Chapter 1 - Welcome to Pinas!

18.3K 224 14
                                    

Julia's POV

WELCOME TO PHILIPPINES, JULIA MONTES! 

Nasambit ko sa aking isipan pagka-apak na pagka-apak ko pa lang sa airport ng Pilipinas. Ohh, how I missed this place. 8 years old ako noong nag-migrate kami ng parents ko sa Canada, and now that I'm a 16 year old girl, napagdesisyunan kong sa Pilipinas na lang mag-college. Alam ko naman sa sarili ko na kaya ko na e. Ayokong umasa sa parents ko all the time. Buti na lang talaga pumayag sila. Sabi ni mommy, papadalhan na lang daw nila ako ng allowance. 

"JULS!" I heard a familiar voice. Siguradong siya na to. 

"KATS!" Nagtatakbo akong lumapit sakanya saka siya niyakap ng sobrang higpit.

Si Katsumi Kabe nga pala, ang gwapong gwapo kong pinsan. Dalawa lang naman kaming magpinsan sa side ni mommy e. Tapos yung sa father side ko naman, hindi ko mga ka-close. Si Kats lang talaga ang parang tinuturing kong kuya. 

"Wow, ganda natin ah." He said. 

"Aba! Matagal na no. Ngayon mo lang napansin? Haha." Sabi ko sakanya na natatawa. Namiss ko talaga tong mokong na to. Lagi lang kasi kaming magka-skype eh.  

"Gandang joke nun, couz. Osha tara na sa mansyon ko." Sabi niya saka niya binitbit ang mga bagahe ko. 

*POK*

"Anong mansyon? Baka more on lungga." Binatukan ko kasi siya. Hahaha. Minsan talaga masarap manakit eh no? Physically ha lalo na sa kumag na to :) 

"Ikaw! Naka-isa ka don ha. Eh kung gawin kaya kitang labandera sa bahay." Tinuro turo niya pa ako. Natawa na lang ako sa itsura niya. 

"Hah. Try mo lang, isusumbong kita kay mommy." Ako. 

Nanlaki naman ang mata niya na ikinatawa ko ng mahina. Epic Face. Takot kay mommy kasi alam niyang isusumbong siya nito kay Tita. "To naman, di na mabiro! Tara na nga at baka nagugutom na ang pinaka-maganda kong pinsan." 

Inakbayan niya ako at naglakad na kami papuntang kotse. "Buti alam mo." sabi ko sakanya sabay palo ng mahina sa may tiyan niya. 

"Nako, ang abs ko!" Napahawak pa siya sa tiyan na. 

"Wow. Meron? Tabs kamo yan, Katsumi." 

He glared at me. Haha. "Ikaw babae, tatadyakan na talaga kita pabalik ng Canada e. Sige, isa pang banat mo I'm so gonna kick you!" Umakto pa siyang sumisipa. 

In a Relationship with Mr. Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon