Chapter 4 - Pautang ako.

12.7K 177 18
                                    

Julia's POV 

"Sure ka ba talagang di mo ako sasamahan?" I bit my lower lip. Trying hard para magpacute kay Kath. Sabi niya kasi bumili daw ako ng dress sa mall ngayon para sa party tomorrow kaso nga lang di niya ako masasamahan dahil may usapan daw sila ni Daniel. 

"I can't go with you nga Montes. Gusto ko sana kaso napag-usapan na namin ni Daniel tong lakad." Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "You can do it by yourself. Ikaw pa. Haha. Aja!" 

"I should wear jeans instead of dress." Ako. 

"NO WAY! I'll kill you. Now, umalis ka na!" At pinagtabuyan na akong magaling ng kaibigan kong to. Si Kats naman kasi may gagawin pa after ng class. 

Psh. Lumabas na ako ng Apollo University. Kakatapos lang ng klase ko at papunta na akong mall ngayon para bumili ng dress for the Acquaintance Party tomorrow. =_= Si Kath na daw ang bahalang mag-ayos sakin basta bumili daw ako ng damit na susuotin ko :/ 

At ang bait. Di man lang ako nagawang samahan. Eh alam naman niyang hindi ko pa alam ang pasikot sikot sa lugar na to. Mamaya maligaw pa ako ~.~ 

Wag niyo na rin alalahanin ang sitwasyon ko kay Quen. Hanggang maari nga ay ako na ang umiiwas sakanya. Mukang wala naman talagang pakielam ang isang yon sakin e at ganun rin naman ako sakanya. Kaya ayos na rin, walang pansinan. 

** 

Dito ako binaba ng taxi driver sa likod ng mall. Parking Lot ata to ng mall tapos sa may pinaka-dulo, parang squatters area na siya. So naglakad na ako. Medyo malayo pa pala ang entrance dito. 

"AHHHHHHHHHHH! MAGNANAKAW!!!!!" I screamed. Tumakbo ako upang habulin yung magnanakaw na humablot ng pouch ko! Andun kasi yung pera ko no!!! 

"HOOOYY TUMIGIL KA NGAAAAAAAA!" Habol habol ko pa rin siya hanggang sa nakarating na kami sa isang eskinita sa squatters area. Dun siya dumerecho ng takbo e. Kung di niyo natatanong, number one ako sa track and field kaya mabilis akong tumakbo no. 

Nung nasa dulo na ng eskinita yung magnanakaw, wala na siyang mapupuntahan kaya humarap siya sakin. He smirked kaya lalo akong kinabahan. 

"Miss, Umalis ka na kung ayaw mong mapadali yang buhay mo." Pagbabanta niya sakin. Lumapit siya kaya naman napapa-atras ako. Kung bakit ba kasi may sumapi saking espiritu para habulin tong mamang magnanakaw na to! 

"Ibalik mo nga sakin yang bag ko! Pinaghihirapan ng parents ko ang laman ng wallet ko tapos nanakawin mo lang. Magtrabaho ka kaya! Err." Ako yan =___= Hoy Julia! Papatayin ka na nga, sumasagot ka pa >//< 

"Abaaaaa! Sasagot pa!" Susuntukin na niya ako kaya naman napapikit na lang ako! WAAAAAAHHH. Bakit kailangan pang mabangasan ang muka ko! Waaaaaah =_____= 

"ARGHHHHH!" 

Pero teka, parang may mali? Naghihintay ako ng isang malakas ng suntok sa muka ko pero parang wala namang nangyari? Then I decided to open my eyes. 

In a Relationship with Mr. Ice Princeजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें