Chapter 49 - Bagong Taon ka ba?

7K 222 69
                                    


Author's Note: HAPPY NEW YEAR! \m/ Ito na ata ang pinaka-mahabang update ko sa IARWMIP. Ang sakit ng puso ko habang tinatype ko to. Huhu. May special girl na kasi si Lester. Uwaaaaa! Hahahahaha. Joke lang. Pero, sana magustuhan niyo itong update at sana mag-comment na yung mga silent reader. Please? 

---

Normal POV 

"JULIA!!!" Sigaw nito habang pinapanuod ang unti unting pag-takbo ni Julia sa kanya. Gusto niyang habulin ito, pero mismong mga tuhod na niya ang sumuko. Hindi niya ito mai-galaw and the next thing he knew, napa-upo na siya. 

Hindi alam ni Quen kung ano ang dapat maramdaman. Hindi ba siya nito mahal? Pero diba't sinabi ni Julia na mahal siya nito noong isang gabi? Ugh. 

Sana naniwala na lang siya sa sinabi ng isip niyang wala itong nais iparating. Na tulog lang ito at ang sinabi ni Julia nang gabing iyon ay wala namang ibig sabihin. Sana hindi niya na lang pinakinggan ang puso niya. Sana hindi niya sinunod ang puso niya. Sinungaling! 

Baka naman may gusto na itong iba. Napaluha si Quen nang maalala niya ang eksena nila ni Julia noong nasa cabinet sila ni Katsumi. Sinabi nitong nahihirapan na siya sa sitwasyon nila dahil hindi niya masabi sa lalaking gusto niya ang tunay nitong nararamdaman. At yung lalaking yon? Hindi niya alam kung sino.

Ang sakit sakit ng puso niya. Parang mas gusto pa niyang makipag-suntukan kaysa maramdaman to. Atleast doon, pisikal lang ang masasaktan sa kanya. Atleast doon, madaling gagaling ang sugat niya. At sunud-sunod na lang na pumatak ang mga luha niya. Sh.t. 

**

"Oh Julia, bakit ang tagal mo? Asan si Quen?" Tanong ni Katsumi pagkarating ni Julia sa table nila. Hindi siya nito pinansin at diretsong kinuha ang bag sa tabi nito. 

"I'm sorry. Kailangan ko ng umuwi. Hindi maganda ang pakiramdam ko. Happy Birthday, Lester!" Maglalakad na sana ito palayo nang pigilan siya ni Katsumi. 

"Teka, gusto mo ihatid na kita?" 

"Hindi na." Her voice is shaking. Agad naman iyong napansin ni Kathryn. "Kaya ko namang umuwi mag-isa. Sige, Kats." 

"Wait lang, Julia!" This time si Kathryn naman ang pumigil sa kanya. "I have to go na rin. Baka pagalitan ako ni mommy pag ginabi ako." 

"Pero Kath, pinagpaalam kita kay Tita--" Natigilan si Daniel nang hawakan ni Kathryn ang kamay niya. At nginitian ito. 

"Wag kang iinom ng marami ha? Itext mo ako pag uuwi ka na." Kathryn kissed his cheeks. 

"Mag-iingat kayo. Itext mo ako pag nakauwi na kayo ni Julia." Kathryn nodded. Nagpa-alam na ito kela Lester. 

Gets naman ni Daniel kung bakit kailangan naring umuwi ni Kath. Hindi nga siguro maganda ang pakiramdam ni Julia. Maybe she needs her. Ayaw niyang ipagdamot ang girlfriend sa kaibigan nito. 

In a Relationship with Mr. Ice PrinceWhere stories live. Discover now