Chapter 6

4 1 0
                                    

Chapter 6: Crazy

Pangalawang subject namin ng pumasok sina Adrian at Sandra. Walang nagsalita sa amin ng dumating silang dalawa. Tahimik. Sobrang tahimik kaya umubo ako ng peke.

"Mr. Adrian Pineda and Ms. Sandra Sandoval, where have you been?" Istriktang tanong ng terror teacher namin sa Science.

"Sorry po, Ma'am. Galing po kaming clinic dahil nahilo si Sandra." Paliwanag ni Adrian. At talagang sinamahan niya pa. Ewan ko sayo.

"Sige. Umupo na kayo. Sa susunod na mangyari ito ay kailangan niyo ng kumuha ng permit."

Naglakad na sila pareho papunta sa mga upuan nila. Si Sandra sa harapan ko at si Adrian naman sa tabi ni Tim. Okay yan. Mas maganda yung malayo siya sa akin. Bigla naman akong hinawakan ni Tim sa kamay kaya nilingon ko siya.

"Tuloy ba tayo mamaya?" Tanong niya.

Tumingin muna ako sa direksyon ni Adrian at nakitang nakatingin din siya sa akin. Hindi. Hindi sa akin. Sa kamay namin ni Tim. Lalo ko namang hinigpitan yung pagkakahawak ko dun.

Bumaling ulit ako kay Tim bago sinabing, "Oo. Pero bawal ang magsama ng iba." Atsaka ngumiti.

Tumahimik ulit kami at nakinig na lang sa guro. Mabuti na lang may nag-excuse sa kanya dahil paniguradong matatagalan iyon. Bigla namang tumawa ang Queens ng may binulong sa kanila si Tim. Kasama nga pala sila mamaya.

"Cj naman, ang higpit mo. Paano nalang yung mga friends mo." Sabi ni Cherry habang dinidiinan at salitang friends.

"Tayo lang naman ang kaibigan ni Cj, diba?" Si John.

"Oo nga pala. Anong plano?" Excited na tanong ni Liz.

"Tanungin niyo si Adrian." Sabi ko kaya tumingin silang lahat kay Adrian. Mukha namang nagulat ang isa. Tingnan natin kung anong inihanda niya. Tumingin siya sa akin kaya ngumiti ako. Ng peke.

Nakatingin lang kami sa kanya ng mahigit sampung segundo. Hindi siya nagsasalita. Yung mukha niya hindi na maipinta. Sabi ko na. Nakalimutan niya.

"Wala kang plano?" Mahinahong tanong ko.

"Cj naman."

"Anong Cj naman? Wala kang plano? Sinabi ko na sayo last week yan."

"Oo nga, pero alam mo namang busy ako diba?"

"Busy ka. May plano ka o wala?" Mariin kong tanong.

"Sorry na kasi." Frustrated niyang sabi.

"Hindi ko kailangan ng sorry mo. Tinatanong ko kung may plano ka."

"Wala." Marahan nitang sagot.

Ok. Wala. Wala siyang plano. E di dito na lang kami. Hindi na kami aalis. Kainis.

Inilipat ko naman ang tingin ko sa mga kasama namin. Pare pareho silang nakatingin sa akin. "Ano?" Tanong ko.

"Aalis pa ba tayo?" Tanong ni Liz.

"Ewan ko sa inyo. Ano bang gusto niyo?"

Nagkatinginan naman sila. Naguguluhan din sila. Kasalanan nitong si Adrian. Kung sanang hindi siya laging nakadikit kay Sandra ay nakapag-plano sana kami. Tahimik na lang kaming lahat ng biglang nagsalita si Sandra.

"May naisip ako. Tutal mukhang hindi na din naman tuloy ang lakad niyo. Bakit hindi na lang kayo pumunta sa amin." Excited na pahayag niya kaya napatingin kami sa kanya. Si Adrian naman mukhang nagulat sa sinabi niya.

Nagtinginan ulit kami at sabay sabay na tumawa.

"Sorry pero kasama ka ba? And as far as I remember hindi ka isa sa amin." Maarteng pahayag ni Liz atsaka tumawa. Agad naman siyang binalingan ni Adrian at tinapunan ng masamang tingin.

"Please." Mariin niyang sabi.

"What? It's true naman diba? She doesn't belong to us. She's not even qualified. Duh."

"How can you say that she's not qualified?" Taas kilay na tanong ni Adrian. Umayos ako ng upo at tumikhin. Ako na ang sasagot.

"You want me to list them down?" Nang-uuyam kong tanong.

Hindi sila nagsalita kaya nagpatuloy ako.

"Okay. First, she's annoying. She doesn't even know to respect other's opinion. She' s always butting in whenever we are talking. Second, she's maarte. She's a war freak and you know how much we hate fight. She acts like we are real close even though we're not." Sabi ko. "And last, she's a total flirt. "

Napatayo naman si Adrian dahil sa huling sinabi ko.

"What did you say?" Mariin niya sabi. Galit na siya. Nakakuyom na rin ang kamao niya. At papatalo ba ako? Syempre hindi kaya tumayo din ako at hinarap. Tiningnan ko siya ng diretso sa mata. Agad naman akong hinahawakan sa braso nina Tim at John. Ngumiti lang ako sa kanila kaya agad nilang inalis iyon.

"She's a total flirt. Not just flirt, but a slut." Nakangiti pero sarkastikong sabi ko.

"What the hell is your problem? Bakit ba ang init ng dugo niyo sa kanya. Wala naman siyang ginagawang masama sa inyo. Pwede bang iba na lang ang awayin niyo. Wag siya." Sigaw niya sa akin kaya nagulat ako. Ito ang unang pagkakataon na sinigawan niya ako. Heto naba yun? Narinig ko naman ang hikbi ni Sandra sa gilid.

"Wala siyang ginagawang masama? Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita ang ginagawa niya?" Sarkastikong tanong ko.

Heto na ba yun? Mawawala na ba siya akin? Iiwan naman ba niya ako? Ang sakit. Parang hindi matatangap ng sistema ko yun. Yung ilang taong pinagpaguran ko matatapos na. Yung pinahalagahan ko ng husto nawawala na. Hindi ko kaya. Ayoko na ulit maulit yung dati.

"Pwede ba, Cj, itigil mo ang pagiging selfish mo. Walang ginagawang masama si Sandra sa inyo. Bago siya dito at kailangan niya ng kaibigan. Diba sabi mo pwede kayong maging magkaibigan. Asan na yun? Bakit ganito ang nangyari." Angal niya.

Pumikit muna ako ng ilang sandali at pilit pinakalma ang utak ko.

"Ayoko sa kanya." Pinal ko nang sabi. Ramdam ko amg pamumuo ng luha ko kaya umiling ako.

"Celestine, are you out of your mind? You're crazy." Sabi niya kaya nagmulat na ako ng mata. Nakatingin silang lahat sa akin. Gamit ang malungkot na mata. Umiling ako habang pinapalis ang ang mga luhang kumawala na sa mga mata ko.

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. "Crazy? Ako pa ang baliw, huh?"

Malungkot ko siyang nginitian habang patuloy pa rin sa pagpunas ng mga luha ko.

"Yeah, sana nga nababaliw na lang ako. Para kahit anong sabihin mo tatawanan ko na lang. Para kahit anong prolema yung dumating kaya kong hindi pansinin. Pero hindi. Hindi ako baliw. Nasasaktan ako, Adrian. Natatakot ako na dumating yung araw na mawala kayo sa akin. Naiintidihan mo ba ako? Takot ako. Takot akong maiwan ulit. Takot akong maging mag-isa na naman. Pero mukhang malapit nang mangyari yun dahil unti unti ka nang nawawala. Nakakalimutan mo na ako. Masasayang na naman lahat ng ginawa ko. Masasayang na naman lahat ng yun. Maaagaw kana naman ng iba sakin." Sabi ko habang tumatawa pero patuloy pa rin ang agos ng mga luha ko.

Nanatili silang tahimik. Agad naman akong kumapit kay Tim ng maramdaman ko ang pininikip ng dibdib ko. Unti unting nanginig ang tuhod at parang naging isang papel na lang ako dahil sa sobrang gaan ng katawan ko.

Nakita ko pa ang pagpapanic nila bago ako tuluyang lamunin ng dilim.




Love Is All That MattersWhere stories live. Discover now