IX. Temporary Restraining Order.

238K 3.9K 301
                                    

"Nakita mo na ang resulta ng ginawa mo?!" Galit na galit na sumigaw si Daddy. Nandito kami ngayon sa loob ng library dito sa bahay, kasama ang mga lawyers ni Dadddy. 

Kakasabi lang nila na there's no way in hell na iuurong ng mga Ordoñez ang Temporary Restraining Order na ihahain nila laban sakin.

Tahimik lang ako the whole time na kausap ni Daddy ang mga lawyers namin, wala rin naman akong maitutulong panigurado. Tutal, ako naman din ang "gulo" dito.

"Magkano ba ang kailangan nila? Willing akong magbayad, iatras lang nila yung TRO laban sa anak ko!"Napailing yung isang abogado, si Atty. Rivera.

"I'm sorry, Sir. Pero hindi sila nababayaran, hindi sila humahangad ng pera. The girl he messed with is from a well-off family." Napakamot sa batok si Daddy. Siguro kung wala lang itong mga abogado sa harapan namin, kanina pa ako naliligo sa mura.

"May mediation pa naman dito?" Umiling naman si Atty. Llano. "Sir, I'm afraid wala na po. Ayaw rin po nila makipag-mediate, desidido po silang palayuin si Sir Mark sa unica hija nila." Tumango na lang si Daddy at napaupo sa kanyang upuan.


Nanahimik ang lahat, nag-iisip siguro ng mga maaaring pang gawing strategies para mapaamo ang mga Ordoñez. Actually, kanina pa ako may naisip na strategy... hindi ko lang alam kung papayag si Daddy sa sasabihin ko.


"Dad..." Lumingon siya sakin. "Haharapin ko na lang po lahat ng ibabato nila sakin." Umiling si Dad.

"No, hindi mo gagawin yan! Madudungisan na ang pangalan natin na kinainga-ingatan ko! Sisirain mo lang dahil sa pagka-obsess mo ex-girlfriend mong patayna! Hindi mo man lang naisip na napaka-imposibleng mabuhay siya sa katawan ng isang estudyante!Nasisiraan ka na talaga ng bait! After nitong gulo na to, lilipad ka ulit sa California at hinding-hindi ka na babalik dito sa Pilipinas!" Galit na sigaw ni Daddy.

Hindi ko alam pero napikon na talaga ako sa mga sinabi ni Dad."Dad, pwede ba?! 25 years old na ako! Hindi ko na kayo kailangan na sabihan ako ng mga kailangan kong gawin sa buhay! I'm a grown up man! Ako ang magtatama sa mga maling nagawa ko, hindi kayo! Ako ang magdedesisyon para sa sarili ko, hindi kayo! At hindi ko rin kailangan na bayaran niyo ang mga Ordoñez para iatras nila ang TRO na ihahain nila sakin, haharapin ko yun tulad ng dapat gawin ng isang tunay na lalaki!"Nanahimik ang lahat ng matapos kong sumigaw. "I'm done with this crap." At iniwan ko na silang tahimik sa library.




ONE WEEK AFTER


Wow. Naging Instant Celebrity ako after kong buong tapang na harapin yung TRO, nagkaroon ako ng mga fans? Seriously? Ako may fans? Hindi ba dapat matakot sila dahil naging obsess ako sa isang estudyante dahil napagkamalan kong buhay pa ang ex-girlfriend ko? Oh well, kaya nga may detractors na ako para dyan eh. Trabaho na nilang magalit sakin.


Isang linggo na pala akong nakakulong sa bahay kasi isang linggo na ring nagtayo ng camp ang mga paparazzi sa harapan ng bahay namin. Hindi tuloy ako nakapagsimulang magturo sa DAU, akala ko nung una madede-jeopardize yung pagtatrabaho ko dun. But knowing Dad, paniguradong ginamit niya mga galamay niya para hindi ako matanggal sa trabaho ko. Isa pa, isa siya sa mga may-ari ng university na yun.

Nakakaawa naman yung mga estudyante ko, isang linggong walang natutunan. Siguro naman may substitute silang professor dun no? Buti na lang at papasok na ako ngayon, napilit ko na si Daddy na palabasin na ako ng bahay dahil burong-buro na ako dito.


At wala na rin naman siyang kailangang ikatakot kapag nakasalubong ko yung si Anna Maria Ordoñez... dahil tanggap ko nang hindi siya si Mars.






Nakakahinga na ako ng maluwag ngayon dahil isang linggo ko na ring hindi nakikita si Mark. Siguro dahil yun sa TRO na inihain namin laban sa kanya. Mabuti naman, nakakatakot kasi siya! Baka mamaya hindi siya makapagpigil at hilahin niya na lang ako at pagsamantalahan. Kaya mabuti na rin ito, may mga oras mang naaawa ako sa kanya pero ako naman ang kawawa kapag nagkandaloko-loko na.


Ang down side lang nitong TRO issue na to, nakilala ako sa school. Paano di ako makikilala? Napabalita kasi sa TV! At hanggang ngayon binabantayan pa rin ng lahat ang galaw ng anak ni Senator Villareal. Sa news ko lang din nalaman na big time ang pinanggalingan na pamilya ni Mark... nagtataka lang ako kung bakit hinarap niya yung TRO kung kayang-kaya niya namang gamitin ang mga galamay ng tatay niya? Teka nga! Bakit ko ba to pinag-aaksayahan ng panahon!? Makapasok na nga at mali-late lang ako!



"Miss Riri, mali-late ka na sa klase mo." Alam niyo bang hanggang school, kasama ko tong si Ate Lydia? Minsan nga napipikon na ako sa kanya dahil LITERAL na KAHIT SAAN sinusundan niya ko. Kulang na lang siya ang ngumuya at lumunok ng mga kakainin ko. Hindi ko na rin siguro kinakailangang dumighay dahil kaya niya ring gawin yun para sakin. 

"I'm coming, Ate Lydia! Wait lang!" Tumakbo na ako pababa ng hagdan at dumiretso na sa may sasakyan namin.

As usual, wala na naman ang parents ko. Na-extend yung pag stay nila sa Cebu. Hindi man lang sila umuwi nung kasagsagan ng TRO issue... Nakakatampo pero wala akong magagawa, trabaho nila yun eh.


Pagkadating na pagkadating ko ng school, halos lahat ng tao nakatingin sakin. Teka, dahil ba to sa TRO issue? Last week pa to ah? Tsaka kahapon lang... parang wala na uli dahil tahimik na yung mga tao kahapon pero bakit ngayon? Nagsisimula na naman sila. May iba pa ngang nagbubulungan pa.


Hindi ko na lang sila pinansin dahil magta-time na at baka ma-late ako sa first subject ko! Nakakatakot pa naman yung substitute na professor ng Statistics, kaunting mali lang namin nagwawala na. 

Si Ate Lydia naman dumiretso na sa canteen pagkahatid niya sakin sa classroom. Susunduin niya na lang daw ako pagkatapos ng first period class ko, mabuti na lang at bawal ang mga sit-in dahil kung hindi... magbibigti na talaga ako.

Pagkapasok ko ng classroom, ayan na naman ang mga tingin nila. Nakakabanas ah. Hindi ko na lang ulit pinansin at umupo na ako sa usual seat ko. Mukhang wala pa ang best friend ko ah? Absent siguro yung bruha na yun. Tsk.

Dahil wala pa nga yung substitute prof namin, inaral ko na lang uli yung home work na pinagawa niya. Saan na ba yung binder ko... ayun! FUDGE. Wala akong ballpen. Kamusta namaaaaan.


Lumabas ako ng classroom at nagmadaling bumababa sa first floor, nasa first floor kasi yung bookstore nitong university tapos nasa third floor ako! Nakakainis! Ngayon pa ako walang ballpen.


Pagkatapos kong makabili ng ballpen, kumaripas agad ako ng tabo papuntang third floor. Paano kasi! Nagbell na! Ayokong maabutan ako ng substitute prof namin! Nakakatakot!


Pagkaliko ko sa hallway... BAM!


May nabangga ako. Napaupo ako sa sahig at nagliparan ang files ni kuyang nakabangga ko. Nung nakarecover ako sa pagkakaupo sa sahig, tinulungan ko siyang pumulot ng files niya. Hindi niya ako tinulungang tumayo dahil mukhang busy pa siya sa pag-aayos ng files niya. Tumayo na lang ako mag-isa at nagpagpag ng palda ko.




"Sorry po. Hindi ko sinasadyang mabangga--kayo."Nagulat ako pagkatingin ko sa mukha niya. Mamamangha sana ako sa kagwapuhan ng nasa harapan ko kung hindi lang siya si... Mark.

Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon