Chapter 32 - Thinking Of You

11K 184 29
                                    


---

Normal POV

"So, where do you want to go?" Tanong ni Quen kay Coleen. Kasalukuyan silang nasa plaza. Same place na pinanuntahan nila Quen at Julia dati. 

"I don't know. Ano bang magandang gawin?" 

Napaisip si Quen. Hmmmm. Ano nga ba? And then a brilliant idea came up to his mind. Hehe. Mukang masaya to ah! ^____^ 

"Baril barilan tayo don. Paramihan ng mababaril. Ang matatalo, may dare." Ngiti-ngiting sabi ni Quen. Teka, naalala ko yang ganyang eksena ah!! 

"Anong dare naman yon?" *taas kilay* 

"Pag nanalo ka, sasayaw ako sa gitna. Pag natalo ka, kakanta ka dun sa stage. Ano? Game?" 

"Hmmmm." Tila nag-isip pa si Coleen. "Ayoko! The dare is so embarrassing!" 

Nanlumo ang muka ni Quen. "Aww. Ang KJ naman!" 

"Hindi ako KJ! Ayoko lang mapahiya. Isa pa, marami pa tayong mas magandang pwedeng gawin kesa puro kalokohan." 

Ewan ni Quen ha. Pero biglang bumigat yung pakiramdam niya. Gusto na niyang umuwi kaya lang, he can't leave Coleen here. Naalala niya kasi si Julia e. Buti pa yung isa, walang ka-kj-kj sa katawan. Samantalang si Coleen. Tss. She changed a lot. Pansin nga ni Quen na medyo umarte ito. Pero sa mga oras na iyon, Quen wants to be with Julia. Mas masaya kasi siya pag kasama yung girlfriend niya. 

"Upo na lang muna tayo." Coleen suggested. Umupo naman sila habang nanunuod ng nag-coconcert sa stage. He stared at Coleen's face habang busy ito sa panonood. 

---

Enrique's POV 

I can't feel anything. Hindi ako nag-eenjoy sa company ni Coleen. How is that? Dati naman, sabik na sabik akong makasama siya? Pero ngayon.. I'm longing for someone. 

"Bibili lang ako ng ice cream."

Nakita ko kasi yung sorbetero tapos biglang natakam ako sa ice cream. I remember when Julia gave her dirty ice cream to me as a peace offerring. Haha! Naghanap kaya ako nun sa plaza, tapos nag-aabang ako sa condo. Pero wala. Masarap pala yon! Now I don't want to miss this chance, gusto ko ulit makatikim ng dirty ice cream. 

Bumili ako ng dalawa para tig-isa kami ni Coleen. Ino-offer ko iyon sa kanya pagkabalik ko sa bench na inuupuan namin. "Ice cream oh." 

Tinignan lang niya yung ice cream na hawak ko at saka binalingan ulit yung mga nasa stage. "Ayoko. Madumi yan e. Baka magkasakit pa ko." 

In a Relationship with Mr. Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon