Chapter 44 - Perfect Man for You

8K 182 43
                                    

Author's Note: 

Hi guys! Sorry kung masyado akong matagal mag-update ngayon at sa mga susunod pang mga araw. May pasok na kasi ako bukas, at kailangan ko talagang mag-focus sa studies ko. Tatlo na kasi ang Math ko kaya kailangan kong unahin ang mga priorities ko. Hindi ko naman aabandunahin tong story ko. Tatambay pa rin naman ako sa wattpad. Yun nga lang, baka hindi na mabilis ang update. Babawi na lang ako sa Christmas break. Hoho.

May isa-suggest nga pala akong story sa inyo. Love Squared ang title. JulQuen and KathNiel fan fic po siya. Click the external link to view the story :-) 

Tsaka basahin niyo din yung pinaka-una kong story dito sa wattpad. Bizarre Love Square. On-Hold siya pero babalikan ko yan after iarwmip. Tsaka yung one shot ko. My Valentine. Though hindi pa naman Valentines. lol pero sana mabasa niyo. Salamat :D 

THIS IS JUST SHORT. 

---

"Hmmp." Naalimpungatan si Julia nang makarinig ng ingay mula sa labas ng kwarto niya. Sigurado siyang may dalawang tao ang maingay na nag-uusap sa labas. 

"Anak, tell your girlfriend to come here para magkakilala naman kami. I will prepare dinner tonight. Okay ba?"

"Sasabihin ko sa kanya. Itetext na lang kita."

"Wag mo na akong itext, dapat pumunta na agad kayo dito mamaya. Maghahanda ako."

"Ma naman e! May klase pa siya mamaya. Wag kang atat makilala si Dae. Magkikita din kayo."

"But I want to see my future daughter-in-law, and we'll talk about how many apo you both will give me. That would be so cute!"

"Apo agad, ma? Mag-aaral muna kami ni Dae."

"No. Just tell her tonight."

"Ang kulit mo ma! Maliligo na nga ako."

"Oo nga, anak! At nangangamoy ka na. Daanan mo si Julia sa kwarto. Baka tulog pa yon."

"Okay ma."

**

Sheet. 

O//////////O

"Hoy! Gising! Gising!!" Mabilis na tumayo si Julia at inalog ng inalog si Quen na mahimbing na natutulog sa kama. Hindi sila maaring makita ni Katsumi nang magkasama. Siguradong sasabunin na naman silang dalawa ng pinsan niya. Patay siya don! 

"Natutulog pa ako." At umikot ito patalikod kay Julia upang ipagpatuloy ang tulog.

"Gigising ka ba? Oh gusto mong sapakin kita?!" She threatened him. 

Bigla namang napatayo si Quen sa kama dahil sa pagbabanta ng girlfriend niya. Ibang klase talaga tong babaeng to! Nagtataka nga siya kung paano niya ito minahal. Haaay. 

"Bakit ba, Montage?" Naiinis na sabi nito habang kinusot ang mata. Inaantok pa siya. Late na rin naman kasi sila natulog kagabi dahil sa panunuod ng horror movies e. 

In a Relationship with Mr. Ice PrinceTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang