Chapter 24 - Gusto ko pa maging tatay!

11.8K 184 64
                                    

Dedicated to: JazmineDelosangeles

---

Enrique's POV 

Eto na nga, sinamahan ko si Coleen sa mall. Bibili lang daw siya ng damit. Pagkasabi nga niya nun, kinabahan ako bigla e. Alam niyo naman, when girls go shopping, nagiging dakilang alalay ang mga lalaki but she assures me na hindi siya bibili ng marami. Hahaha! 

"What do you think? The pink or red?" Tanong niya sakin habang pinapakita ang dalawang blouse. Siguro pang-limang boutique na to na napasukan namin. Medyo nakakapagod rin pala. 

"Anything will do. Lahat naman bagay sayo e." I said. Napangiti ko naman siya dun! Yeahmen. Pogi points 101! Hahahaha. 

"Ikaw talaga. Pareho ko na nga lang bibilhin." Tapos dumerecho na siya sa counter at binayaran iyon. Ako na rin yung nagbitbit ng pinamili niya. Hindi naman din kasi masyadong marami e. 

Pagdaan namin sa CHEMISTRY, isang bilihan ng damit dito, napatigil ako nang may makita akong cute na t-shirt. Since chemistry ang name ng boutique na ito, usually for couples siya. 

"You like to buy one?" Napatingin ako kay Coleen nang magsalita siya. 

Umiling ako. "No! Corny kaya niyan." 

Tumawa si Coleen sa sinabi ko. "Everything is corny for you. Cute kaya! Bagay siguro sa inyo to ni Julia no? Halika bili tayo!"

Hinila niya ako papasok ng chemistry at binili niya yung couple shirt don na color white. Siya mismo bumili ha! At sabi pa, ibigay ko daw kay Julia! Ehhh ang corny naman! =___=

At dahil napagod kami sa pagshashopping, ang ending ay kumain kami. Nakakagutom kaya! 

"What happened to Julia earlier?" Napatigil ako sa paghahanap ng pagkain sa menu nang maalala kong nawalan ng malay si Montage. Argh! Oo nga pala. Nakalimutan ko yun ah. 

"Hindi ko alam e." Oo nga! Kailangan ko ba talagang alamin? Pero nag-aalala rin ako sa kanya. Kaso mukang okay na naman siya dahil kasama niya si Sam! Si Concepcion kaya yung nagbuhat sakanya kanina. Tss.

"Hindi mo alam? Haha. Anong klaseng boyfriend ka? Eh mas inuna mo pa nga akong samahan kesa mag-alala sakanya." Feeling ko sinampal ako sa sinabi niya! Oo nga, boyfriend ako. Pero kasi mas gusto kong kasama si Coleen ngayon. 

"Syempre nag-aalala rin ako." Totoo naman yon. "Tsaka alam ko ring andun naman ang P5 at si Kath para alagaan siya. Kung hindi kita sinamahan, edi wala kang taga-bitbit. Hahaha!" 

Tumawa lang kami ng tumawa and kwentuhan. Nabanggit niya sakin yung mga pinagkaka-abalahan niya sa States and such. Tumigil lang kami sa sobrang pagkukwentuhan nang dumating na yung order namin. 

In a Relationship with Mr. Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon