. Discover now