Chapter 15

5 1 0
                                    

Chapter 15: Secrets

Pagkatapos ng kainan at masayang kwentuhan ay nagpasya na silang umuwi. Isa-isa silang lumapit kay Mama para magpaalam at magbeso na rin. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo ng nagtungo na sila sa akin.

"Happy birthday ulit, Cj." Si Adrian habang pina-pat ang ulo ko. Ganoon din ang ginawa ng iba.

Nasa likod ko si Blue at tahimik lang na nakamasid sa amin. Nang magtama ang paningin namin ay ngumiti ako sa kanya na sinuklian din naman niya.

Habang naglalakad kami palabas ng gate ay nauuna sila at nasa huli kami nina Sandra at Blue. Tahimik naglalakad hanggang sa bigla akong tinawag ni Sandra. Humarap naman ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko.

Ngumiti muna siya bago nagsalita.

"Sorry sa mga nangyari. Hindi ko alam na ganun pala yung nararamdaman mo." Naka-yukong pahayag niya.

"Okay lang yun. May kasalanan din naman ako. Masyado akong naging selfish sa takot na iwan nila ako." Sabi ko sa kanya kaya napa-angat siya ng tingin.

Napa-ngiti ako ng maramdaman ko ang pag-tigil nilang lahat sa paglalakad. Bumaling ako sa kanila ng may mayabang na ekspresyon.

"May problema ba?" Maangas na tanong ko.

Sabay sabay silang umiling pero hindi pa rin sila gumalaw. Bumalik lang atensyon ko kay Sandra ng magsalita siya.

"Okay na ba tayo?" Nag-aalangang tanong niya.

"Yup." Masayang tugon na ikasaya nilang lahat.

Hinatid ko sila hanggang sa may gate ng bahay namin. Inaaya naman silang sumakay ni Blue sa kotse niya pero walang gustong sumabay. Gusto nilang mag-lakad sa dilim kaya in the end ay napasama na rin sa kanila si Blue. Iniwan na lang muna niya ang kotse niya dito sa amin. Naka-ngiti ako habang pinagmamasdan silang unti-unting lumalayo.

"Thank you so much." Mahinang bulong ko. Nanatili akong nakatayo doon hanggang sa tinawag na ako ni Mama.

"Ang saya ko, Ma." Sabi ko sa kanya.

"I know. You're very lucky to have them." Sabi niya at inaya niya na akong pumasok sa loob.

Nasa ikalawang baitang na ng hagdan ng tawagin niya ulit ako.

"Cj, dito muna." Sabi niya habang naka-ngiti ng malapad.

Nang makalapit na ako sa kanya niyakap niya ako ng mahigpit.

"Happy birthday. Ang laki muna. Dati sa tuwing birthday gusto mo lagi ng party. Pero mukhang nakalimutan mo yata ngayon eh." Bulong niya kaya natawa ako. May kinuha naman siya sa table na malapit at iniabot ito sa akin.

Pinagmasdan ko muna ng ilang sandali yung box bago ako nagtatalon sa tuwa at niyakap siya.

"Thank you, Ma. I love na talaga." Sabi ko habang tinitingnan anh nasa loob ng box.

"You're always welcome, baby. Alam ko kasing matagal mo nang gusto yan." Sabi niya. Gulat naman akong napatingin sa kanya.

"Nakita ko kasi yung nakasulat sa likod ng notebook mo. Kaya naisip ko na ganyan na lang ang iregalo sayo." Sagot niya ng naka-peace sign. "Kapag may gusto ka, sabihin mo agad. Hindi mo na kailangan pang mag-ipon o magtipid. Lahat na gusto mo ibibigay ko kapag nai-promise mo na hindi ka na gaanong magpapagod at iiwas ka na sa lahat ng nakakasama sayo."

Natapos ang gabing yun nang may ngiti sa mga labi.

Akala ko wala ng makakasira ng sayang yun pero pagsapit ng umaga ay kakaibang ingay ulit ang narinig ko.

Tumayo ako at agad na lumapit sa pinto. Idinikit ko ang tenga ko para marinig ko ng maayos ang mga sinasabi nila.

"Manang, hindi dapat ito malaman ni Cj. Ayokong mawala sa akin ang anak ko." Si Mama.

"Anong plano mo ngayon?"

"Hanggat maaari ay ayoko makarating kay Cj 'to. Ilalayo ko siya dito bago pa niya malaman."

"Anong ibig mong sabihin? Itatakas mo si Cj? May karapatang siyang malaman at makita ang tungkol sa kanya. Hindi mo siya pwedeng itago." Nag-aalalang sagot ni Manang.

Hindi ko alam kung anong meron sa akin pero bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko may hindi tama dito. May hindi sila sinasabi sa akin. At bakit naman ako ilalayo ni Mama dito? At sino ba ang tinutukoy nila?

Nanatili akong nakatayo sa likod ng pinto hanggang sa nagpasya na akong maligo.

Pati sa pagligo hindi mawala sa isip ko. Kaya pagbaba ko ay agad kong hinanap si Mama pero wala siya sa loob ng bahay. Bumalik ulit ako sa kusina at nakita si Manang na busy sa paghahanda ng almusal.

"Good morning, Cj. Bilisan mo at kumain ka na dyan, baka mahuli ka pa." Anyaya niya.

Naka-ngiti siya sa akin pero parang may kakaiba sa ngiti niya. Tinitigan ko siya gamit ang nagtatanong na mga mata. Kitang kita ko ang paglalaho ng ngiting yun at ang biglang pagputla ng mukha niya.

"Ayos lang po ba kayo?" Tanong ko at akmang lalapit sa kanya pero agad niyang itinaas ang kamay na tila ba pinipigilan ako sa paglapit.

"Oo naman. Kumain ka na at ako'y aakyat muna sa kwarto ko." Paalam niya.

Mabilisang pagkain lang ang ginawa ko. Nang papalabas na ako sa gate ay nakita ko si Mama na parang may sinisilip kaya nilapitan ko siya ng dahan dahan. Hindi muna agad ako nagsalita at tiningnan din kung ano ang tinatanaw niya. Nang wala naman akong nakita ay saka ako nagsalita.

"Ma, anong tinitingnan mo dyan?" Tanong ko na nakapag-patalon sa kanya.

"Ano ka ba naman. Nagulat ako sayo. Tinitingnan ko lang kung nandyan pa yung sasakyan ni Blue. Diba hindi niya inuwi kagabi baka kasi mawala." Paliwanag niya pero bakit ganon? Parang hindi ako naniniwala.

Tumayo ako sa mismong kinatatayuan niya kanina at tiningnan kung ano talaga ang meron pero bago pa ako makatingin ay agad niyang hinila ang kamay ko palayo doon.

"Hindi ka pa ba aalis? Walang maghahatid sayo ngayon. Baka ma-late ka?"

Tumingin lang ako sa kanya. Kung anong ginawa ko kay Manang kanina ay ganoon din ang ginawa ko sa kanya.

Tiningnan ko muna siya ng diretso sa mata bago ngumiti at tumalikod na.

Kung ano man ang mga sikretong yan ay malalaman ko din. Just wait. Kung hindi niyo masabi sa akin, ako na mismo ang gagawa ng paraan para malaman kung ano ang totoo.
I'm sorry but I have to do this.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 12, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Is All That MattersWhere stories live. Discover now