Chapter 50 - The Consequence of the Task

7.1K 202 84
                                    


Author's Note: At dahil back to school na tayo bukas, here's another update. Please. I need your comments. Kahit ngayon lang, mag-comment na yung mga silent reader. Pleeease? *puppy eyes*

---

Julia's POV 

Monday. 

"Oh Julia, anjan ka na pala! Halika na dito at maghahain na ako ng agahan." 

Nakita ko si Tita Nikki na papasok na ng dining room kaya sumunod na ako sa kanya. Nang madatnan ko ang pinsan kong si Katsumi na kausap (more on kinukulit) ang boyfriend kong si Enrique habang nagluluto ito. Wow! Nagluluto si Quen? Swerte pala ako pag nagkataon. Haha.

"Patikim na kasi, Quen!" Napa-puppy eyes pa ito habang pilit na inaagaw ang sandok kay Quen. Iniiwas naman niya iyon. Ang cute nilang dalawa at nakakatuwa silang panuorin. 

"Hoy Katsumi! Lumayas ka nga dito. Hindi ka naman nakakatulong sa amin ni Quen. Nakaka-istorbo ka lang." Sabi ni Tita Nikki. 

"Ang sama mo, Ma! Sino ba ang anak mo sa amin? Bakit mo siya pinagtatanggol?" Parang bata na nag-iiyak iyakan si Katsumi sa harap ng mama niya habang si Quen ay natatawa. 

"Buti pa itong si Quen, nakakatulong sa akin magluto. Samantalang ikaw, nakakatulong ka umubos ng niluto ko! Ang takaw mo, anak!" 

"Wow, ma! Hindi mo talaga alam ang kahalagahan ko sa pagluluto mo. Hindi mo malalaman kung masarap ang luto mo kung hindi ko titikman." Depensa nito.

"Haaays! Ewan ko sa iyo! Mabuti pa't tulungan mo akong ilagay itong mga plato sa mesa." Inabot iyon ni Katsumi. Nagpresinta na akong kumuha ng mga kutsara't tinidor at baso. 

"Ang aga-agang mambulabog ni Quen." Bulong sa akin ni Katsumi. 

Napatingin ako sa kanya. Muka itong busy sa ginagawa. Naalala ko tuloy ang mag nangyari noong Biyernes. Nakakatuwang isipin na hindi na kami umaarte ngayon. Kasi, totoo na lahat ang nararamdaman namin para sa isa't-isa. It's real now. 

"Namiss ka ata ng todo dahil hindi naman kayo nag-date kahapon at nung Sabado." Dagdag pa nito kaya naman napangiti ako. 

"Namiss ko rin siya." Napa-iling na lang si Kats nang mapansin ang kilig ko. Tatawa-tawa siyang itinulak ako papalapit kay Quen na busy sa pagluluto. Hindi nga ako agad nito napansin e. 

"Goodmorning." Bati ko at tumabi sa kanya. Tinignan ko kung ano ang niluluto niya. 

"Goodmorning baby." Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. "Namiss kita." And that gave shiver down my spine. Ano ba to! Nag-iinit ata lalo yung muka ko. 

"Ang aga-aga andito ka na agad. Magkikita naman tayo sa school mamaya ah?" 

In a Relationship with Mr. Ice PrinceWhere stories live. Discover now